KABANATA XLI

14.8K 729 756
                                    

ELIANA'S POV

KANINA pa ako nakabusangot dito sa gilid at hinihintay magsimula ang klase namin sa Amadeo Morricone habang katabi si Aera na walang tigil sa kadadaldal. Ewan ko ba pero simula ng muntikan na siyang sunduin ni kamatayan ay mas lalo siyang dumaldal at wala na talagang tigil ang bunganga niya kapag magkasama kami. Minsan nga naiisip ko na lang na tahiin ito kasabay ng kay Stella para naman tuluyan ng matahimik ang mundo ko.

"Ang bait talaga ni Prinsipe Zephyr, Eliana! Biruin mo noong lalabas na ako sa pagamutan ay sinundo niya pa talaga ako at hinatid sa dormitoryo. Siya na rin nagasikaso ng lahat ng gastusin at papeles ko sa pagamutan at sa akademya pati na rin ang pagpapadala ng sulat kina Lolo! Sobrang bait niya talaga jusko! Kung magkakaroon lang ako ng nobyo na katulad niya siguro wala pang isang buwan ay magpapakasal na ----"

"Hindi ka titigil?" Inis kong sita kay Aera dahil tuloy-tuloy na naman siya nagsasalita ng mga walang kakuwenta-kuwenta na mga bagay. Kanina ay si Caedmon lang ang bukambibig niya ngayon naman ay si Zephyr na. Bakit ba hindi siya mapirmi kay Aspen?

Natahimik naman siya sa paninita ko pero inirapan ko lang siya hanggang sa isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi niya.

"Ito naman, selos agad?" Nang-aasar na pahayag niya at may balak pa ata akong sundutin sa tagiliran pero pinanlisikan ko siya ng mga mata kaya hindi na niya tinuloy pa at ngumising aso na lang. Anong selos? Parang tanga naman siya kung iisipin niya talagang papatulan siya ni Zephyr.

"Anong selos? E kung suntukin kaya kita?" Banta ko pa sa kanya habang pinapakita ang kamao ko. Hindi ako nagbibiro dahil malapit ko na talaga siyang masuntok sa ingay niya pero tumawa lang siya ng malakas dahilan para mapalingon ang iba pa naming kaklase. Papansin talaga siya kahit kailan.

"Biro lang e!" Natatawang pahayag niya pa rin at aamba pa siya ng kiliti pero malakas ko rin pinalo ang kamay niya sa inis pero tumawa lang siya ulit na parang tuwang-tuwa siya sa pang-iinis sa akin. Parang tanga.

"Hindi ka naman nagsasalita kanina nung si Caedmon yung paksa natin tapos ngayon ka lang kumibo noong si ---"

"Manahimik ka na nga. Sisipain na kita." Nambabantang pahayag ko habang nakakrus ang ang mga braso at nakataas ang aking binti sa upuan na parang nasa bahay lang ako. Katapat ko lang naman si Aera kaya puwedeng puwede ko siyang sipain mula sa puwesto ko. Ang ingay niya punyeta!

"Hmp! Tatanggi pa, halata na nga." Bubulong-bulong niya pang pahayag pero hindi na ako kumibo at nanatiling masama na lang ang tingin na ginagawad ko sa kanya. Bahala nga siya kung anong gusto niyang isipin. Maraming namamatay sa maling akala kaya bahala siya dyan mauna.

Limang segundo sigurong nanahimik si Aera at akala ko ay hindi na siya dadaldal pero bigla siyang bumanat ulit ng tanong.

"Kayo na ba, Eliana?" Nakangisi at nang-aasar niyang tanong sa akin. Gigil naman akong napaayos ng upo at mas lalo siyang sinamaan ng tingin. Anong kami na?! Pangalawa na siya nagtatanong nyan parang mga tanga!

"Aba't hindi ka talaga titigil?" Inis na sita ko pa sa kanya pero muli lamang siyang humalakhak ng malakas dahilan para mag-init na talaga ng todo ang ulo ko. Inis kong pinulot sa sahig ang isang sapatos ko na pitong pulgada ang takong at gigil na tinutok sa kanya.

"Gusto mo bang ipukpok ko sa nguso mo itong takong ko para hindi mo na magamit iyan? Ha?!"

Bigla naman siyang natigil katatawa at mabilis umiling pero nandoon pa rin ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Bakit ba ang kapal na ng mukha niya asar-asarin ako? Kapag napuno ako sa kanya ibabalik ko sa ugat niya iyong lason na tinanggal punyeta.

Nagpatuloy lamang si Aera sa pagdaldal hanggang sa dumating na rin si Maestra Clarita. Walang sabi-sabing tumayo na rin ako sa puwesto ko at iniwan siyang dumadaldal sa upuan. Bahala nga siya, ang ingay-ingay niya nakakarindi.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon