Chapter 24

44 4 0
                                    

CHAPTER 24

SHAYNE SUZETTE'S POV

Napatingin ako kay Tita Sara, nakakunot noo siya at tila nag aalala.

" Maupo ka muna dito sa tabi ni Szymon, Suzette. " Sabi ni Tito Simon, sumunod naman ako.

" Sav. " Tawag ko sa kanya kaya lumapit siya, naupo siya sa tabi ni Samara.

" This is my friend, Savannah Salvejo. " Pakilala ko sa kanila, nakita kong natigilan si Daddy Solomon, naalala niya siguro si Tita Susan.

" Tapos na po ba ang meeting niyo? Baka po nakaka-istorbo na kami. " Sabi ko

" No. We're done. " Nakangiting sabi ni ate Saphira, titig na titig naman si Kuya Sebastian sa akin.

" May problema po ba? " Tanong ko

" Nothing. I just remember something. " Sagot nito

" Pwedeng magtanong iha? " Tanong ni mommy Selena, tumingin muna ako kay Savannah, mukhang kinakabahan siya.

" Sure po, ano po iyon? " Nakangiti kong tanong, wow!  Ang galing mo umarte, the best ka talaga Suzette.

" Nasaan ang mga magulang mo at bakit nga pala may mga band aid ang pisnge mukha mo? " Tanong niya

" Wala po akong magulang. Napakahaba pong kwento at sa tingin ko po hindi niyo magugustuhan. " Ngumiti ako, ngiti na may gigil.

" Ito pong mga band aid sa mukha ko, marami po kasi akong peklat, mga tanda po ito ng paghihirap ko simula pa noong bata pa ako. " Sagot ko

" Anong nangyari? Pati ba sa labi mo ay mayroon? " Tanong ni Kuya Sebastian

" Opo. Lahat ng ito ay ginawa sa'kin ng mga taong . . .  "

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tinawag ako ni Tita Sara. " I'm fine po Tita. " Sabi ko at ngumiti

" Tanong ano? " Tanong ni Daddy, tiningnan ko siya ng walang emosyon ang mukha ko.

" Taong walang puso, ang natatandaan ko po ay ipinagbenta daw ako ng mga magulang ko at yung mga bumili sa akin ay ganito ang ginawa, marami po akong pinagdaanan dahil sa kanila. " Sagot ko ng seryoso, napalunok silang mag asawa.

Tumayo ako at ngumiti. " May tatawagan lang po ako, salamat po. Excuse me. " Sabi ko at naglakad palapit sa kwarto ko dito sa SS, biglang bumuhos ang luha ko, hindi ko sila namimiss, naiinis ako sa sarili ko.

" Sis. Si Savannah 'to. " Kumakatok siya sa may pintuan at binuksan ko pero umiwas ako agad ng tingin, niyakap niya ako.

" Uuwi na daw sila. " Sabi ni Savannah

" Nakaalis na ba? " Tanong ko

" Hindi pa, paalis pa lang. Hinahanap ka nga pala ni Szymon. " Ngumiti ako, nagpunas ng luha at lumabas.

Palabas na sila sa likod, nagpaalam sila sa akin at nagpasalamat. Niyakap din ako ni Szymon at napatingin sa mga Samaniego.

Bakit parang kulang sila? Wala si Sethy.

" Nasaan po si . . . yung bata? " Tanong ko

" Doon siya lumabas, gusto daw niya ng ice cream e nakita niya yung nagtitinda sa labas. " Sagot ni Selah, napatingin ako kay Samantha, nakatingin din siya sa akin.

* Bang ! * 

Lahat kami ay nagulat ng marinig ang malakas na putok ng baril. Napalingon kami sa labas at kitang kita ko ang pagtumba ni Sethy, tumalsik ang dugo sa glass door ng restaurant ko.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now