KABANATA XL

16.8K 753 596
                                    

ELIANA'S POV

BUONG oras ata akong nakabusangot magmula ng ayain ako ni Aidan na maglakad-lakad. Wala naman kaming ginawang kakaina bukod sa tumingin ng mga paninda, makipag-asara sa mga tindera, at paminsa'y aayain niya ako sa butika ng mga damit at pipilitin magsukat ng mga bestida na madalas hapit sa katawan o di kaya'y nakikitaan ng labis na balat. Wala naman akong problema isuot ang mga ganoong klase ng pananamit pero syempre, hindi dapat kasama si Aidan.

"Ayaw mo ba talaga isukat ito? Kapag bagay sa'yo ililibre ko na!" Abot niya pa sa akin ng isang kulay itim na bestida na kitang-kita ang likuran at guhit sa dibdib. Blangko ko naman siyang tiningnan ngunit nakangiti pa rin siya habang iniaabot ang damit.

"Ayoko."

"Pero sayang naman! Nasisiguro kong bagay sa'yo 'to dahil---"

"Bakit hindi mo isuot? Ikaw nakaisip e." Inirapan ko pa siya bago inis na iniwan at nauna na akong lumabas ng butika.

Siguro ay nakalimang butika rin kami na pinasukan at lahat ng iyon ay may iniaabot siya sa akin na damit at lahat din ng iyon ay mariin kong tinatanggihan. Alam ko namang umiiral lang ang kamanyakan ni Aidan kaya wag niya akong niloloko.

"Oh." Kaswal na lahad niya sa akin ng isang bag na gawa sa papel. Taas-kilay ko naman itong tiningnan bago binalik sa kanyang mga mata ang aking paningin.

"Anong 'oh'?" Kunwari'y pagmamaang-maangan ko pero alam ko naman na inaabot niya ito sa akin.

"Kunin mo na at magpalit ka ng damit. Mukha kang dugyot na bata sa suot mo." Kaswal at tamad niya pa rin na pahayag sabay pasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa pero huminto ang paningin niya sa kulay tsokolateng mantsa na nasa blusa ko.

"Hindi ko kailangan iyan." Malamig kong sagot sa kanya pero napakamot lamang siya sa ulo niya na para bang nakukulitan na siya sa akin.

"Kunin mo na. Hindi mahalay ang kasuotan na iyan dahil alam ko naman na tatanggihan mo kapag ganoon ang estilo." Pagpupumilit niya pa sa akin habang ang mga mata ay kaswal at may kayabangan na nakatingin sa malayo at hindi na halos makatingin ng diretso sa mga mata ko. Nahihiya ba siya? Aba dapat lang. Iyong babaeng kasama niya kanina ang may kasalanan nito e.

"Huwag na nga." Pero syempre, hindi ako basta-basta tumatanggap ng regalo kahit na mukhang ilang ginto rin ang halaga ng inaabot niya sa akin ayon pa lamang sa pagkakabalot nito.

"Huwag na matigas ang ulo, Prinsesa Eliana. Ayoko ng may kasabay maglakad na mukhang hindi naliligo." Kinuha niya pa ang kamay ko at siya na ang kusang naglagay ng bag dito saka muling nilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

Pairap ko naman na inalis ang tingin ko sa kanya at sinilip ang laman ng bag. Kulay puting blusa rin ito na halos katulad ng suot ko. Kailan niya naman ito binilo e halos magkasama lang namam kami buong oras.

"Kaya ba pinapasok mo ako sa mga botika ng damit kanina?" Malamig na tanong ko sa kanya. Kaya pala panay butika ang pinapasok namin dahil hinahanapan niya ako ng damit. Sus. Bait-baitan pa sa akin ang mokong.

"Malamang! Niloloko lang kita pero masyado kang seryoso sa buhay at hindi ka man lang sumasakay sa mga biro ko. Para ka talagang kuya mo." May halong tonong pagsusungit niya pang pahayag sa akin dahilan para mapairap na lang ako sa kawalan. Kinumpara na naman ako sa batong iyon ano ba iyan..

"Panay mahahalay kasi inaabot mo. Kung maayos na damit ang mga iyon e di sana tinanggap ko pa." Pagtataray ko sa kanya habang ibinabalik ng maayos ang damit sa bag. Mamaya siguro magbibihis ako dahil totoong naaasiwa rin ako sa mantsa na nasa damit ko. Paminsa'y may mga napapatingin pa dito at inaakalang si Aidan ang may gawa nito. Akala siguro nila nag-away kami at binuhusan niya ako ng mantsa.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon