Chapter 14

52 4 0
                                    

CHAPTER 14

SHAYNE SUZETTE's POV

Si Sky ba talaga itong kaharap ko? Ilang taon na ang nakalipas simula noong huling beses kaming nagka-usap, bata pa kami noon at nasa hospital siya, ooperahan.

Si Tita Sara lang ang nakaka alam na ako ang kidney donor niya noon, hindi na ako nagpakita sa kanila noon dahil alam konh iiyak lang ako, nalaman ko kasi na pupunta sila ng Denmark sa lola nila para doon magpagaling, tatakas sana ako sa bahay noon para puntahan sila sa bahay nila bago umalis pero nakita ako ng guard namin at ayun nga, dumating ang mga Chinese na yun.

Nagtataka ba kayo kung bakit SS ang tawag ni Szymon sa akin? SS din naman ang tawag ko sa kanya noon, hindi Stay Strong kundi dahil sa mga simula ng pangalan namin, Szymon Sky at Shayne Suzette.

" Uuwi na muna ako, may pupuntahan pa ako e. " Paalam ko kay Szymon

" Saan ka pupunta? Trabaho? " Tanong I

" Hindi mo kailangang malaman, hindi naman kita boyfriend. " Sabi ko pero pabulong ang huling linya.

" Narinig ko yun ha, hindi pa sa ngayon pero gagawin ko ang lahat para mapasagot kita lalo na ngayon na nalaman ko na ikaw pala yubgy childhood best friend ko. "

Ngumiti lang ako na hindi ko naman gaanong ginagawa.

" Inom ka ng maraming tubig. " Sabi ko at nagpunta sa kusina.

" Tita, uuwi na po ako. Maraming salamat po sa masarap na almusal, masaya po ako na nagkita tayo ulit. "

" Masayang masaya din ako na nagkita tayo ulit Suzette, Sana ay dumalaw ka ulit dito paminsan minsan. Suzette na ang itatawag ko sa iyo, yun kasi ang sabi ni Szymon, siya lang daw kasi ang tatawag sa'yo ng Shayne. " Medyo natawa ako sa sinabing yun ni Tita Sara, wala nga namang tunatawag sa akin ng Shayne maliban sa kanya.

" Tita... " Tawag ko sa kanya na may nag aalalang boses.

" Suzette iha, promise hindi nila malalaman, bukas pa lang ang balik nila dito sa Pilipinas at sa isang linggo pa ang  meeting namin. Don't worry, I will protect you, hindi ka na iba sa akin, parang anak na din kita alam mo yan, nasaktan din ako sa lahat ng pinagdaanan mo, alam kong hindi mo pa sila kayang harapin pero sana dumating yung araw na bumalik yung dating Suzette na kilala namin. "  Sabi ni Tita Sara

Ang lakas ng pakiramdam niya, alam na niya agad yung sasabihin ko kahit “ Tita ” pa lang naman anh nasasambit ko.

Naiyak ako at napayakap kay Tita Sara. All this time ang nasa isip ko ayaw ng mga tao sa'kin dahil sa itsura ko, walang nagmamahal sa akin dahil ang iniisip ko katulad lahat sila ng mga magulang ko pero I was wrong, hindi pala lahat ng tao ay katulad nila, siguro dahil wala na din akong pake alam sa paligid ko kaya yung iniisip ko ayaw sa'kin ng mga tao.

" Salamat Tita. " Sabi ko at nagpunas ng luha. Gagawin ko na lang lahat para sa mga taong nag-ke-care sa akin.

" Ingat pauwi iha. " Sabi pa ni Tita Sara at nakipag beso sa akin.

Hindi madaling lumagay sa sitwasyong ito, sa katayuan ko. May natitirang pagmamahal pa rin naman siguro pero mas malala yung poot at galit dahil sa murang edad yun na yung nakatatak sa isip ko.

" Ate Suzette, gala tayo minsan. Pwede po ba? Dati pa kasi ako excited na makilala ka e palagi ka kasing pinagkukwentuhan ni Kuya at Kuya Seth. Late na palagi umuwi yan kasi dumadaan pa raw sa school niyo para makita ka. " Sabi ni Samara, medyo nagulat ako sa sinabi niya, so tama pala lahat ng sinabi ni Szymon, akala ko ay sinabi niya lang yun noong umamin siya.

" Talaga? Sige, gala tayo minsan kapag hindi ako busy. " Sagot ko

" Thank you ate. "  Sabi ni Samara at niyakap ako

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now