Chapter 31

56 4 0
                                    

CHAPTER 31

SHAYNE SUZETTE'S POV

Lumipas pa ang mga araw, madalas kaming lumabas ni Szymon, sabay din kaming nag aasikaso sa Simu't Sarap na ngayon ay pagmamay-ari na rin niya dahil share na kami, palagi pa rin niya akong binibigyan ng mga note, kung hindi sa locker nakalagay, minsan sa mga notebook ko o sa bag ko. Hindi siya nagsasawang pakiligin ako araw araw at mas lalo ko pa siyang minamahal.

Madalas din kaming magkita ni Kuya Sebastian, lahat ng ginagawa nila mommy ay ibinabalita niya sa akin, minsan tumatawag din siya at mukhang hanggang ngayon ay wala pa ring idea sila mommy na ako yung anak nila, magaling na rin si Sethy, nag aaral na siya sa isa sa mga sikat na paaralan dito sa Pilipinas.

Simula noong nag away kami ni Boss Soledad, hindi na niya ako madalas kinakausap, kapag may target lang at may ipapagawa siya, alam ko namang hindi siya makaka ayaw kapag ako na ang kausap niya.

Fast forward . . .

It's October na at sembreak na, binalak ulit naming magpunta sa probinsya nila Savannah, pupuntahan namin 'yong Haynon Hills na sinasabi niya dati.

" Baka naman marami kayong dala e ilang araw lang naman tayo doon. " Sabi ni Savannah

" Wala kaming dala, hihiram na lang kami sa'yo. " Sabi ko

" Pati si Szymon? Hahahaha ihihiram na lang kita kay Nanay ng daster. " Sabi ni Savannah bago kami nagtawanan.

Sumakay na kame sa Van nila Seth, iiwan niya din kasi yung sasakyan sa Mama nila doon sa Marinduque kaya doon na lang kami sumakay.

" Grabi, nandito na tayo ulit. Nakakamiss ang fresh air dito. Yahoooo! " Sigaw ni Sue

Napangiti ako, dito kami nagkakilala ni Szymon, ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero Mahal na Mahal ko na talaga ang lalakeng ka holding hands ko ngayon.

" Uuwi na muna ba tayo sa bahay o deretso na tayo doon? " Tanong ni Savannah

" Dumeretso na tayo doon sa hotel tapos bukas tayo pumunta sa Haynon Hills then next day ay sa bahay niyo naman tayo pupunta bago tayo bumalik sa Manila. " Sabi ni Seth

" Sige. Ayos yun. " Sabi ni Szymon ang nagtungo na kami sa hotel.

CHOCOLATE HILLS OF HAYNON, BUENAVISTA MARINDUQUE

This rolling hill on the lower slopes of Balagbag mountain range and on the upper parts of Bagtingon and Malbog usually during the dry months turn brown due to the green grasses that abound the area turns dry. This rolling hills are composed of Tertiary Period Upper Miocene Epoch and classified as Gasan Formation made largely of tuff and tuffaceous clastics that was formed around 11.6 to 5.33 million years ago.

Kinabukasan, maaga kaming gumising para hindi mainit kapag pumunta kami sa Haynon Hills. Habang palapit kami sa lugar ay mas nakaka-excite, kitang kita namin ang magagandang view sa daan.

" Nandito na tayo. " Sabi ni Savannah

" Wow. Nasa Bohol na tayo. " Sabi ni Sue at tumakbo na agad palabas

" Pwede palang mag bike dito e. " Sabi ko, may mga taong nandito din, nagba-bike sila.

" Shayne, akyat tayo doon sa taas tapos picture-ran kita. " Yaya ni Szymon sa akin.

" Sige,  kapag nandoon na ako sa tuktok, i-video mo ha. " Sabi ko

" Hey! Sama ako. " Sabi ni Sue

" Bakit ka naman sasama sa kanila? Mang iistorbo ka lang sa kanilang dalawa e. " Sabi ni Savannah

" Hindi. Ako lang ang magiging photographer nila ngayon, sinong magvi-video at magpi-picture sa kanila ng magkasama? Syempre to the rescue ako. " Sabi ni Sue, tinawanan siya ni Seth

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now