Chapter 16

48 5 0
                                    

CHAPTER 16

SOMEONE's POV

Isang linggo na ang lumipas, hindi ibinalita sa television ang pagkawala ni Suri.

" Kuya, itinext mo na ba si ate Suzette? Anong oras daw kami aalis? " Tanong ni Samara sa Kuya Szymon niya.

" Ang sabi niya kanina ay papunta na daw siya, hintayin mo na lang. " Sagot ni Szymon na busy sa pagsusulat.

" Ano ba yang sinusulat mo Kuya? Love letter ba yan? " Tanong pa ni Samara

" Tsk. Hintayin mo na lang si Suzette doon sa sala, h'wag mong paki-alaman itong ginagawa ko, parating na yun kulet. " Sabi ni Szymon

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Suzette, naka black pants at purple t-shirts ito, may cap na suot at maliit na backpack.

" Hi ate Suzette, wow. Ang astig ng ootd mo, bagay sa'yo iyang suot mo. "

" Salamat. Kuya mo? " Tanong ni Suzette

" Oyy tinatanong hehe nasa taas po, tatawagin ko ba? " Tanong ni Samara

" Oo. Ang sabi niya ay sasama daw siya. "

" Ano?? Akala ko ay tayong dalawa lang. Si Kuya naman e. " Nakasimangot na sabi ni Samara

" Hayaan mo na, next time na gagala tayo 'wag nating ipaalam sa kanya, tayong dalawa lang. " Sabi ni Suzette

" Really ate Suzette? G ako d'yan. " Sagot ni Samara

" Kulet, nand'yan na ba si . . . " Napatigil si Szymon sa pagbaba ng hagdan ng makita niya si Suzette.

" Hi. " Nakangiting bati ni Suzette

" H-Hi. " Dahan dahan na bigkas ni Szymon na nakangiti at tila wala sa sarili, tulala itong nakatingin kau Suzette.

" Kuya! Laway mo tumutulo. " Sigaw ni Samara, natawa si Suzette at nabalik sa wisyo si Szymon.

" Wala naman ah. " Sabi ni Szymon, tiningnan nito kung may laway nga.

" Biro lang, titig na titig ka kasi kay ate Suzette, ayaw ng mawalay ng mga mata mo sa kanya. "

" Sino bang hindi mapapatitig sa ganyang kaganda na diwata este dalaga. " Sabi pa ni Szymon

" Asus. Si Kuya in love na in love. " Pang aasar ni Samara

" Magkukulitan na lang ba kayo d'yan o lalakad na tayo? " Tanong ni Suzette

" Eto na nga po, lalakad na. Papara lang ako ng tricycle. " Sabi ni Szymon at nauna ng lumabas.

Nagpunta sila ng Mall, naglaro sa arcade.

" Rest room lang ako saglit. " Paalam ni Samara kaya't naiwan ang dalawa.

Nasa loob pa rin silang dalawa ng palaruan. " Anong gusto mo ? "Tanong ni Suzette kay Szymon

" Ikaw. Ikaw yung gusto ko. " Sagot ni Szymon

" Ang tinatanong ko ay yung gusto mong laruin hindi yung gusto mong babae. " Sabi ni Suzette

" Yung basketball ang gusto kong laruin hindi yung puso mo. " Sabi pa ni Szymon, bahagyang natawa si Suzette.

" Puro ka kalokohan. " Sabi ni Suzette

" Akala ko lakad namin 'to pero bakit parang naging date niyo? " Sabi ni Samara, nakasimangot siyang naupo sa sahig.

" Tumayo ka nga d'yan, madudumihang iyang suot mo, papahirapan mo na naman si Mommy na maglaba. " Sabi ni Szymon sa kapatid niya

Nakasimangot pa din si Samara.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now