Kabanata XXVIII

21.6K 907 358
                                    

ELIANA'S POV

KADARATING ko lamang sa nag-iisa kong klase ngayong araw matapos ay problemado na ako. Hindi ko man lang napaghandaan ang araw na ito kung saan muli ko na naman makakasama si Zephyr. MAKAKASAMA si Zephyr ng kaming dalawa lamang. Hindi dapat ako namomroblema pero nababagabag ako sa puso ko na parang sasabog na ano man oras tuwing kasama ko siya. Hindi rin naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman ko pero hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin dahil ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako maaaring magkagusto sa mundong ito. Hindi maaaring matibag ang mo, Yvonne! Tibayan mo naman at mas lalong pataasin para mabantayan ang puso mong nais kumawala.

Nasa kalagitnaan ako ng pamomroblema nang pumasok si Sereia na halos kasabay lamang ng aming Maestra. Bumilib pa nga ako sa kanya dahil agad niya akong nakita at nagawa pa akong paningkitan ng mga mata kahit nakaupo ako sa pinakadulo ng silid. Inismiran ko muna siya bago tinuon ang buong atensyon ko sa Maestra na nasa harapan.

"Magandang umaga mga prinsesa at binibini ako nga pala si Maestra Carmela! Pasensya na kayo at hindi agad ako nakapasok nitong mga unang linggo dahil naging abala ako sa pagtuturo sa mga reyna ng iba't ibang kaharian!" Nasa harapan namin ngayon ang Maestra na matangkad at balingkinitan. Hindi nalalayo ang katawan niya sa katawan ni Maestra Clarita lalo na at parehas silang bihasa sa asignaturang kanilang itinuturo.

"Pamilyar naman siguro kayo sa ating klase hindi ba? Kung hindi ay nais kong ipakilala sa inyo ang Laximo Dynamo!" Magiliw niyang pahayag habang ako naman ay halos manlumo na. Isa na naman ito sa mga klase na kung saan hindi maiiwasan ang pagsasayaw. Binasa ko ang lalamanin ng mga aralin dito at hindi ito nalalayo sa Amadeo Morricone dahil ang Laximo Dynamo ay ang lahat ng uri ng pagsasayaw na nababagay sa mga kababaihan.

"Ngayon mga mahal na prinsesa, humayo kayo at simulan na natin ang pag-eensayo ng iilan sa mga pag-indak na nais kong matutunan ninyo." Isa pa sa nakakaasar sa klaseng ito ay ang matinis na boses ni Maestra Carmela na tuwing magsasalita ito ay natitililing na lang ang aking tenga. Pero dama ko na hindi basta-basta si Maestra Carmela dahil kapansin-pansin ang pagkastrikta sa kanyang mga mata na parang walang sinasanto. Marahil ay sanay talaga siya magturo ng mga anak ng matataas na opisyales.

Nagsimula kaming humilera sa gitna ng malawak at maespasyo na silid. Napapaligiran din kami ng mga salamin na kung saan kitang-kita talaga ang galaw ng bawat isa kahit pa nakatalikod ang Maestra. Tamad na tamad naman ako na pumwesto sa may gilid kung saan hindi masyado agaw atensyon sa Maestra o sa mga kamag-aral ko. Mahigit trenta rin kami dito sa klaseng ito at sa kasamaang palad, kaklase ko sina Sereia at Neola.

"Simulan muna natin sa pag-uunat ng ating mga buto at kasu-kasuan. Mahihirapan kayo sa pagsasayaw kung mananatiling marupok ang inyong mga buto!" Pakanta niyang turo sa amin na ikinangiwi ko na lamang. Nagsimula na kami mag-unat ng buto kahit labag na labag talaga sa kalooban ko. Isa pa sa kinabubuwisit ko sa klase na ito ay ang napakaarte rin na damit! Hindi nga gaano masikip sa bewang pero napakagarbo talaga masyado para lamang sa isang pang-ensayo na kasuotan. Napakakati rin sa balat dahil sa sandamakmak na tela na mayroon ito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon