Chapter 7

59 4 0
                                    

CHAPTER 7

SOMEONE'S POV

" Suzette. " Tawag ni Savannah sa kanya.

" Yes? "

" I'm sorry. I promise, walang makaka-alam nun. "

" Okay. "

" Yun lang, hindi ka galit? "

" Hindi. Hinihintay ko lang naman na mag sorry ka, marami na ang nanakit sa akin Sav pero ni-isa manlang ay walang nagsorry kaya lahat ng yun ay nandito pa din. " Sabi ni Suzette habang nakaturo sa puso at isip niya.

" Hindi na ba yun mawawala kahit matagal ng nangyari? " Tanong pa ni Savannah

" Hindi na Sav. Hindi hangga't hindi sila nagso-sorry sa akin, wala akong kasalanan pero sa akin nila sinisisi lahat. Hindi po pa ako lubos na kilala pero ngayong magkaibigan na tayo, ihanda mo ang sarili mo sa mga matutuklasan mo tungkol sa pagkatao ko. " Sabi ni Suzette

" Kinakabahan naman ako Suzette. "

" 'Wag kang kabahan, hindi naman ako pumapatay. . . . ng walang kasalanan. "

" Ha? Ano ?? "

" Wala. Ang sabi ko 'di ba pupunta tayo mamaya sa kubo, magbo-bonfire tayo 'di ba? "

" Oo tapos magkukwentuhan at maglalaro, syempre mag eenjoy din, balik na kayo sa manila next week e. " Sabi ni Savannah

" Hinahanap na nga ako sa trabaho ko e. "

-

" Inihaw na ba iyong tilapia? " Tanong ni Seth

" Oo. Nandoon si Szymon oh, niluluto na niya para sa dinner, excited na ako sa boodle fight. " Sabi ni Savannah

" Pagkain na naman ang nasa isip mo insan, ayusin mo kaya muna yang mukha mo, palagi ka na lang naka salamin, tanggalin mo na yan at yang buhok mo, shampoo-hin mo nga. " Sabi pa ni Seth

" Grabi ka talaga sa akin insan, pag ako talaga gumanda at sumikat, pipila ang manliligaw ko. "

" Asus, wala nga kahit isa e. "

" Bahala ka nga d'yan. " Sabi ni Savannah at nag walk out.

" Hahahaha pikon ka talaga insan. " Sigaw pa ni Seth.

" Bakit mo naman siya binubully? " Tanong ni Suzette kay Seth

" Binibiro ko lang naman yung pinsan ko. " Sagot ni Seth

" Hindi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa school? Binubully siya ng apat na babae, sinasaktan at pinagtatawanan. Alam mo ba kung ano sana ang mangyayari sa kanya kung hindi ako dumating noon? Baka mas malala pa sa mukha kong ito. " Sabi ni Suzette

" Hindi ko alam. "

" Yeah. Hindi mo alam kasi hindi naman kayo nag aaral doon. Don't worry, ako na ang bahala sa kanya. "

" Salamat Suzette. "

" Welcome. Sige, ituloy mo na yang ginagawa mo. " Sabi ni Suzette bago ito tumalikod.

" Ano? Yari ka 'no? Masyado ka kasing bully kuya. " Pang aasar ni Sue sa kuya Seth niya.

Nagpunta si Suzette sa kwarto ni Savannah.

" Sav. " Tawag nito

" Suzette, bakit? Akala ko nagluluto kayo ni Szymon, anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Savannah

" Gugulatin natin ang pinsan mo. "

" Ha? Paano?? " Nagtatakang tanong ni Savannah

" Just trust me Sav. " Sabi ni Suzette saka nginitian si Savannah.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now