KABANATA XXXVII

15.5K 933 517
                                    

ELIANA'S POV

ILANG araw ang lumipas magmula ng maihanda at mairaos namin ang Bahay ng Lagim. Dahil ako ang nag-isip nito, nakatanggap ito ng papremyo at pagkilala bilang natatangi at pinaka-produktibong booth para sa anibersaryo ng mapangdiskriminang akademya. Ang pera na kinita mula dito ay ibinigay bilang donasyon sa mga ampunan at mga biktima ng digmaan sa border ng lahat ng kaharian dito sa Elior.

Kasalukuyan na ako ngayong nasa klase ng pagbuburda at pananahi kasama si Mishal. Abala siya sa pagbuburda habang ako ay nakataas lamang ang mga binti sa mesa, prenteng nakasandal at nakatingala sa kisame na parang lantang gulay. Hindi ko alam pero kanina pa talaga ako wala sa wisyo at pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw. O baka naman imahinasyon ko lamang iyon at nasobrahan lamang ako sa kape ngayong umaga kaya pakiramdam ko ninenerbyos ako.

"Prinsesa Eliana? Ayos ka lang ba?" Nabalik naman ako sa reyalidad ng biglang magtanong si Mishal sa tabi ko. Tapos na siya sa pagbuburda at mukhang gugupitin na lang niya ang sinulid. Inirapan ko naman siya bago sumagot.

"Hindi." Diretsahan kong sagot na may tonong tamad na tamad sa buhay. Baka dadatnan na ako ng buwanang dalaw kaya ganito?

"May sakit ka ba? Anong nangyari sa'yo?" Bigla naman nataranta si Mishal sa sinabi ko. Agad din bumalatay ang pag-aalala sa mga mata niya at balak pa sana niyang hawakan ang noo ko ng mabilis kong tinabig ang papalapit niyang kamay.

"Tsk. Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan!" Inis kong sita sa kanya saka muli siyang inirapan. Kita ko naman na natigilan si Mishal sa pagtaas ng boses ko pero wala na akong pakialam. Kapag may iniisip o bumabagabag sa akin, mas lalong mainit ang ulo ko at gusto ko talaga ng katahimikan.

"Pasensya na, namumutla ka rin kasi kaya akala ko may sakit ka. Kung sakaling masama ang pakiramdam mo, magsabi ka lang, sasamahan kita sa pagamutan." Mahinahon na pahayag sa akin ni Mishal kahit bakas sa mga mata niya ang pagkapahiya. Lalo tuloy akong nainis dahil wala talaga ako sa wisyo ngayong araw tapos ganyan pa ang mga sasabihin niya at ekspresyon na makikita ko sa mga mata niya. Nakakairita. Pero ano bang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko talaga may mali. Malakas ang kutob ko na hindi matatapos ang araw na ito na may hindi nangyayaring hindi maganda.

"Manahimik ka na dahil hindi masama ang pakiramdam ko. Matutulog lang ako." Inis ko pa rin na pahayag sa kanya at ibinagsak ko na ang noo ko sa lamesa. Pumikit na rin ako at sinusubukang ikalma ang sistema ko pero nananatili pa rin may bumabagabag sa aking isipan.

Akmang iaangat ko na sana ang ulo ko para suminghap ng hangin ng maramdaman ko ang marahan na paghaplos ng kamay sa aking buhok. Nanatili lamang akong nakayuko at hindi nagsasalita kahit alam ko naman kung sino ito.

"Matulog ka na muna, Prinsesa Eliana. Gigisingin na lamang kita kapag tapos na ang klase. Ako na bahala kay Maestra." Mahinhin at may himig ng paninigurado na pahayag ni Mishal. Hindi na ako sumagot at ewan ko ba pero kahit iritable ako ay hinayaan ko na lamang siyang hawakan ang buhok ko hanggang sa tuluyan na rin niya itong ialis. Huwag na niya akong aartehan sa susunod dahil nakakairita talaga.

Nanatili man akong nakapikit ngunit hindi pa rin naaalis ang pagkabagabag sa aking kalooban. Siguro malapit na talaga akong datnan ng dalaw kaya ganito. Oo, iyon na lang siguro ang iisipin ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatalo ng unti-unti akong makaramdam ng pagbigat ng aking mga talukap hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

----- ●

"Hi, I'm Castiel!"

Nakangiting pakilala ng isang batang babae na may suot na pigtails sa dose anyos na Yvonne. Tiningnan lamang siya ni Yvonne saka inirapan at nagpatuloy sa paggawa ng kanyang Algebra homework.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon