Chapter 19

49 3 0
                                    

CHAPTER 19

SOMEONE'S POV

" Suzette, tara na. Pupunta daw lahat sa Gymnasium 'di ba? Saan ba yun, hindi ko alam e alam mo namang bago lang ako dito. " Sabi ni Sue

" Hintayin na lang natin si Savannah. " Sagot ni Suzette na medyo namumutla na.

" May masakit ba sa'yo? " Tanong pa ni Sue

" Wala, ano ka ba? Natural nge ganito ako. "

" Namumutla ka e. " Sabi pa ni Sue

" Hindi. Wala 'to, nasanay ka lang na naka make up ako kaya akala mo ay namumutla ako ngayon. " Sagot ni Suzette sabay buntong hininga.

Marami ang tumatakbo sa isip ni Suzette, tulala siyang nakatingin sa sahig.

" Hey. Tara na. " Napatingin si Suzette sa taong nagsalita.

Bakit nandito siya? Isip niya

" Tulala ka na naman, all students daw pumunta sa Gymnasium. " Sabi ni Szymon

" May iniisip lang. " Sagot ni Suzette at tumayo na

" Si Szymon lang pala ang makakapag-pasunod sa'yo e, kanina ka pa namin tinatawag kaso tulala ka, tinawag pa namin si Szymon doon sa baba para lang puntahan ka dito. " Sabi ni Sue

" Sorry naman. Ang dami ko talaga kasing iniisip e. " Sabi ni Suzette at sabay sabay na silang nagtungo sa Gymnasium.

" Savannah, excited ka ba ha? Idol na idol mo sila hindi ba insan? " Tanong ni Sue

" Oo, Sana nga ma-meet ko sila e yung personal tapos kami lanh tatlo, marami akong itatanong sa kanila." Sabi ni Savannah sabay tingin kay Suzette.

" Why? " Tanong ni Suzette, ngumiti lang ang kapatid niya.

" Imposible yun, hahaha ikaw? Hindi ka makakalapit sa mga iyon, puro bodyguards yun e. " Sabi ni Seth

" You'll never know cous. makikita mo, maybe not now but I'm sure, soon. " Sabi pa ni Savannah bago sila tuluyang pumasok sa Gymnasium. Napakaraming tao, lahat ng estudyante ay halatang excited na excited na makita ang kambal.

" Hihintayin mo ba silang lumabas sis? " Tanong ni Savannah kay Suzette

" Oo. Sa dami ng mga tao dito e hindi naman siguro nila ako mapapansin atsaka 'wag mo na akong alalahanin Sav, okay lang ako. Nakita ko na silang lahat noong dumating sila galing ibang bansa. I'm not mad sis, magpaka-fangirl ka muna ngayon. " Sabi ni Suzette

" Talaga? Thank you Suzette. " Sabi ni Savannah at niyakap pa ang kapatid.

" Good morning students. I-welcome natin ang ating mga bisita ngayong umaga. Ang kambal na sina Saphira at Sebastian Samaniego. " Sabi ng Dean namin at lumabas na ang dalawa.

Hiyawan, sigawan at halos mawalan na ng boses ang ibang estudyante sa kakasigaw.

" Oh my God, oh my God. " Bulong ni Savannah sa tabi ni Suzette, napatingin si Suzette sa kanya.

" Kuhanan mo kay ng picture. " Bulong ni Suzette

" Good morning everyone, ako po si Saphira. "

" At ako naman po si Sebastian. "

Kumaway ang mga ito sa mga estudyante.

" Wooooohhh ! Ang pogi mo Sebastian! " sigaw ni Sue

" Sshhhh. " Saway ng kuya niya sa kanya

" Ang ganda ganda mo Saphira, single ang Kuya ko, sa'yo na langgggg ! " Sigaw pa ni Sue

" Hoy! Ito talaga, hindi na ako single, Jowa ko na si Samantha. " Sagot ni Seth

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon