Chapter 22

49 4 0
                                    

CHAPTER 22

SZYMON SKY'S POV

Pumasok ako sa bahay ng nakangiti, pagbukas ko ng pinto ay nakasimangot na mukha ni Samara ang bumungad sa akin.

" Mom, Kuya is here and it's 7:00 o'clock already. " Sigaw ni Samara

" Okay. Tatapusin ko lang itong niluluto ko. " Sagot ni mommy

" Bakit ngayon ka lang kuya? You promised to me na sasamahan mo ako sa Mall today but hindi ka tumupad, what time na oh, gabi na Kuya your so madaya naman. " Nakasimangot pa din niyang sabi at hinayaan ko lang siya na magsalita. .

" Sorry na kulet, hindi ko lang talaga namalayan ang oras eh. " Sagot ko

" Hindi ko tinatanggap ang reasons mo, wala kang isang salita Kuya. " Sabi pa at pabagsak na naupo sa sofa.

" Kahit na may good news ako sa'yo? " Tanong niya, parang umaliwalas ang mukha niya at tumingin sa akin.

" Good news? Anong good news yan kuya? " Tanong niya

" Kaya hindi ako nakatupad sa usapan natin ay dahil kasama ko si Suzette, nagpunta kami sa church at kami na, sinagot niya na ako. " Sabi ko, nakatingin lang siya sa akin bago biglang ngumiti.

" Really kuya? Kaya nakalimutan mong may lakad tayo ay dahil kasama mo siya, hindi mo namalayan ang oras dahil kasama mo si ate Suzette? " Tanong niya

" Oo at sobrang saya ko, pasensya na kulet ha, bawi na lang ang Kuya. " Sabi ko

" Okay. " Sagot niya at ngumiti sabay takbo sa kusina.

" Mommy, may girlfriend na si Kuya ! " Sigaw niya, natawa na lang ako sa inasal ng kapatid ko.

" Girlfriend mo na si Suzette anak? " Tanong ni mommy

" Opo mommy. Sobrang saya ko po. " Sagot ko at yumakap kay mommy

" I'm so happy for you anak, maupo na kayo at kakain na tayo. " Sabi ni mommy, nagpaalam ako sa kanila na magbibihis lang muna ako at umakyat na ako sa kwarto ko, nagpalit ako ng damit na pambahay.

“ Nandito na ako sa bahay. ” text ni Suzette

“ I miss you already, my SunSHAYNE. ” reply ko

“ I miss you too my Sky :  ) ”

Bumaba na ako at iniwan ang phone ko.

" Kuya, snack na lang tayo mamaya. " Sabi ng kapatid ko

" Sige. Later bibili tayo o kaya yung binili na lang ni mommy sa grocery. " Sabi ko, babawi na lang ako kay Samara, nakalimutan ko kasi talaga.

Kumain lang kami ng hapunan pagkarating ni Daddy, konti lang ang kinain ko dahil busog pa naman ako.

" So, ano ang good news? " Biglang tanong ni Daddy sa akin

" Po? Sinong may sabi sa'yo dad? " Tanong ko

" Ang kapatid mo, ang sabi niya sa akin ay may good news ka raw na sasabihin. " Tiningnan ko si Samara, naka peace sign siya.

" May girlfriend na ako Dad. "

" Really? Binata na talaga itong anak ko. " Sagot ni Daddy

" Kailan ba bibisita ulit dito iyang si Suzette, gusto ko na siyang mayakap dahil pinasaya ka niya ng sobra anak. " Sabi ni mommy

" Actually Mom, gusto ko na rin siyang mayakap hehe. " Sabi ko

Tapos na kaming mag-dinner, nagkukwentuhan lang kami habang nasa kusina, tinulungan kasi namin ni Samara si mommy na magligpit ng mga gamit sa kusina, ako din ang naghugas ng mga plato na  ginamit namin.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now