Chapter 13

41 4 0
                                    

CHAPTER 13

SOMEONE's POV

Kinabukasan, maagang nagising si Szymon, naglinis siya ng buong bahay at nagluto, nagtaka ang mommy niya.

" Himala yata, ang aga mo yatang gumising at nagluto ka pa, may bisita ka ba anak? " Tanong ng mommy Sara niya.

" Opo mommy, yung kaibigan ko po pupunta siya dito ngayon kasi napasama sa gamit ko yung paper niya, importante daw po ang laman nun e. " Sagot ni Szymon

" Yung babae ba yun sa picture kuya? " Tanong ni Samara

" 'Wag ka maingay. " Pabulong na sabi nito sa kapatid niya.

" Babae anak? Girlfriend mo na ba iyon? " Tanong pa ng mommy nila

" Hindi po mommy pero I like her. "

" In love na ang binata ko ah. Sige, aalis na muna ako at mayro'n akong bibilihin, Sana ay maabutan ko siya at ng makilala ko naman siya. " Sabi pa ng mommy Sara nila bago tuluyang lumabas ng bahay.

" Kuya, maliligo lang ako para kapag nakilala ko siya ay mabango ako. " Sabi ni Samara at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan, ngiting ngiti si Szymon na nakatingin sa salamin.

-

Kakalabas lang ni Suzette ng bahay niya, sumakay siya ng motor na kakabili niya lang pagkauwi galing sa probinsya nila Savannah. Sinuot niya ang helmet at pina-andar ang motor patungo sa address na binigay ni Szymon.

“ Nandito na ako sa may gate ng subdivision. ” text ni Suzette kay Szymon

“ Deretso lang, sa panlimang bahay mula d'yan sa gate, yun ang bahay namin. ” reply ni Szymon at nagpatuloy na si Suzette papasok ng subdivision.

Inabangan siya ni Szymon sa labas ng gate.

Tumigil si Suzette sa tapat ni Szymon, tinanggal niya ang helmet at parang nag slow mo sa paningin ni Szymon, parang hinipan ng hangin ang buhok nito.

" Good morning. " Bati ni Suzette

" Go-Good morning, pasok ka. " Sabi ni Szymon

" Nasaan na yung paper bag ko? " Tanong ni Suzette

" Nasa loob pa. "

Bumaba si Suzette ng motor at sumunod kay Szymon papasok sa loob ng bahay.

" Oh my God, nandito na siya. " Bulong ni Samara ng makita niya si Suzette na naka-upo sa sofa.

" Hi. " Bati ni Samara at kaagad naupo sa tabi ni Suzette.

" Hi. " Bati din ni Suzette

" Ikaw yung kasama ni kuya sa picture 'di ba? Anong pangalan mo ate? Kayo na ba ng Kuya ko? Pogi ng Kuya ko 'no? Well, nasa lahi daw namin yun. " Sabi pa ni Samara

" Samara, what are you doing? Umakyat ka na nga sa taas, 'wag kong kinukulet yung ang bisita ko kulet. "

" Nagtatanong lang naman kuya e. "

" I'm Suzette, and you are? "

" Hi ate Suzette nice to meet you po, ako po si Samara. My goshhh, I like your voice po, kaboses niyo yung idol ko sa radyo. "

" Mga anak, may bisita pala tayo? " Tanong ng Daddy nila

" Opo dad. Si Suzette po, new friend ko. " Pakilala ni Szymon

" Magandang umaga po. " Sabi ni Suzette

" Good morning din iha, mabuti at napasyal ka dito sa amin. "

" Opo. May kukunin lang po ako kay Szymon, naiwan ko po kasi yung papar bag ko, napasama po sa gamit niya kahapon sa Bus. "

" Mga anak, halina kayo dito at kaka. . . in na. " Napatigil si Miss Sara sa paghahain ng makita si Suzette.

" Shayne ? " Nakangiti nitong tanong, napatayo si Suzette sa sofa na kinauupuan niya at nagulat ng makita si Miss.

" Mommy, siya nga po pala si Suzette, yung kinukwento ko sa'yo na kaibigan ko. " Sabi ni Szymon

" Shayne, nagkita tayo ulit. Kumusta ka na? " Tanong ni Miss Sara

" Mommy, Suzette po ang pangalan ni ate hindi Shayne. " Sabi ni Samara

" Sumabay ka na mag almusal sa amin iha. " Sabi ng daddy nila Szymon

" Sige po, Salamat po. "

" Halika na, sabay ka na sa amin, nagluto ako kanina. " Sabi ni Szymon na tila naguguluhan pa din sa sinasabi ng mommy niya.

" Kumusta ka? " Tanong ulit ni Miss Sara

" Maayos naman po ako Tita Sara. "

Nagkatinginan si Szymon at Samara.

" Kayo po, kumusta? Long time no see po. Hindi ko alam na . . . "

" Hindi mo alam na nakabalik na kami? Mabuti at nagkakilala kayo ulit nitong best friend mo, umiyak nga itong si Szymon noon e akala niya hindi na kayo magkikita. Ilang taon lang naman kami doon sa Denmark, nakakamiss kasi dito sa Pilipinas. " Sabi ni Miss Sara

" Magkakilala kayo ni Mommy, Suzette? Paano nangyari yun at sino yung sinasabi niyang best friend? " Tanong ni Szymon, hindi makapagsalita si Suzette dahil parang shock din siya sa sinabi ng Ginang.

" Hindi ba't si Suzette ang kidney donor mo noon, hindi ko ba nasabi sa'yo anak? Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya, mabuti na lang at nag match kayo. " Sabi ni Miss Sara

" Tita, bawal po yun sabihin 'di ba? " Sabi ni Suzette

" Mommy, anong sinasabi niyo? Naguguluhan po ako. " Sagot ni Szymon

" Kumain na lang muna tayo, mamaya na kayo mag usap tungkol d'yan, lumalamig na ang pagkain oh. " Sabi ng daddy nila Szymon

“ hindi nga ako nagkamali ng hinala, Sabi ko na nga ba. ” isip ni Suzette habang nakatingin sa kumakain na si Szymon.

" Ako na lang ang magliligpit nito, mag usap na kayong dalawa para magka-intindihan kayo. " Sabi ni Miss Sara at dinala na sa lababo ang pinag kainan nila.

Nagpunta si Szymon at Suzette sa sala.

" Masaya akong malaman na magaling ka na, hindo ka na katulad nung dati, batang sakitin. " Sabi ni Suzette

" Ikaw yung nagdonor ng kidney ko? " Tanong ni Szymon

" Oo, masaya ako na natulungan kita. Ingatan mo yan ha. Tubig, importante yun. " Sagot ni Suzette

" Hindi ko pa rin gaanong maintindihan Suzette. "

" Maayos na nga yung kidney mo pero para namang nagka-amnesia ka kasi hindi mo na ako maalala, Sky. "

" Sky? May binanggit ka bang Sky? Paano mo nalaman ang second name ko Suzette? " Nanlaki ang mga mata ni Szymon at niyakap agad si Suzette

" Sabi ko na nga ba, SS?  SS, ikaw nga. Bakit hindi mo sinabi agad? Alam mo na ako si Sky pero bakit hindi mo sinabi, sabi ko na nga ba, nahahalata ko na pareho kayo ng sinasabi e.  Namiss kita. " Sabi ni Szymon

" Hindi ko rin naman alam na ikaw si Sky e Szymon ka kasi ng Szymon at isa pa kahapon ko lang naisip ba baka ikaw si Sky, marami kasi kayong pagkakapareho e saka dekada na yata yung dumaan kaya hindi ko na masyadong matandaan, iba na din ang itsura mo. "

" Salamat ha, baka kung hindi dahil sa'yo. Wala na ako. "

" Walang anuman. "

" Ikaw ba talaga si SS? Ang laki ng pinagbago mo. " Sabi ni Szymon

" Malaki talaga ang pinagbago ko, marami. Makulet ka pa din, ako nga si Shayne Suzette. Nice to see you again, my childhood best friend. " Sabi ni Suzette at nag hi-five pa silang dalawa.

* End of Chapter 13 *

         >🎸

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon