Kabanata XXV

19.8K 1K 543
                                    

- ELIANA  -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- ELIANA  -

Malamig ang atmospera ng paligid habang patuloy pa rin ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ni Eliana at ng kanyang ama. Magmula kasi ng dumating ito ay wala na itong ibang sinabi kundi ang bumalik na siya sa kaharian dahil wala rin naman siyang kapasidad na lumaban at makipagsapalaran sa akademya. Sinisisi rin siya nito sa natamo niyang mga galos at sugat dahil sa pagiging mahina niya at talunan sa pakikipaglaban. 

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo, Eliana! Hindi ka na marunong makinig sa iyong ama! Hangad ko lamang ang makabubuti sa iyo at iyon ang bumalik ka na sa kaharian dahil ganiyan lamang ang napapala mo dito sa akademya! Tingnan mo nga ang kalagayan mo!"

Halos dumagundong sa buong silid ang malakas at maawtoridad na boses ni Dareios. Kung ordinaryong mamamayan ng kaharian ang kanyang kaharap ay baka nanginig na ito sa takot samantalang hindi naman natinag dito si Eliana at sa halip ay inirapan pa ang ama. Nanatili namang blangko ang mukha ni Caedmon na nakasandal lamang sa pader habang nanonood sa mga kaganapan. Si Adelrick naman ay hindi mapakali dahil baka saktan pa ng hari ang kanyang kapatid habang si Maestro naman ay nanatiling kalmado at walang reaksyon sa sitwasyon. Hindi malaman ni Adelrick kung ano nga ba ang iniisip ng matanda gayong mas lalong umiinit ang tensyon sa pagitan ng kanyang ama at kapatid.

"Makabubuti sa akin? Huwag ka ngang magpatawa! Kung hinangad mo talaga na mas mapabuti ang kalagayan ko ay hindi mo sana hinayaang lumaki akong mangmang at mahina!"

Kahit kalmado ay matigas ang bawat salitang binitawan ni Eliana sa kanyang ama. Makikita lamang sa kanyang mga mata ang inis at sa pamumula ng kanyang pisngi ngunit ang buong hitsura niya ay nananatiling walang ekspresyon at malamig. Nagtangis naman ang bagang ni Dareios sa naging kasagutan ng anak.

"Ito na naman ba tayo sa usapang ito, Eliana?! Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na wala kang kapangyarihan at ang tanging paraan lamang para malayo ka sa kapahamakan ay ang bumalik ka sa kaharian at manatili duon habang buhay!"

"Ikaw pa ang may ganang magkaroon ng tono sa boses na parang umay na umay ka na sa usapang ito gayong ikaw naman ang nagsisimula. Kung babalik ako anong mangyayari sa akin? Wala! Paulit-ulit lamang akong aapihin ng aking mga madrasta at mga kapatid! Alam mo iyan hindi ba? Ngunit wala kang ginawa! Kaya uulitin ko sa iyo, hindi ako babalik sa palasyo!"

Matigas at talaga namang tagos sa buto ang bawat salitang binibitawan ni Eliana sa ama dahilan para maging ang mga tao sa paligid ay makaramdam ng kilabot mula dito. Napahawak na lamang si Eliana sa kanyang sugat sa dibdib nang maramdamang kumikirot ito. Mukhang nasosobrahan na siya kasisigaw sa kanyang ama kaya ano mang oras ay maaari nang magbukas ang kanyang sugat.

Sa isip ng hari ay wala rin mapapala ang pakikipag-sigawan niya sa anak kaya agad naman siyang bumaling sa Maestro upang ito naman ang pagbuntungan.

"Maestro, ikaw ang may kasalanan nito hindi ba? Bilang kanyang magulang ay babawiin ko na ang aking anak dahil hindi mo nagawa ang kanyang tungkulin na protektahan siya sa loob ng akademya! Tingnan mo ang sitwasyon niya ngayon! Kung nanatili lamang siya sa kaharian ay hindi na sana siya malalagay sa ganitong sitwasyon!"

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon