Chapter 5

64 5 0
                                    

CHAPTER 5

SZYMON SKY'S POV

Napabangon ako bigla, nanaginip kasi ako, napanaginipan ko kasi si Suzette, nakangiti tuloy ako paggising ko. Nakatulog pala ako dito sa kinauupuan ko.

" Szymon, nakatulog ka na pala d'yan, bored ka na 'no? Bukas pa raw makakauwi sila insan e namiss yata ni kuya Seth sina tita. " Sabi ni Savannah

" Gano'n ba ? " Sagot ko

" Oo, kung nagugutom ka na, magsabi ka lang, yun nga lang nagluluto pa lang ako. " Sabi pa niya, tumango na lang ako at nagpalinga linga sa paligid.

Nasaan siya?

" Hinahanap mo si Suzette 'no? " Biglang tanong ni Savannah

" Ha? Eh.. " hindi na ako makasagot, napakamot na lang ako sa ulo ko.

" Nandoon siya sa kubo. Puntahan mo na lang, siguro may gusto ka sa kaibigan ko 'no? " Parang nagbibiro niyang sabi sa akin.

Ngumiti na lang ako at naglakad na papunta sa kubo kung saan naroroon si Suzette.

Nagulat ako pagdating sa malapit sa may kubo dahil first time kong makita na nakangiti si Suzette, pinagmamasdan niya ang mga bata na naglalaro ng saranggola, lumapit ako sa kanya.

" Nandito ka pala. " Sabi ko, ang mga ngiti niya ay napalitan ng seryosong mukha, napalingon siya sa akin.

" Oo, nagpunta ako dito kasi maganda ang view, gusto kong makita yung sunset. " Sabi niya

" Ang ganda nga. " Sambit ko pero sa kanya ako nakatingin at hindi sa papalubog na araw.

Napalingon siya sa akin, nakatingin pa din ako sa kanya pero nung tinitigan niya ako ay napaiwas ako. Hindi ko kinaya ang mga titig niya, para akong ice cream na natutunaw.

" Nakakamiss magpalipad ng saranggola. " Sabi ko ng maiba naman ang usapan.

" Nagpapalipad ka rin dati n'yan? " Tanong niya

" Oo, noong bata pa ako. Nakakamiss nga e, may kaibigan ako noong bata, sabay kaming nagpapalipad ng saranggola kaso bigla siyang nawala, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. " Kwento ko sa kanya, napatingin siya sa akin at napakunot noo.

" Bakit? " Tanong ko

" Wala naman, may naalala lang. " Sagot niya atsaka umiwas na ulit. Tumingin na siya sa araw na palubog at kinunan ito ng litrato.

Kinuha ko din ang cellphone ko at pinicturan siya ng hindi niya halata. Ang ganda niya talaga, bagay sa kanya ang maikli niyang buhok. Ano kaya ang itsura niya kapag walang make up? Mas maganda siguro.

" Hey ! May problema ka ba sa mukha ko? Tulala ka, anong tinitingnan mo? "

" W-Wala, hmm I'm j-just curious. S-sorry.. " nauutal kong sabi, iba kasi yung mga tingin niya e.

" It's okay. Lahat naman ng tao ganyan ang tingin sa akin. " Sagot niya

" Mukhang nagkakabutihan na kayong dalawa d'yan ah. Halina kayo sa bahay at maghahapunan na tayo. " Sabi ni Savannah na bigla na lang sumulpot sa tabi namin.

Naglakad na kami pauwi sa bahay nina Savannah at kumain ng dinner, ang dami nilang hinanda na pagkain, mga pagkaing dito mo lang sa probinsya nila makikita.

" Iho, dito ang kwarto mo. " Turo ni tita Susan sa kwarto na tutuluyan ko.

" Salamat po. " Sabi ko at pumasok na, magpapahinga na ako pagkatapos kong tawagan sila mommy.

* SHAYNE SUZETTE'S POV *

Kakatapos lang namin kumain, nandito ako sa balcony nila Savannah. Si Aleng Susan naman ay sinamahan si Szymon para ituro ang kwarto niya. Mukhang pagod din sa byahe ang isang yun.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now