Chapter 34

47 5 0
                                    

CHAPTER 34

SZYMON SKY'S POV

Hapon na pero hindi pa rin ako mapakali, gumugulo kasi sa isipan ko ang nga sinabi ni Sid, gusto kong maniwala na hindi siya yun pero may naalala ako sa isa sa mga sulat ni Suzette sa akin dati.

“ Miss na miss na kita, gustong gusto na kitang mayakap. Mahal na mahal ka NAMIN. ”

Napa iling na lang ako.

Nagpunta ako sa tindahan at bumili ng isang san mig light, ngayon lang ulit ako iinom, wala lang, trip ko lang pampatulog dahil alam kong magdamag na naman akong mag iisip, sa SS ako matutulog dahil walang ibang tao doon, si Samantha ay nagbakasyon kasama si Brad at si Selah naman ay pinauwi ko muna sa kanila para makapag pahinga sila.

Parang medyo tinatamaan na ako kahit isa lang 'tong ininom ko, ganoon yata talaga kapag hindi ka sanay uminom.

Nag umpisa na akong maglakad pabalik sa SS, hindi na ako sumakay dahil medyo malapit lang naman at isa pa sayang pa yung pera na pamasahe ko pwede namang lakarin na lang.

" Mukhang big time 'to, abangan niyo d'yan. " May narinig akong mga lalakeng nag uusap at ilang sandali pa ay may lalake na sa harapan ko, may nakatutok na patalim sa akin, napalunok ako at parang nawala ang pagkalasing ko.

" Ibigay mo sa akin lahat ng pera mo. " Sabi nito, tahimik lang ako, sa patalim kasi ako nakatingin. " Hoy! Sabi ko ibigay mo sa'kin ang pera mo. " Sabi ng lalake at bigla akong pinukpok sa likod ng kasamahan niya, sinubukan kong tumayo pero hindi kinaya ng katawan ko, naramdaman ko ang kamay nila sa bulsa ko pero may narinig akong umaray at hindi ko masyadong makita ang nangyayari dahil blurred ang tingin ko, naririnig ko lang ay mga tunog ng suntok at tadyak, Sino kaya yung tumulong sa akin?

Papikit na sana ako dahil sa sakit na iniinda ko dahil malakas ang pagkakapukpok sa akin pero may narinig akong pamilyar na boses.

" I miss you. " Bulong nito sa may tainga ko at hinawakan ang pisnge ko, hinimas himas katulad ng madalas kong ginagawa kay Suzette bago ako nawalan ng malay.

-

Napahawak ako sa ulo ko at sa likod ko, ang sakit. Pagmulat ng mata ko ay kisame ng bahay ang nakita ko, nasaan ako? Sinong tumulong sa akin? Pumikit ako ulit at saka dahan dahang nagmulat ng mata pero nagulat ako ng may dalawang bata na bumungad sa akin, nakangiti sila at inosenteng inosente ang mukha, isang babae at isang lalake.

" Gising na siya. " Sabi ng batang lalake

" Magandang umaga po. " Sabi ng batang babae, napabangon ako bigla, nakangiti pa din sila, siguro nasa tatlo o apat na taon na sila.

Naupo sa tabi ko ang batang bata, naalala ko ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako, kamukhang kamukha ko siya.

" Mga anak, h'wag kayong maingay d'yan ha, baka magising ang bisita natin. " May narinig akong boses galing sa labas, pamilyar at napatayo ako, hinanap ko kung saan galing ang boses, naluluha na ako, hindi ako pwedeng magkami, siya yun . . . siya yun. Namiss ko ang boses niya.

" Ang . . Ang inay po ba ang hinahanap mo? Nasa kusina po siya. " Sabi ng batang babae, ang tuwid nilang magsalita at hindi gaanong bulol.

Nagtungo ako sa kusina na tinuro ng bata, may nakatalikod na babae, medyo mahaba ang buhok at patuloy na dumadaloy ang luha ko.

" Anak, gising na ba yung . . . " Napatigil siya sa pagsasalita at agad napalingon, nangilid agad ang luha niya, nakatingin ng deretso sa mata ko at biglang niyakap ako, niyakap ko din siya ng sobrang higpit, napahagulgol na lang ako at ganoon din siya, hindi ko siya binibitiwan, yakap yakap ko pa din siya, miss na miss ko na 'tong babaeng 'to, ang nag iisang babae na nagpatibok ng puso ko.

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon