Chapter 33

42 4 0
                                    

CHAPTER 33

SOMEONE'S POV

" Wala ka ba talagang balita kay Shayne? " Tanong ni Szymon kay Sue, kakatapos lang ng klase nila at ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Suzette.

" Wala talaga e matagal na siyang hindi nagpupunta sa Project S, ang kwento ni Boss ay nagkasagutan daw sila ni Suzette. " Sabi ni Sue

* FLASHBACK *

Nagpunta si Suzette sa Project S. " Suzette! " Sigaw ni Boss Soledad pagpasok niya pa lang ng Project S.

" Bakit po? " Tanong ni Suzette

" Sinabi mo na ba kay Severo lahat ng sekreto ko? "

" Hindi po. "

" Hindi? Bakit galit na galit siya sa akin at hindi niya ako pinapansin, nag away na naman ba kayong dalawa at nadulas ka kaya nasabi mo sa kanya?? " Gigil na tanong ni Boss Soledad

" Hindi nga po, hindi ko nga siya nakikita e ni makausap manlang atsaka alam niyo naman na may isang salita ako. " Sagot ni Suzette

" Ano ba yung dapat kong malaman? " Biglang nagsalita si Severo sa may pintuan, nagkatinginan si Suzette at Boss Soledad bago sila sabay na napalingon kau Severo.

" Wala! " Mabilis na sagot ni Boss Soledad

" Mayro'n! " Sagot ni Suzette, tiningnan niya si Boss Soledad at pinandilatan siya nito ng Mata.

" Ano yun? Sabihin mo na sa akin Suzette. "Sabi ni Severo, pahakbang na sana si Suzette ng pigilan siya ni Boss Soledad.

" Gusto kong sabihin sa'yo na. . . " Umpisa ni Suzette at tumingin muna kay Boss Soledad. " Dapat mong malaman na . . . Mahal na Mahal ka ni Boss, ng Mama mo, mag ayos na kayong dalawa, walang magdadamayan dito kundi kayong dalawa dahil kayo lang ang pamilya. Mama mo siya kaya dapat igalang mo siya, Oo ako ang unang naging tauhan niya pero ikaw ang anak niya kaya Boss Soledad, from now on Suzette is signing off bilang tauhan mo. " Sabi ni Suzette at umalis na, simula nung araw na yun ay hindi na siya nagpunta sa Project S.

* END OF FLASHBACK *

" Hindi na siya nagpakita buhat nun pero sabi ni Sitara kapag may target daw kami tawagan daw agad si Samantha pagkatapos at sabihin daw kung nasaan ang biktima namin. "

" Bakit? Anong kinalaman ni Samantha dito? " Tanong ni Szymon

" Hindi ko din alam e ang naaalala ko lang dati na after naming patayin ang target ay tinatawagan niya agad si Samantha. " Sagot ni Sue

" Ahmm Sige, basta balitaan mo ako agad kapag nagparamdam siya sa'yo ha. " Sabi ni Szymon at malungkot na nagtungo sa locker room niya.

Napabuntong hininga siya bago binuksan ang locker at nagulat siya ng may nakitang isang papel na naka-fold, kaagad niyang kinuha ang papel at mabilis na naglakad patungo sa tambayan ng mga estudyante, sa ilalim ng malalagong punong kahoy malapit sa cafeteria. May kasama ang sulat na isang USB, binuklat niya ang liham at ganito ang nakasulat.

“ My Szymon Sky,

       Miss na miss na kita, sana ay ayos ka lang kahit ngayon ay wala ako sa tabi mo, h'wag mong isipin na lumayo ako sa'yo dahil sa may nangyari sa atin kundi lumayo ako dahil naisip ko na hindi pa ako karapat dapat sa isang Szymon Sky Trinidad, Ako lang si Suzette na kayang pumatay ng tao, si Suzette na walang pake alam sa nangyayari sa paligid, Ako si Suzette na binago mo, babalik ako sa'yo kapag kaya mo na akong ipagmalaki sa buong mundo, babalik ako kapag naayos ko na ang sarili ko at Sana makapaghintay ka, tandaan mo na Mahal na Mahal kita, hindi yun magbabago kahit lumipas pa ang ilang taon. Yung USB ko, itago mo ha, kukunin ko yan kapag bumalik na ako.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now