Kabanata LV

12K 647 305
                                    

- SEREIA -

KATULAD ng mga ordinaryong araw ay tutungo muna si Sereia sa kanyang dormitoryo para magpalit ng damit pang-ensayo saka didiretso sa kanyang bungalow. Diretso ang likod, maangas ang tindig, at kaswal lamang siyang naglalakad palapit sa tarangkahan ni Bubba. Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang bilugan at itim na itim na mga mata ni Bubba wari'y may hinahanap ito. Wala naman pakialam si Sereia doon at nagdire-diretso lamang sa paglalakad ngunit ng matapat siya sa tarangkahan ay biglang nagsalita si Bubba.

"Prinsesa Sereia, Magandang gabi!" Masiglang bati nito sa kanya ngunit blangkong tingin lamang ang iginawad sa kanya ng dalaga bago ito tamad na sumagot.

"Magandang gabi." Tamad nitong pahayag at akma na sanang maglalakad papasok sa bunganga ni Bubba ngunit biglang isinara ni Bubba ang kanyang bibig. Nagulat naman si Sereia dito at kunot noong napatingin sa kanya.

"Bakit hindi mo ako pinapadaan?" May himig ng inis at pagkainip na tanong ni Sereia kaya agad nang sumagot ang bato dito.

"May mensahe ako para sa'yo!" Magiliw naman na pahayag ni Bubba dahilan para mangunot na lamang ang noo ni Sereia at pakinggan kung ano ito.

● _____ ●

ELIANA'S POV

Inis na inis akong naglalakad tungo sa tarangkahan ni Bubba para hanapin ang taong kailangan kong utusan. Tanaw ko ma agad ang malaki niyang bunganga na pakanta-kanta pa dahil wala naman masyadong kababaihan ang nandito.

"Magandang gabi, Prinsesa Eliana!" Magiliw at masiglang bati ng bato dahilan para samaan ko na lamang siya ng tingin. Wala akong oras makipagbatian sa kanya. May hinahabol akong tao!

"Dumating na ba si Sereia?" Malamig at naaatat kong tanong dahilan para mapa-'O' na lamang ang bibig niya wari'y nag-iisip siya sa biglaan kong tanong.

"Si Prinsesa Sereia ba? Naku! Wala pa siya dahil mamaya pang alas-sais ang dating niya. Ano ba ang---"

"Makinig ka sa sasabihin ko, dambuhalang bato, at siguraduhin mong makakarating ito kay Sereia." Matigas at nambabantang pahayag ko dahilan para manlaki naman ang mga mata niya sa akin na para bang nagulat siya sa tono ng boses ko. Seryoso ako at habang tumatagal na nag-uusap kami dito ay lalong nasasayang ang oras ko na sana ay inilalaan ko na sa gusto kong gawin.

"Ano ba ang maipaglilingkod ko sa'yo, Prin---"

"Sabihin mo kay Sereia na puntahan si Caedmon at alamin ang kalagayn ni Adelrick. Puntahan niya rin si Maestro at sundan ako sa Bell and Belle Bar sa bayan. Pakisabi kamo na ang gagong si Daewon ay nagbabalak nang umistokwa kasama ng mga hinayupak na sindikato. Bahala na siya alamin kung saan iyon, naiintindihan mo ba?" Gigil at tuloy-tuloy kong paliwanag dahilan para mapalaki na lamang ang mga holen na mata ni Bubba at manatiling bukas ang kanyang bunganga.

"Ah, ang bilis mo magsalita, Prinsesa El---"

"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko. Alam kong naintindihan mo ako. Kapag hindi mo nasabi ng maayos ito ay ipatibag kita!" Banta ko pa sa kanya at hindi ko na pinakinggan pa ang tugon niya dahil mabilis na rin akong naglakad tungo sa kuwadra ng mga Centaur. Hindi ako nagbibiro, kapag pumalya ang dambuhalang batong iyon ay ipatitibag ko talaga siya.

● _____ ●

- SEREIA -

MATAPOS iitsa ang sarili paitaas at makapasok sa bintana ay maayos na nakalapag si Sereia sa sahig ng dormitoryo ng mga kalalakihan. Hindi kasi pinahihintulutan ang sino mang kababaihan na makapasok dito ng walang lalaki o pinahintulutan ng mga guro kaya ganoon na lamang kahigpit ang Bubba sa lugar na ito.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon