Chapter 12

47 4 0
                                    

CHAPTER 12

SZYMON SKY's POV

" Kung Oo, matatakot ka ba sa akin? " Tanong niya

" Ha? Bakit naman ako matatakot? " Sagot ko at napalunok

" Tapusin na muna natin itong kinakain natin. " Sabi niya at lalo akong nagtaka.

Ayaw ko sanang itanong sa kanya pero ayaw kong magsinungaling.

Tumayo siya at itinapon ang lalagyan ng cup noodles, kumakabog ang dibdib ko, hindi ko alam ang sasabihin niya pero seryoso ang mukha niya, sabagay natural na iyon sa kanya.

" Szymon. "

Nagpatayo ako sa gulat ng sabihin niya ang pangalan ko.

" Ah.. ahmm ano yun? " Tanong ko

" Ilang araw pa lang tayong magkakilala but I trust you, sasabihin ko sa'yo lahat para naman makilala mo kung sino talaga ako, kung ano ang tunay na pagkatao ng babaeng ginugusto mo. " Sabi niya at napaupo sa tabi ko.

" Oo, magkakilala kami ni Sue, siguro one year na pero please lang, 'wag mong sasabihin kay Seth. " Sabi niya. " Ano pang tanong mo? Sabihin mo na, bilisan mo at ginaganahan pa akong magsalita. " Sabi niya

" Totoo ba lahat ng narinig ko? "

" Alin dun? " Tanong niya

" About sa trabaho mo. "

" Nagtatrabaho ako sa SS at kay Boss, binabayaran kami para iligpit yung mga taong bumabangga sa kanya, yung humaharang sa plano niya. " Sagot niya

" Nakapatay ka na ba ng tao? " Tanong ko pa

" Pwedeng oo, pwedeng hindi pero kaya ko. Gumagamit ako ng shuriken, Oo gusto mo makita? " Tanong niya

" Ah 'wag na muna sa ngayon Suzette. " Sabi ko

" Pwede bang sa'tin lang 'to Szymon. " Sabi niya

" Oo naman, promised. You can trust me. " Sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay.

" Thank you. " Nakangiti niyang sabi

Tumingin siya sa dagat tapos biglang tumingin ulit sa akin.

" Szymon..  "

Mahinang bigkas niya sa pangalan ko.

" Bakit? " Tanong ko

" Dahil alam mo na ang tungkol sa akin, may tanong ako. " Sabi niya, humarap ako sa kanya

" Ano yun? " Tanong ko ulit

" Gugustuhin mo pa rin ba ako sa kabila ng mga nalaman mo? " Deretsong tingin siya sa mga mata ko, hindi ako agad nakasagot, nabigla kasi ako sa tanong niya, kapag may gusto siyang sabihin o itanong ay sinasabi niya talaga, prangka siya.

" Oy, tinatanong kita. " Sabi pa niya, Wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya , nagulat din ako sa ginawa ko pero hindi ko siya binitawan agad.

" Walang magbabago dun Suzette. " Sabi ko at saka bumitaw. Hinawakan ko din ang pisnge niya.

Awkward..

Napaiwas siya at tumingin na lang ulit sa dagat. Ilang oras pa ang lumipas at bumaba na kami nh barko, sumakay naman kami ng bus, nakatulog kami habang byahe at hindi ko na namalayan ang oras.

" Szymon... Szymon gising na. " Mala anghel na boses ang narinig ko kaya napamulat ako.

" Bababa na ako. " Sabi ni Suzette

Napaayos ako ng upo, nandito na pala kami.

" Sige. Ingat ka. " Sabi ko at ngumiti

Ngumiti lang din siya ng konti at bumaba na. Napatingin ako sa upuang katabi ko, nandoon ang panyo ko na ipinahiram sa kanya noong nakaraan, may maliit na papel, sticky note siya..

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon