Chapter 29

43 4 0
                                    

CHAPTER 29

SHAYNE SUZETTE'S POV

" Good morning Tito, Tita. " Bati ko, pumunta ako sa bahay nila.

" Good morning Suzette, mabuti at napasyal ka dito iha. " Sabi ni Tito

" Opo. May pupuntahan po Sana kami ni Samara eh, ayos lang po ba? " Tanong ko

" Oo naman, nasa kwarto niya siya, tatawagin ko lang. " Sabi ni Tito, naupo ako sa sofa, dinalhan ako ni Tita ng juice.

" Kumusta po Tita? " Tanong ko

" Heto, okay naman, masaya dahil maraming kita ang Trinidad Clothing at dahil sa mga kapatid mo yun, masaya din ako na tinulungan mo sila sa kabila ng mga ginawa nila sa'yo. " Sagot ni Tita

" Wala naman po kasing kasalanan si Sethy e ginawa ko po kung ano ang tama at salamat po sa inyo sa pagtuturo niyo sa akin ng tama kahit noon ay sarado pa ang isip ko sa mga ganoon. " Sabi ko, niyakap ako ni Tita at niyakap ko rin siya.

" Mag dramang nagaganap dito? Mommy ha, mas nauna ka pang yumakap kesa sa akin. " Biro ni Szymon

" Namiss ko lang si Suzette anak. "

" Namiss ko din siya mommy. Hi SunSHAYNE ko. " Bati niya at hinalikan ako sa noo.

" Hi. Good morning " sagot ko at niyakap siya

" Gagala kayo ni Kulet? "

" Oo Sky, Don't worry, ako na ang bahala sa kanya. " Sagot ko

" Mag ingat kayo Shayne ha. "

" Oo naman Sky, pababa na ba siya? " Tanong ko

" Oo, sinundo na siya ni Daddy. " Sagot niya at pababa na nga si Samara kasama si Tito Simon.

" Hi ate Suzette, waahhhh I miss you. " Sigaw ni Samara at mabilis na bumaba ng hagdan at agad akong niyakap.

" I miss you too Kulet. " Sabi ko

" What? Hahahaha kulet na din ang tawag mo sa akin, hmmm okay lang hehehe. " Sabi ni Samara

" Tito, Tita aalis na po kami, h'wag po kayong mag alala, ihahatid ko po si Samara dito mamaya. " Sabi ko

" Sige, mag iingat kayong dalawa ha. " Sabi ni Tita Sara

" Opo. Salamat po. " Sabi ko

" Ingat Shayne, kulet h'wag pasaway ha. "

" Opo Kuya. " Sagot ni Samara

" Bye. " Sabi ko at yumakap ulit kay Szymon bago kami lumabas ng bahay nila.

" Kain muna tayo ate Suzette tapos shopping tayo, hindi ko 'to madalas na nagagawa, si Kuya kasi busy siya dati sa paglalaro ng basketball, ngayon nga lang na girlfriend ka niya naglalagi sa bahay e pero madalas nandoon lang naman siya sa bahay nila Kuya Seth. " Sabi ni Samara

" Talaga? Ako din hindi madalas lumabas e work at school lang ako. " Sabi ko

Kumain muna kami ni Samara sa isang fast food chain, grabi ang dami niyang order at ang sabi niya ay kaya daw naman niyang ubusin lahat.

Pagkatapos naming kumain, pumasok kami sa arcade. " Maglalaro ka? Akong gusto mo? " Tanong ko

" 'Di ba ate mayro'n ditong pwede kang kumanta, yung tayo lang sa loob, punta tayo doon, nahihiya kaso akong kumanta sa harap ng maraming tao e kaya ikaw muna ang unang makakarinig, kapag hindi mo gusto ang boses ko, mag earphones ka na lang hehe. " Sabi niya

Naisip ko lang, ngayon ko kaya aminin sa kanya na ako si Misteryosang Mang aawit.

" So, ano ang kakantahin mo? " Tanong ko

DAUNTLESSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें