Chapter 25

49 4 0
                                    

CHAPTER 25

SOMEONE's POV

Pagdating ni Suzette sa hospital at agad siyang nagtungo sa room na sinabi ni Szymon, hindi lang siya makapasok dahil maraming tao sa labas, may mga taga media din kaya lalong hindi siya makapasok.

“ Sky, nandito na ako sa labas, nasaan ka? ” text ni Suzette at maya maya pa ay lumabas si Szymon.

" Kumusta siya? " Tanong ni Suzette

" Sa tagiliran ang tama ng bata at maraming dugo ang nawala sa kanya, kailangan siyang salinan pero nagkaubusan daw ng dugo na katulad ng kay Sethy, tumawag na din ang mga doctor sa kalapit na hospital. " Sagot ni Szymon

" Pwede bang pumasok doon? Nasaan sila Tita? " Tanong ni Suzette

" Umuwi na sila mommy, natakot din sila sa nangyari. Bawal daw pumasok sa loob ang hindi family e pero alam naman nila na pupunta ka dito. " Sagot ni Szymon

" Balik na lang tayo dito bukas. " Sabi ni Suzette

" I-uupdate na lang daw ni Tita Selena si Mommy sa mga mangyayari, pasensya na din daw sa'yo. " Sabi pa ni Szymon

Next day.

Sa SS natulog si Suzette kaya maaga siyang nagising, nag deliver din ng mga gulay at prutas si Sonya sa kanila.

" Nabalitaan ko ang nangyari dito kahapon Suzette, kumusta na daw yung bata? " Tanong ni Sonya

" Kailan daw po ng dugo ate, marami po ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang masalinan." Sagot ni Suzette

" Kawawa naman yung bata, nadamay pa siya sa mga taong nag amok na iyon. " Iiling iling si Aleng Sonya at naglakad na papunta sa may pintuan.

" Ako'y aalis na at magbubukas pa ng aking pwesto sa palengke. "

" Sige po ate Sonya, Salamat. " Sabi ni Suzette

Hindi muna sila nagbukas ng restaurant dahil sa nangyari kahapon.

" Samantha, pwede kayong lumabas muna ni Selah ngayon, ako na ang bahala dito, bukas pa naman tayo magbubukas e. " Sabi ni Suzette

" Talaga Miss Suzette? Samantha, let's go. Manuod tayo ng movie parang pahinga ba din natin 'to. " Sabi ni Selah

" Sige. Magbibihis lang ako. Salamat Miss Suzette. " Sabi ni Samantha

" Thank you din sa inyong dalawa for always taking care of our restaurant. " Sabi ni Suzette at niyakap pa yung dalawa.

* SZYMON SKY's POV *

Saturday morning, bumisita si mommy sa hospital para dalawin si Sethy at kamustahin sila Tita Selena, kasama niya si Samara. Naligo din ako ng maaga, hinatid ko lang si Daddy sa company tapos dederetso ako sa SS para puntahan si Suzette, Alam kong doon siya natulog dahil doon ko siya hinatid kagabi.

“ Guys, hang out tayo sa SS. Papunta ako doon , sunod kayo ha. ” text ko sa mga kaibigan namin, balak naming i-surprised si Suzette, alam kong medyo stressed ang girlfriend ko ngayon dahil sa nangyari kahapon.

Nagpark ako ng kotse sa kalapit na parking lot at naglakad papasok sa SS, sa likod ako dumaan dahil sarado sa entrance, habang naglalakad ako ay may narinig akong boses, kumakanta, naka on ba ang radyo ni Suzette?

^^ Nakatulong ba nung lumayo ako? ^^

Habang naglalakad ako ay palakas ng palakas ang music.

^^ Nahanap nga sarili mo
Nawala naman ako
Masisisi mo pa ba
Kung ako'y susuko na?

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon