Kabanata XXVII

21.1K 944 370
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ELIANA'S POV

HINDI ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nandito si Zephyr sa labas ng aking silid. Sino ba ang pinunta niya dito? May kailangan ba siya sa isa sa mga kaklase ko? Kailangan niya ba a--- este si Maestra? Pero bakit nga ba ako namomroblema, hindi ko pa naman alam ang dahilan ng pagpunta niya dito kung anu-ano na ang iniisip ko.

Nabalik naman ako sa reyalidad nang bigla siyang magsalita.

"Magandang gabi, Prinsesa Eliana." Mahinahon at kaswal niyang bati sa akin ngunit sapat na iyon para makaramdam ako ng kaunting kiliti sa aking puso.

"Magandang gabi rin, anong pakay mo dito?" Kunwari'y pagtataray ko sa kanya upang hindi ipahalata ang pagkakautal-utal ko. Kita ko na bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit agad din siyang natigil nang biglang sumulpot si Mishal sa aking likuran.

"Oh, ikaw pala iyan, Zephyr! Anong ginagawa mo dito?" Magiliw na bati sa kanya ni Mishal habang kumakaway-kaway pa ito. Mukhang nagulat naman si Zephyr sa kanya marahil hindi niya inaasahan na nandito ang kaibigan.

"Ah...magkaklase pala kayo ni Prinsesa Eliana, Mishal. Tapos na ang klase niyo tama?"

"Oo! May kailangan ka ba sa akin?"

"Ang totoo niyan, si Prinsesa Eliana ang pakay ko." Nahihiya akong sinulyapan ni Zephyr dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat. Ako? Ako ang kailangan niya?! Namali ata ako ng dinig? 

"Talaga?! Ano naman ang kailangan mo kay Prinsesa Eliana? Gabi na ah." May halong malisya na komento ni Mishal habang nagpapapalit-palit ang tingin sa amin ni Zephyr. Suminangot naman sa kanya si Zephyr at pabirong pinitik ang noo.

"Alam ko iyang tono na iyan." Natatawang komento ni Zephyr saka siya nagpatuloy. Nanatili naman akong nakasimangot sa tabi at pinapanood sila. Akala ko ba ako ang pakay niya? "Mag-uusap lang kami." Tipid nitong sagot sabay sulyap ulit sa akin.  Usap? Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Hindi ba nag-usap na kami kaninang umaga?

"Ano naman iyon? Bawal ako sumama?" Kunwari'y nagtatampong pahayag ni Mishal na ikinairap ko na lamang. Di ba niya narinig? Ako nga raw ang kakausapin niya, bakit nakikisali pa ito?

"Saglit lang kami Mishal." Kaswal na sagot sa kanya ni Zephyr habang ako naman ay nakahalukipkip na sa tabi at hinihintay silang matapos sa pag-uusap. Pinaghihintay ba nila ako? Kahit naman malakas ang dating sa akin ni Zephyr ay hindi pa rin ako makakapayag na pinaghihintay niya lang ako.

Ilang sandali pa sila nag-usap ni Mishal o mas madaling sabihin, nakipagpilitan kay Mishal na hayaan akong makausap ng ako lang. Gusto ko na nga siyang pandilatan para makaramdam naman siya pero baka iba naman ang maging dating sa kanya. Ayaw ko lang talaga ng pinaghihintay ako!

"Pasensya na, Prinsesa Eliana kung pinaghintay kita." Nahihiya niyang pahayag sa akin habang kakamot-kamot pa ng batok. Iirapan ko na sana siya pero parang awtomatiko na gumuhit ang isang ngiti sa aking mga labi.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon