Kabanata II

32.6K 1.4K 457
                                    

Eliana's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eliana's POV

"D...Dahil patay na po ang inyong ina noong nakaraang linggo. Pinatay po siya ng inyong ama."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi Leandra. Dala na rin siguro nang pagiging malapit nila sa ina ni Eliana ay sabay pa silang pumalahaw ng iyak dahilan para lalo akong mapatitig sa larawan.

Hindi ko siya kilala pero unti-unting sumasakit ang aking dibdib habang tumatagal ang pagtitig ko sa larawan. Ang sakit sakit nito sa pakiramdam na animo'y namatayan ako nang mahalaga sa aking buhay.

"Huwag ka na pong umiyak, mahal na prinsesa. Malamang ay payapa na ngayon si Reyna Elaine at malayo sa lahat nang pasakit na naranasan niya sa mundong ito," pinunasan niya pa ang pisngi ko na hindi ko namalayan na namamasa na pala ito.

Duon ko na lamang napagtanto na lumuluha na rin pala ang mga mata ko.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanilang dalawa saka ko pasimpleng pinunasan ang mga luha mula sa mga mata ni Eliana.

Bakit nga ba ako umiiyak din? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman kilala ang babaeng ito pero bakit nakikidalamhati ang pangangatawang ito?

Ikaw ba ito Eliana? Nasasaktan ka ba sa pagkamatay ng iyong ina?

Bigla ko na lamang natanong ang aking sarili. Malamang ay si Eliana ang nakakaramdam ng ganitong emosyon. Kahit naman ang kaluluwa ko na ang namamalagi sa katawan niya ay hindi pa rin maitatanggi ng kanyang puso at isipan ang pagmamahal niya sa kanyang ina.

"Bakit namatay ang Reyna El--este ang aking ina? Ang sabi ninyo ay ang aking ama ang pumatay sa kanya?"

Natigil na rin sa pag-iyak sina Leandra at umayos na ng kanilang pagkakaupo.

"H. . .Hindi po namin alam ang buong pangyayari, Mahal na Prinsesa pagka't ikaw pa ang nakakita sa iyong ina na wala nang buhay habang ang hari ay nasa inyong harapan at may hawak na patalim na puro dugo," natatakot si Stella habang isinasalaysay ang pangyayari kaya pinatigil ko na siya.

Ako ang nakakita? Gusto ko tuloy iumpog ang ulo ko at baka sakaling may kakaunting alaala na bumalik sa akin. Lalo lamang pinakukumplikado nang mga kuwento nila ang mga susunod kong galaw dito sa lugar na ito.

"Tama na ang tungkol sa aking ina. Hindi ko na nais pa alalahanin ang masalimoot na dinanas niya," pagsisinungaling ko na lamang at umiwas na rin ako ng tingin sa dalawa.

Iisa lamang ang naisip ko at iyon ang ilayo muna ang aking sarili sa mga komplikadong pangyayari sa buhay ni Eliana hangga't hindi ko pa tuluyang nalalaman ang kanyang buong storya.

"Ngayon naman ay isalaysay niyo ang mga nalalaman niyo sa akin. Sino ako at sino ang pamilya ko. Bakit prinsesa ang tawag niyo sa akin at anong klaseng lugar ba ito," Kung malalaman ko ang lahat nang ito ay maaari ko nang planuhin kung paano at anu-anong aksyon ang dapat kong gawin para mabuhay kahit papaano sa mundong ito.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon