Chapter 36

46 5 0
                                    

CHAPTER 36

SHAYNE SUZETTE'S POV

" Dahil sa mga ebedinsyang naipakita ni Miss Shayne Suzette Samaniego laban sa bintang ni Ginang Soledad de San Juan ay siya'y abswelto na, napatunayan na ang totoong may kasalanan ay si Gng. de San Juan at mahahatulan siya ng habang buhay na pagkakakulong sa dami ng kanyang nagawa na labag sa batas. " Sabi ng lalake

" You are free now Miss Samaniego, Congratulations. "

Niyakap ako ni Szymon, iyak pa rin ako ng iyak. " I made it Sky, sana hindi pa huli ang lahat. Ginawa ko 'to lahat para sa inyo, para sa pamilya ko at sa pamilya natin. Hindi napunta sa wala lahat ng mga pinaghirapan ko. " Sabi ko

" Kinaya natin ito lahat dahil kasama natin ang Diyos, Shayne. " Sabi niya at hinalikan ako sa noo bago ako lumingon sa likuran ko. Nasa harapan ko sila Mommy and Daddy pati na rin ang mga kapatid ko. Lumayo muna sila Szymon at ang pamilya niya pati na rin ang mga kaibigan namin para bigyan kami ng oras na makapag-usap.

Nakatingin ako sa kanila, hindi nagsasalita, walang nagsasalita pero patuloy na umaagos ang luha ko hanggang lumapit na silang lahat sa akin at niyakap ako, sobrang lakas ng hagulgol nila lalo na si Mommy.

" S-Suzette anak, anak ko. . . " Sabi ni mommy, hindi pa rin ako makapagsalita.

" Patawarin mo kami anak, hindi namin alam lahat ng pinagdaanan mo, hindi namin yun magagawa sa iyo kahit na nagkamali ako noon, ang alam namin ay wala ka na, palagi ka naming ipinag-luluksa, ipinagdarasal ang kaluluwa mo dahil yun ang sabi ng babaeng Chinese, namatay ka daw sa aksidente, ipinakita niya pa ang mga damit mo na sunog sunog na. " Sabi ni Daddy Solomon

" Wala po tayong kasalanan, biktima lang tayong lahat dito at ngayong araw, mananagot na ang totoong may kasalanan. " Sabi ko at bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin.

Tumingin ako kay Mommy. " Dekada na po ang lumipas, miss na miss ko na ang mga luto mo, yung pag-aalaga niyo sa'kin noon kahit busy ka kina ate at kuya, miss ko na po yun lahat, miss na miss ko na kayo kahit madalas niyo akong pagalitan dahil pasaway ako at akala ko ayaw niyo talaga sa akin. Sorry po kung hindi ko sinabi na nagdonor ako ng Kidney sa kaibigan kobat the age of ten, I love you Mommy Selena. " Niyakap ko siya sabay halik sa pisnge, sumunod akong nagpunta sa harap ni Daddy.

Ngayon ko lang nakitang umiiyak sa Daddy. " Dad, sana po ay hindi kayo galit sa akin dahil nagka-anak ako agad, siya lang naman po ang lalake sa buhay ko maliban sa inyo ni Kuya, siya yung kaibigan ko na tinulungan ko noon, naka-inom lang po kami noong gabing yun kaya may nangyari sa amin pero hindi ko naman po pinagsisisihan yun, Mahal na Mahal ko po ang mga anak ko. Dad, matagal ko na po kayong pinatawad dahil sa nagawa niyo, nagtanim ako ng galit sa'yo dahil ang akala ko ako ang dahilan kung bakit muntik na kayong magkahiwalay noon at dahil nabuntis niyo si Tita Susan pero nagkakilala naman po kami ni Savannah at nalaman ko na si Tita Susan ang nanay niya, ang babaeng tumulong din sa akin noon. Namiss ko po kayo, I love you Daddy Solomon. " Niyakap ko din siya ng mahigpit at kay kuya Sebastian naman tumingin, ngumiti agad siya.

" Thank you so much Kuya. Alam mo namang Mahal na Mahal kita, Salamat sa pag-intindi mo sa akin, sa pakikinig sa'kin at sa pagtago ng sekreto ko kahit alam kong hindi ka marunong mag sinungaling para lang matulungan ako sa mga plano ko.  I love you Kuya Sebastian, you're the best kuya for me, At sa'yo naman ate Saphira, mahal din kita kahit masungit ka palagi, kahit binubully niyo ako ni Kuya palagi, kahit maitim ako alam ko naman na Mahal niyo ako at ganoon kayo maglambing, I'm always your baby octopus. " Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge, umiiyak si ate Saphira, hindi pa rin siya tumitigil simula kanina pa, si Sethy naman ang nilapitan ko.

" Hi Sethy, ako si Suzette at ate mo rin ako, ngayon lang tayo nagkakilala ng maayos dahil maraming nangyari, ako din ang blood donor mo at madalas kitang napapanood sa tv at tama nga si Savannah, kung wala 'tong mga peklat ko e kamukhang kamukha kita. I love you baby bunso. " Sabi ko

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now