KABANATA XXXIV

16.6K 770 366
                                    

ELIANA'S POV

KATATAPOS lamang ng pagtitipon namin ng mga amazonang babae ngunit imbes na nagliliwaliw na ako kung saan ay nakatayo ako ngayon sa harap ng silid-aralan ni Adelrick at hinihintay matapos ang kanyang klase. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang gagawin ko ngunit ito lamang ang hangganan at huling beses na kikilos ako para sa pamilyang ito. Hindi ko na maaari pang pasinungalingan ang aking sarili na wala akong pakialam dahil kahit maldita ako, pinahahalagahan ko ang buhay ng isang tao. At hindi ko rin naman maitatanggi na kapatid si Daewon ng katawang lupa na pinaninirahan ko ngayon kaya responsibilidad ko na rin ang pamilya niya.

Kasalukuyan ako ngayong maangas na nakasandal sa pader habang nakakrus ang aking mga braso at sinasamaan lahat ng lalaking napapatingin sa gawi ko. Alam ko namang maganda ako at sanay na sa mga titig mula sa ibang tao pero naaalibadbaran pa rin ako.

Kung mayroong gusali na para lamang sa mga kababaihan, mayroon din naman nakalaan na para lamang sa mga kalalakihan at dito ngayon kumukuha ng klase si Adelrick. Bago ako magtungo dito ay mahigit isang daang beses ko rin pinag-isipan kung tama bang ako na lang ang mismong makikipag-usap sa kanya o ipapadala ko ba si Leandra. Ang kaso, naisip ko rin na baka hindi na halos makasalita si Leandra kapag nakaharap ang kapatid ko na patay na patay siya. At isa pa, baka isipin niya ay suportado ko ang kalandian niya kaya huwag na lang. Ganoon din naman ang naisip ko kay Stella na tatanga-tanga at kay Ellionoir na wala namang ginawang tama sa buhay ko at baka pumalya pa siya sa pagkakataong ito.

Ekaksatong alas dyis ng umaga ng biglang bumukas ang pintuan ng silid nina Adelrick at nagsimulang magsilabasan ang mga mag-aaral na puro mga kalalakihan mula dito. Nakita ko pa nga ang batang doktor na hindi ko na maalala ang pangalan at wala rin akong balak alamin na papalabas ng silid. Mukhang kaklase niya ang isa sa mga bugok kong kapatid. Kung tama ang terminolohiya ko ay iskolar siyang matuturingan dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho sa klinika ng akademya.

Saglit nadaan sa harapan ko ang batang doktor at napansin niya naman ako ngunit isang malamig na tingin lamang ang iginawad niya sa akin na para bang hindi niya ako kilala. Inirapan ko na lang din siya pabalik at hindi ko na sinundan pa ng tingin. Ang sakit niya lang sa mata makatingin. Nakakaimbyerna.

Tinuon ko na ang aking pansin sa pintuan upang hintayin si Adelrick. Hindi katagalan ay lumabas na rin siya kasabay ang isang lalaki at nakikipagtawanan pa ito. Eksakto naman na nag-angat siya ng tingin sa aking direksyon at mabilis na nagtama ang mga mata namin. Napatigil pa siya sandali sa paglalakad at gulat na gulat na nakatingin sa akin, maging ang kasama niya ay napatingin na rin sa gawi ko habang ako naman ay nakahalukipkip lamang. Hihintayin ko na lang din siya lumapit sa puwesto ko dahil tinatamad na rin ako maglakad palapit sa kanya. At isa pa, pinuntahan ko na nga siya dito, pati ba naman paglapit ay problema ko pa. Gumalaw-galaw naman siya!

"Eliana? Ikaw ba iyan?" Gulat at hindi makapaniwalang pahayag niya marahil ito ang unang beses na nakita niya akong bumisita sa kanya. Tss. Kung alam niya lang kung gaano ako napipilitan sa aking ginawa.

Hindi naman ako sumagot sa kanya at nanatili lamang nakasandal sa pader. Ilang sandali lamang ay napagtanto na rin niya ang gusto kong magyari kaya mabilis na rin siyang naglakad palapit sa akin. Buti at matalino rin siya.

"Anong ginagawa mo dito, bunso?" Nagtataka ngunit gulat niya pa rin na tanong sa akin dahilan para irapan ko muna siya dahil ang O.A. niya pa rin kahit kailan. Mukhang hindi pa rin siya nakakabawi sa katotohanang nasa harapan niya ako ngayon at pinagtitiisan ang kanyang presensya.

"Mag-usap tayo." Tipid kong sagot sa kanya dahilan para naguguluhan na niya akong tingnan ngayon. Akmang sasagot na rin sana siya ngunit may biglang umakbay sa kanya na isang lalaki at dumungaw palapit sa akin.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon