Chapter 32

42 4 0
                                    

CHAPTER 32

SOMEONE'S POV

Nagising silang dalawa na magkayakap, nagkatitigan sila at sabay na napaiwas, tatalikod na sana si Suzette kay Szymon pero pinigilan siya ng lalake at mas mahigpit na niyakap.

" I was drunk, I'm sorry SunSHAYNE ko, hindi ko sinasadya. " Sabi ni Szymon at nagsimula ng umagos ang luha nito.

" Mahal kita, Mahal na Mahal kita. Sana ay walang magbago dahil sa nangyari, hindi ko talaga yun sinasadya Suzette, I'm sorry, I'm so sorry. " Sabi pa ni Szymon

" Sshhhh. " Sabi ni Suzette at pinahid ang luha ni Szymon. " I love you, okay? " Sabi niya at niyakap ulit ng mahigpit ang kasintahan, nanatili silang magkayakap, pinakikiramdaman ang isa't isa.

“ Hoy lovebirds! Tanghali na, hindi pa ba kayo babangon d'yan? ” Text ni Savannah

“ Naliligo pa si Szymon, hinihintay ko lang siya. ” reply ni Suzette at paglabas ni Szymon ng banyo ay saka pa lang lumabas ang dalawa ng kwarto.

" Oh nandito na pala kayong dalawa e ang tagal niyo naman, tanghali na tayo. " Sabi ni Seth

" Hang over grabi, ang sakit sa ulo. " Sagot ni Szymon

" H'wag na natin uulitin yun ah parang tinutusok yung ulo ko tapos nakakahilo. " Sagot ni Suzette

" Si insan nga kung ano ano ang pinagsasasabi e umamin hahahaha. " Sabi ni Savannah at nagtawanan sila.

" Ako? Hindi ah, wala akong natatandaan na umamin ako at bakit naman ako aamin? Anong aaminin ko? Mga baliw kayo, may mga hang over pa talaga kayo. " Sabi ni Sue

" Kahit may ebidensya? " Tanong ni Suzette

" Ebidensya? Anong ebidensya? " Tanong ni Sue at ginaya ni Seth ang sinabi ni Sue noong nakaraang gabi.

" Niloloko niyo ako e bakit ko naman sasabihin yun? Si Sid?? Yuck! " Sabi pa ni Sue

" Sav, ipakita mo nga yung video. " Sabi ni Suzette

" Video? Anong video? Kinunan niyo ako ng video?? Grabi kayo sa'kin ha. " Sabi ni Sue

" Para kasi hindi ka makatanggi. " Sabi ni Savannah

" Patingin nga. " Sabi ni Sue at habang nasa byahe sila ay pinapanood niya ang video. " Oh my, sinabi ko talaga yan? Nakakahiyaaaa ! " Sabi nito at napatakip ng mukha.

Tanghali na ng makarating sila sa bahay nila Savannah. " Nay, nandito na po kami. " Sabi ni Savannah

" Anak, namiss na kita agad. Pasok kayo at naghanda na ako d'yan ng pagkain, kanina ko pa nga kayo hinihintay. " Sabi ni Miss Susan

" Hi po Tita. " Bati ni Sue at niyakap si Miss Susan

" Sinabi ni Savannah sa akin lahat, ayos ka na ba? "

" Opo, ayos lang po ako. " Sagot ni Suzette at naupo sa tabi ni Szymon.

" May napapansin ako sa inyong dalawa. " Sabi ni Seth kila Szymon, nagkatinginan ang dalawa.

" A-Ano yun? " Tanong ni Seth

" Anong nangyari? " Tanong ni Seth, napalunok si Suzette.

" Na-Nangyari? What do you mean? " Tanong ulit ni Suzette at hinawakan siya ni Szymon sa kamay.

" Wala, napapansin ko lang na mas sweet kayo ngayon at mas halatang Mahal na Mahal niyo ang isa't isa. " Sabi ni Seth

" Ay naku si Kuya, mas namimiss lang yan. " Basag ni Sue sa trip ng kuya niya

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now