Chapter 30

39 4 0
                                    

CHAPTER 30

SOMEONE'S POV

" Shayne, okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Nasaan yung lalake, kailangan niyang makulong. " Sabi ni Szymon

" Kalma Sky, okay? Nakulong na yung lalake at okay lang ako. Don't worry na. " Sabi ni Suzette at niyakap ang boyfriend niya.

" Mabuti na lang at hindi ka masaksak, hindi talaga ako papayag kapag nangyari yun. " Sabi pa ni Szymon

"H'wag ka na mag alala, okay na ako, okay lang ako. " Sabi ni Suzette

" Alam mo ba mommy, ang galing ni ate Suzette makipag laban, sabi ko nga para siyang girl version ni Jackie Chan e kahit malaki yung lalake napatumba niya, astig. " Sabi ni Samara

" Nag aral ka ba ng Martial arts Suzette? " Tanong ng tatay ni Szymon

" Hindi po Tito, nakikita ko lang po sa mga pinapanood ko tapos ginagaya ko lang po para in case nga po na may nangyaring ganito ay handa po ako. " Sabi ni Suzette

" Turuan mo nga minsan itong si Samara para handa din siya, hindi naman kasi sa bawat oras ay kasama namin siya. " Sabi ng nanay ni Szymon

" Opo Tita, kapag may free time po ako. " Sabi ni Suzette at nagpaalam na siya na uuwi na siya.

* SHAYNE SUZETTE'S POV *

Medyo late na akong pumasok, hindi kasi ako nagising ng maaga at wala naman kasing klase sa first subject.

" Good morning everyone. " Bati ko sa kanina pagkarating ko sa eskwelahan, nakatambay sila sa cafeteria at kumakain ng pan cake.

" Good morning beautiful lady. " Sabi ni Szymon at niyakap ako

" Grabi, ang aga n'yan ah. " Sabi ni Seth

" Hay naku Kuya, inggit ka na naman. Pasagutin mo na kasi si Samantha para may Jowa ka na din. " Sabi ni Sue sa kuya niya.

" Pupuntahan ko nga mamaya after work niya, yayayain kong lumabas. Okay lang ba sa'yo Suzette? " Tanong ni Seth

" Oo naman, pwedeng pwede. " Sagot ko

" Ayunnnn. Thank you " Sabi niya pa, binilhan din ako ni Szymon ng pan cake, kumakain kami habang naghihintay ng next subject. Napansin ko lang na bawat estudyanteng dumadaan sa may pwesto namin ay tinitingnan ako. Anong mayro'n?

" Bakit daw? " Tanong ko

" Anong bakit daw sis? " Tanong ni Savannah

" Bakit pinagtitinginan nila ako? Ngayon lang ba nila nalaman na boyfriend ko si Szymon kaya nakatingin sila? Matagal na din naman akong hindi nagme-make up, bakit kanina pa nila ako tinitingnan, pagpasok ko pa lang ng gate. " Sabi ko

" Baka nagagandahan lang sila sa'yo SunSHAYNE ko. " Sabi ni Szymon, ngumiti lang ako pero imposible yun.

" Kuya, come here. May itatanong lang ako. " Tawag ni Sue sa lalakeng bumili sa cafeteria na nakatingin sa cellphone niya.

" Bakit? " Tanong ng lalake at lumapit sa amin

" Anong mayro'n? I mean bakit nakatingin sila kay Suzette? " Tanong ni Sue

" Ah yun ba? Hindi ba kayo nagbubukas ng social media niyo? Viral siya ngayon, Hi Miss Suzette, Bro Szymon. " Sabi ng lalake at binati pa kami

" Viral?? Sige, salamat. " Sabi ni Sue at lahat sila ay kinuha ang mga cellphone nila, napaisip ako. Ako?? Bakit naman ako magva-viral?

" Omg! Oo nga, ikaw nga ito sis, kailan 'to? " Tanong ni Savannah at ipinakita sa amin ang video, ako nga yun, yung nangyari sa mall kahapon.

" Sinong nagpost? Bakit may video ako d'yan? " Tanong ko pa

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now