Chapter 4

58 4 0
                                    

CHAPTER 4

SHAYNE SUZETTE'S POV

Sobrang tagal ng byahe namin, text ng text na si Boss. H'wag ko na raw muna isipin ang trabaho ko, nagbabakasyon din daw muna kasi siya.

Naglakad kami ni Savannah pataas at nung nakarating na kami sa tuktok ay magandang view ang bumungad sa akin, fresh ang hangin at ang sarap sa pakiramdam, nakakawala ng stressed.

May sumalubong sa amin na babae, hindi naman katandaan ang itsura pero hindi ko napansin dahil sa magandang view ako nakatingin.

" Surprised Nay, may mga binili akong pasalubong sa'yo at sya nga pala Nay, si Suzette, kaibigan ko. " Sabi ni Savannah, tumingin ang babae sa akin at tila nagulat siya, nang ma-realized ko kung sino ang kaharap ko ay nagulat din ako.

" Aleng Susan ??? " Bulalas ko at nakita kong napakunot noo si Savannah.

" Magkakilala kayo? " Nagtatakang tanong ni Savannah

" Mahabang kwento anak, saka na lang tayo magkwentuhan tungkol dun, halina kayo sa bahay at ng makakain na, mahaba ang byahe niyo e para makapagpahinga na din. " Sabi ni Aleng Susan

Naglakad na kami papunta sa bahay nila, maganda at malaki, puno ng bulaklak ang paligid ng bahay.

" Pasok iha, kami ang namamahala dito sa hacienda nila, may kubo d'yan sa gilid para magandang tambayan, malakas ang hangin kahit mainit. " Sabi pa ni Aleng Susan.

" Savannah anak, ituro mo kay Suzette kung saan ang  kwarto niya, doon sa tapat ng kwarto ng pinsan mo at ng kasama niya, ang sabi niya ay pupunta din sila dito. "

" Opp Nay, may sasakyan si Kuya e hindi nga lang kami nakasabay kasi gusto ko na mauna sa kanila hehe. " Sabi ni Savannah at itinuro na niya sa akin ang kwarto at inilagay ko ang mga gamit ko.

" Kakain na daw tayo. "

" Sige, sunod na ako. Magbibihis lang ako saglit. " Sabi ko

Paglabas ko ng kwarto ay nakahain na ang pananghalian namin.

" Kumain na kayong dalawa para makapagpahinga. Mamayang hapon pa siguro sila dadating. " Sabi ni Aleng Susan sa amin at kumain na kaming dalawa. Mag isa lang si Aleng Susan na namamahala dito sa Hacienda Del Mundo.

" Namiss ko ang mga gulay na 'to. Bukas Nay, pwede ganito ulit ? "

" Oo naman anak, Sige na, kumain na kayo d'yan, may pakwan sa ref. kunh gusto niyo ay kunin niyo na lang doon. " Sabi ni Aleng Susan, hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko siya at ang mas nakakagulat dun ay nanay siya ni Savannah.

" Magpahinga ka na muna Suzette, matutulog din ako, hindi ako nakatulog sa byahe e. " Sabi ni Savannah

" Pwede bang doon sa kubo? Masarap kasi matulog doon, malakas ang hangin. " Sabi ko

" Pwede naman, ikukuha kita ng unan, saglit lang. " Sabi ni Savannah at pumasok ng kwarto, nagtungo naman ako sa kubo at doon natulog.

-

Nagising ako ng may narinig akong ingay, boses lalake at daldal siya ng daldal. Sino ba 'yun? Parang narinig ko na ang boses na yun, akala ko kanina ay nananaginip lang ako.

" Ang ingay ingay mo insan, baka magising ang kaibigan ko, mabuti kayo at nakatulog kayo ng maayos e kami ay hindi. " Narinig kong sabi ni Savannah, ibig sabihin ay nandito na ang pinsan niya.

Inayos ko ang buhok ko pati na rin ang band aid aa may mata at pisnge ko bago lumabas.

" Oh, gising ka na pala. " Sabi ni Aleng Susan.

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon