Kabanata XXXIII

24.9K 1K 741
                                    

- ERYX -

KABABALIK lamang ni Eryx mula sa palasyo ng Elior - ang Elden, ngunit abala na siya ngayon sa paghahanda para sa isa na naman niyang tungkulin. Nakatanggap siya ng balita mula sa kanyang ama na malala na talaga ang paglaganap ng droga sa buong kaharian. Nangangamba na rin ang konseho na maaari pa maging talamak ang bentahan nito oras na makalabas ito ng Kaharian at lumaganap sa mga karatig kaharian at iyon ang susubukang pigilan ni Eryx.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng kanyang gwantes ng biglang bumukas ang kanyang pintuan at dire-diretsong pumasok si Aonani dito. Nakasunod naman sa kanya si Estevan na mukhang problemado at ginawa na ang lahat mapigilan lamang ang walang pahintulot na panghihimasok ng binibini.

"Eryx! Mag-usap tayo sandali!" Galit na bungad nito sa prinsipe habang pulang-pula ang maamo nitong mukha. Kaswal lamang siyang tiningnan ni Eryx na abala pa rin sa pag-aayos ng gwantes nito.

"Magandang gabi, Aonani." Mahinahong bati ni Eryx dito. Siya na ang naunang bumati kay Aonani kahit na kabastusan na halos ang ginawa nitong walang pasabi na panghihimasok sa kanyang silid. Nilingon din ni Eryx si Estevan na panay ang yuko sa kanya at humihingi ng pasensya gamit ng mga mata. Pasimple na lamang siya na tinanguan ni Eryx na wari'y naiintindihan nito ang sitwasyon.

"Bakit mo ginawa iyon, Eryx?! Bakit sinabi mo kay Ama ang ginawa ko kay Eliana! Inunahan mo ako!" Galit pa rin na sigaw nito dahilan para bahagyang matigilan si Eryx dito. Inisip niya pa kung ano ang kasalanan niya sa dalaga hanggang sa maalala niya na dumaan nga pala siya sa palasyo nina Aonani upang makipag-kuwentuhan sa ama nito na Kumander ng kanilang mga kawal. Nabanggit niya rin ang tungkol sa sitwasyon ni Aonani at ang nangyari sa pagitan nila ni Eliana.

"Bakit hindi, Aonani? Hindi ba binilin sa akin ng iyong Ama ang kapakanan mo dito sa akademya? Ang ginawa mo kay Prinsesa Eliana ay isa sa mga sitwasyon mo na dapat lamang malaman ng iyong ama." Wala naman  siyang nakikitang mali sa ginawa niya kaya ipinagtataka niya ang biglang pagsugod ng kanyang kababata na pulang-pula ang mukha sa galit.

"Pero bakit pinangunahan mo ako?!" Sigaw muli ni Aonani kay Eryx ngunit nanatili lamang nakatingin ang binata at hinahayaan si Aonani. "Balak ko naman sabihin kay Ama ang nangyari pero pinangungahan mo ako!"

"At baliktarin ang sitwasyon?" Mahinahon ngunit may nagbabantang tono na pahayag ni Eryx sa kanya. Kilala niya ang kababata, kilalang-kilala niya ito sa puntong kayang-kaya baliktarin ni Aonani ang kuwento at ipahamak ang mga akusado. Naiintindihan niya naman ang kababata kung bakit ganito ito umakto kaya hangga't maaari ay inaalalayan niya ito at inilalayo sa kasamaan. 

"P...Paanong--- hindi ko magagawa iyan! Sasabihin ko talaga sa kanya ang nangyari!" Saglit siyang natigilan sa sinabi ni Eryx ngunit muli rin nakabawi. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang tingin sa kanya ng kababata. Lubos siyang nasaktan sa panghuhusga nito sa kanya.

"Ang totoong nangyari, Aonani? Walang labis, walang kulang?" Muling pagtatanong ni Eryx sa kanya ngunit hindi na nakasagot pa si Aonani at nangingilid ang mga luha na napatitig na lang sa kalmadong mukha ni Eryx. Huminga naman ng malalim ang binata at tinapos saglit ang pag-aayos ng kanyang gwantes bago magpatuloy sa sinasabi.

"Kababata kita, Aonani, at mahalaga ka sa akin ngunit hindi ko hahayaan na pasinungalingan mo ang kasalanan na ginawa mo. Kailan mo pagbayaran ang bagay na iyon." Paalala sa kanya ni Eryx. Para sa prinsipeng katulad niya, mahalaga ang prinsipyo ng hustisya kung saan ang kasalanan mo ay kailangan mong pagbayaran, simple man o malala ang sitwasyon ngunit kailangan mong tanggapin ang karampatang parusa nito.

Hindi agad nakasagot si Aonani sa kanya hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito na kanina pa nagbabadyang pumatak. Nagulat naman si Estevan dito habang nananatiling kalmado pa rin si Eryx na nakatingin sa kababata.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Where stories live. Discover now