Chapter 35

54 4 0
                                    

CHAPTER 35

SHAYNE SUZETTE'S POV

Nandito pa din kami sa bahay nila Szymon, karga karga ni Mommy si Shawn at kay Daddy naman si Shine, nilalaro nila ang apo nila, lumapit pa akin si ate Saphira.

" B-Baby octopus . . . galit ka ba sa amin? " Tanong niya, umiling lang ako.

" Are you sure? " Tanong niya pa

" Sinabi ba ni Kuya Sebastian sa'yo? " Tanong ko

" Ang alin? " Tanong niya

" Yung ginawa nila mommy sa'kin before? Alam mo ba na binenta nila ako? Alam mo ba ate na muntik na akong mamatay? Alam mo ba na nakapatay na ako ng tao? At alam mo ba na kaya ako nawala, pinigilang makita ang mga taong Mahal ko ay para hindi madamay ang mga anak ko, isang beses lang may nangyari sa amin ni Szymon pero siguro dahil Mahal na Mahal namin ang isa't isa ay nagkaroon agad kami ng anak na hindi ko pinagsisisihan. " Niyakap ko siya, umiiyak siya.

" H'wag mo munang sabihin kita mommy, ate. Bukas malalaman niyo lahat, kinasuhan ako ni Soledad De San Juan, pinag-bintangan niya akong nagnakaw ng pera niya at pumatay sa magulang ng ampon niya pero bukas, lalantad lahat at gusto ko ay nandoon kayong lahat. " Sabi ko

Ngumiti si ate. " Support ka namin baby octopus, namiss talaga kita, sobra. Ang pogi at ang ganda ng mga pamangkin ko ha, mana sa Tita hihi. " Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge, dati pa lang mataray na talaga si ate pero mas madalas naman siyang sweet sa akin lalo na kapag walang topak.

-

Naghanda na ako, pupunta na ako sa korte kasama ang abogado ko, pamilya at mga kaibigan.

Gusto kong makitang bumagsak si Soledad.

" Ready ka na ba? " Tanong ni Szymon

" Oo naman Sky, handang handa na akong isiwalat lahat. " Sagot ko at sumakay na kami sa kotse, dumeretso sa lugar kung saan nila ako makikilala ng lubos, iniwan muna namin ang kambal kat ate Sonya, bawal kasi ang bata doon e.

" Sis! " Sigaw ni Savannah at niyakap agad ako. " Namiss kita, may mga pasabog ka ba ngayon? "

" Oo, marami kaya maghanda ka ng tissue. " Sabi ko at niyakap din siya, kasama niya si Tita Susan, nandito din sila Sue at iba ko pang kasamahan dati sa Project S, hindi pa lang sila makalapit sa akin dahil kasama pa sila ni Soledad pero kinindatan ako ni Sitara.

" Seth, si Samantha? " Tanong ko

" Nag cr lang insan. " Sagot niya

Nagsidatingan na din sila mommy at sila Tita, kinakabahan ako pero kaya ko 'to.

" Magsisimula na. " Sabi nh judge

Napadaan ako sa tabi ni Soledad.

" Nice to see you again Ex Boss. " Sabi ko sabay taas ng kilay

" Ito na ang huling beses na makikita mo ako dahil makukulong ka na! " Sabi niya

" Really? HAHAHAHA sinubukan mo ako e sinabihan na kita dati. Ang sinabi mo ngayon, sa'yo yun mangyayari. " Sabi ko at tumalikod na. Nakasalubong ko si Severo, nginitian ko na siya.

" Be ready. " Sabi ko sabay kindat at biglang natawa ako.

This is it Suzette!

" Magandang umaga, nandito tayo ngayon para pag usapan ang sinabi ni Ginang Soledad de San Juan na si Miss Suzette daw ay nagnakaw at pumatay. " Sabi ng babae

Hindi ito totoong korte pero dito dinadala ang ilang napagbintangan bago makulong kapag totoong may sala. Puno ng guard at pulis ang paligid at dito pwede akong magsalita.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now