Chapter 37/ EPILOGUE

94 5 6
                                    

CHAPTER 37

THE FINAL CHAPTER/ EPILOGUE

SHAYNE SUZETTE'S POV

We are happy family now.

Nag aaral na si Shawn at Shine at ang tatay nila ang naghahatid sundo sa school, ako na ulit ang nagluluto at namamahala sa SS, nag iikot din ako palagi sa iba't ibang lugar dahil may mga branch na din kami sa mga kalapit na lugar.

" SunSHAYNE ko, nandito na kami. " Sabi ni Szymon at sinalubong ko sila, nagmano ang kambal sa akin at hinalikan naman ako ni Szymon sa pisnge.

" Kumusta ang unang araw ng pagpasok ng kambal ko? " Tanong ko, yumakap sila sa akin.

" Ayos lang naman po Inay, ang saya saya po. " Sagot ni Shawn

" Ikaw Shine anak? Nag enjoy ka ba? " Tanong ko

" Opo Inay, may star nga po ako e. " Sabi niya at ipinakita pa sa akin.

" Wow. Ang galing naman ng twins namin. Sige na, magbihis na kayo at kakain na tayo ng pananghalian. " Sabi ko at naghanda na ng lunch.

Nag aral ako ulit, ipinagpatuloy ko ang course ko. Iyong mga kaibigan ko sa project S, may kanya kanyang buhay na sila at mas masaya pa dahil may mga pamilya na sila, hindi na ginagawa ang mga kalokohan namin dati.

Sila Seth at Samantha, ikinasal na sila. Si Sue, isa na siyang tanyag na photographer. Sinusuportahan naman siya ni Sid lalo na kapag pinapatawag siya out of the country. Si Savannah naman tanggap na siya ni Daddy bilang anak niya at madalas siyang dumadalaw sa bahay, may plano na din silang magpakasal ni Scott, tinatapos lang nila ang latest invention nito.

Si Tita Susan, busy pa din siya sa Hacienda del Mundo, palaging maraming order sa kanila.

Si Mommy at Daddy, pa travel travel na lang sila, ini-enjoy ang buhay at madalas ay kasama nila sila Tita Sara at Tito Simon, si Samara na kasi ang namamahala ng Trinidad Clothing at kapag gabi naman ay kasama siya ni Dj Sasha, siya na yata ang pumalit kay Misteryosang Mang aawit e magaling na rin kasi siyang kumanta ngayon.

Tumigil na din sa pagmo-model ang mga kapatid kong kambal, ang sabi kasi ni ate Saphira ay gusto na daw niya ng tahimik at simpleng buhay, yun bang pwede sila pumunta kahit saan ng hindi naka-disguised. Si Sethy na ang nagpapatuloy ng mga nasimulan nila Kuya.

" Wow, ang bango naman ng mga niluto mo SunSHAYNE ko, nagutom tuloy ako bigla. "

" Alam mo naman na kapag ako ang nagluto ay talagang masarap, maupo na tayo at kakain na. " Sabi ko

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-aama ko, nag aagawan pa sa gulay ang kambal at talaga namang Simu't Sarap ang nasa hapag kainan.

Lumipas pa ang mga araw.

Nagbakasyon kami ng ilang araw sa Denmark, sa bahay ng Lola ni Szymon, care taker na lang ang nakatira doon at enjoy na enjoy kami, sobrang ganda kasi dito sa Colonia Gardens, Copenhagen Denmark. ( Search niyo, sobrang ganda talaga, ang astig hehe. )

Naglakad kami sa labas patungo sa church. " Shayne, si Stacey yun 'di ba? " Tanong ni Szymon at tinuro ang babae sa hindi kalayuan.

" Oo nga 'no? Ano kayang ginagawa niya dito? "

" Baka naman taga dito yung naging asawa niya. " Sabi ni Szymon at patuloy kaming naglakad hanggang nakasalubong namin siya.

" Stacey. " Tawag ko

" Oh, H-Hi Suzette. " Bati niya, ngumiti ako.

" Hello, kumusta ka? " Tanong ko

" Ayos lang, masaya naman. " Sabi niya at niyakap ako bigla. " I'm sorry for everything na nagawa namin sa'yo before, I'm just immature that time. " Sabi niya at ramdam kong sincere naman dahil umiiyak siya.

" Forget that, sobrang tagal na nun. " Sabi ko

" Thank you. " Sabi niya at nag-Hi pa sa kambal.

" By the way, this is Scilla. " Pakilala niya sa batang nasa likuran niya.

" Anak mo? " Tanong ni Szymon

" Oo. "

" Isang bulaklak na kulay purple ang Scilla hindi ba? " Tanong ko

" Oo, narinig ko yata sa'yo yun before kaya nag search ako tapos nagustuhan ko siya kaya iyon ang ipinangalan ko sa anak ko. " Sagot niya

" Cool. Scilla Peruviana yun 'di ba? "

" Oo, Yun nga yun. "

" Ano po yun Inay? " Tanong ni Shine

" Mayro'n po ba tayo nun sa bahay natin? " Tanong pa ni Shawn

" Wala pa tayo nun anak. Ang Scilla is a genus of about 50 to 80 bulb-forming perennial herbs in the family Asparaga Cease, subfamily salloideae, native to woodlands, subalpine meadows, and seashores throughout Europe, Aprica and the Middle East. A few species are also naturalized in Australia, New Zealand and North America. " Sabi ko

" Basta bulaklak talaga ay maraming alam ang Inay niyo. " Sabi ni Szymon at ngumiti.

Nag paalam na sa amin si Stacey, masaya ako na natuto na siya.

Dumeretso na kaming apat sa Church dito sa Denmark, sabay sabay kaming lumuhod at nagdasal sa Panginoon, nasa gitna namin ang kambal na nagdadasal din.

Nanatili akong napapikit, marami akong ipinagdasal at ipinagpasalamat. Pagkatapos kong mag dasal ay nagmulat ako ng Mata, nagtaka ako na nasa harapan ko na si Szymon at nakaluhod pa rin, nagtaka na ako.

Lumingon ako sa paligid ko at nagulat ako lalo Ng umulan ng iba't ibang uri ng bulaklak sa amin, napasulyap ako ulit kay Szymon, nakatingin na siya sa akin at nakangiti pero nakaluhod pa rin at lumapit ang mga anak namin na may hawak na bulaklak, pinipigilan ko ang sarili ko.

" My SunSHAYNE, my love, my everything. I will be your Sky forever, I love you. WILL YOU MARRY ME? "  Sambit niya at naiyak na agad, naiyak na din ako.

" O-Of course, YES! I will. You're my SKY And I'm your SunSHAYNE forever. I love you too. " Sagot ko, tumayo siya at isinuot ang sing sing sabay halik sa labi ko, inabot sa'kin ni Shawn at Shine ang bulaklak na dala nila. Syempre hindi na ako umarte arte, matagal ko na nga 'tong hinihintay e pero alam ko namang may tamang panahon.

" Congratulations! " Nagulat ako ng lumabas ang mga pamilya namin, nandito pala sila at matagal na nila itong plano. Hindi ko yun in-expect.

At ngayong araw din, ikinasal kami agad ni Szymon sa harap ng mga taong nagmamahal sa amin at sa harap ng mga taong taga-Denmark.

WALANG TAKOT kong hinarap lahat ng hamon at pagsubok ng buhay, nalagpasan ko lahat ng yun dahil sa mga taong nagmamahal sa akin, ginawa ko yun para sa pamilya ko at higit sa lahat ay dahil kasama ko ang Panginoong Diyos.

T h e  E N D . . .

__

DAUNTLESS by  @dyessah_dyosa  >🎸

( April 05 - July 30 2019 )

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now