Chapter 21

49 5 0
                                    

CHAPTER 21

SZYMON SKY's POV

Totoo ba ito? Hindi ko pa rin alam kung ang sasabihin ko o kung ano ang magiging reaction ko, basta ang alam ko ay sobrang masaya ako.

" Totoo ba 'to Shayne? Girlfriend na kita. " tanong ko

" O-Oo. " Parang nahihiya pa niyang sagot, wala akong nagawa kundi yakapin siya ulit.

" Thank you Shayne, I love you so much. I can't explain what I'm feeling right now. " Sabi ko na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.

" Dahil dito, kumain na tayo, parang nagutom ako. " Sabi ko

" Gusto mo ba ng mamon with creamstick? " Tanong niya

" Syempre gusto ko, mamaya bibili tayo pero mag lunch muna tayo sa SS. " Sabi ko

" Doon talaga tayo kakain? " Tanong niya

" Oo, para yung ibabayad ko ay sa'yo din mapupunta. " Sabi ko, ngumiti lang siya, ngiti na ngayon ko lang nasilayan sa kanya.

" Bakit mo ako tinititigan? Nahihiya ako. " Mahinang sabi niya

" I'm just happy my SunSHAYNE, I love you. " Sabi ko

" I love you... too, let's go. " Sabi niya at naglakad na kami papunta sa sakayan. Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kanya.

" Kuya, dito lang po. " Sabi ni Suzette at tumigil ang sasakyan sa tapat ng Simu't Sarap.

" Salamat kuya. " Sabi ko sa driver at naglakad na kami papasok ng kainan.

" Good afternoon Sir, Ma'am... Suzette? I mean Miss Suzette, this way po. " Turo ni Samantha sa mesa na pang dalawahan lang.

" Thank you Samantha. " Sabi niya at ngumiti lang si Samantha sa amin.

Inihain na nila sa amin ang order namin at kumain na kami ni Suzette, hindi ko talaga mapigilang mapatitig sa kanya.

" Paano ka pa makakakain n'yan. " Biglang sabi niya

" Ha? "

" Paano ka pa makakakain n'yan kung sa mga titig mo pa lang sa akin ay parang busog ka na. " Sabi ko

" Gusto ko ganito lang ako, kahit siguro titigan kita maghapon at magdamag ay hindi ako mapapagod. " Sabi ko

" Hay naku Sky, gutom lang yan. Kung magtititigan lang tayo dito maghapon ay walang mangyayari. " Sabi niya, Oo nga naman.

-

" So, sa lahat ng kinain natin ngayon, alin ang pinaka-nagustuhan mo? " Tanong niya

" Syempre lahat pero mas gusto ko 'to. " Turo ko sa isang menu na may gata ng niyog.

" Sa totoo lang, ako ang naka-discover n'yan, ako pa lang yata ang nagluto ng ganitong pagkain. " Sabi niya

" Ano bang tawag dito Shayne? " Tanong ko

" Ginataang Guyabano. " Sagot niya

" Ha?? Seryoso, pwede palang gawing gulay yan? " Nagulat ako, prutas kasi tapos naisipan niyang gawing gulay, ang astig niya talaga mag isip.

" Oo. Hindi halatang Guyabano ito 'no? Ito kasi yung mùra pa, I mean yung hindi pa pahinog kapag kasi hinog na tapos ginawa mong gulay ay medyo maasim na. " Sagot niya, napamangha niya ako, mukhang ang dami niyang alam.

Nagkwentuhan lang kami, hindi namin namalayan ang oras at hapon na pala.

" Paano kung maki-share ako dito sa negosyo mo, okay lang ba sa'yo? " Tanong ko

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now