Kabanata XLV

15.1K 778 620
                                    

ELIANA'S POV

TULALA at napapaisip ako habang naglalakad papunta sa aking silid. Katatapos lamang ng pag-eensayo namin ni Zephyr o mas madaling sabihin, ang naging kuwentuhan namin dalawa dahil pagkatapos niyang magkuwento sa akin ng tungkol sa buhay niya ay hindi na muli kami nag-ensayo para makapagpahinga na raw ako. Wala na rin naman akong gana kalabanin siya ng mga oras na 'yon dahil lubos akong nababagabag sa mga sinasabi niya sa akin.

Hindi man niya direktang sinasabi pero pakiramdam ko ipinararamdam niya 'yon sa akin, bawat salita, bawat galaw, at bawat tingin niya sa mga mata ko ay para bang may sinasabi siya. Ay ewan ko ba! Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko dahil pinoproblema ko na rin ang mga sinasabi niya.

Matapos ang ilang oras na paglalakad habang tulala ako sa kawalan ay narating ko na rin ang aking silid. Bumungad pa ang malakas na hagulgol ni Stella na para bang namatayan siya ng Kuko. Anong meron? Gabing-gabi naman oh!

Mukhang hindi nila ako napansin dalawa dahil abala pa rin si Leandra sa paghimas ng likod ng humihikbing si Stella na may hawak na isang sulat. Ano na namang drama ng babaeng 'to? Dahil hindi nila ako parehas binati o napansin man lang ay padabog at malakas kong isinara ang pinto dahilan para mapatalon pa sila sa gulat matapos marinig 'to.

Sabay naman silang napalingon sa gawi ko at mabilis na nagpunas si Stella ng kanyang luha bago natatarantang tumayo at yumuko.

"Magandang gabi, Prinsesa Eliana. Sana naging maayos po ang araw niyo." Sabay pang pagbati nila na ikinairap ko na lang saka sumandal sa pintuan.

"Tss. Ano ba 'yang pinagkakaabalahan niyo na mas importante pa sa akin?"

Hindi naman agad nakasagot sina Leandra at Stella sa tanong ko kaya muli akong nagsalita.

"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko. Sasabihin niyo ba o hindi?" Malditang tanong ko pa sa kanila dahilan para mas lalong mapaiyak si Stella habang si Leandra naman hindi na magkandaugaga kapapatahan sa kanya. Sinabi ko magkuwento hindi umiyak! Parang mga tanga!

"Kasi po, Prinsesa Eliana...ano..."

"Anong 'ano'? Punyeta naiinip na ako."

Lalo naman bumalatay ang kaba at pagkataranta sa mukha nilang dalawa dahilan para kinakabahang magsalita na si Stella.

"Kasi po, nakipaghiwalay na po sa akin ang nobyo ko sa sulat kaya---"

"May nobyo ka?!" Hindi na natapos pa ni Stella ang sinasabi niya dahil mabilis na ako agad bumwelta ng tanong sa kanya. Pucha, may nobyo si Stella?! Paano nangyari 'yon?! Naunahan niya pa ako?!

"Opo...ano, kasi..." Hindi na niya halos matuloy pa ang sinasabi niya dahil nahihiya na siya sa akin na nakatanga lang sa kanya at gulat na gulat talaga ako sa sinabi niya.

Hindi naman sa impossibleng magkanobyo ang katulad ni Stella dahil wala man siya sa kalingkingan ng ganda ko ay may hitsura naman siya, sumablay lang talaga sa talino. Pero nagulat talaga ako na may nobyo siya! Teka, seryoso ba talaga?!

"Teka nga, ginagago niyo ba ako parehas?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanilang dalawa habang nananatiling nakasandal sa pinto at nakakrus ang mga braso.

Baka namaya ay binibiro lang nila ako para maipaalam ko na sa kanila na hindi nakakatawa.

"Hindi po, Prinsesa Eliana. Totoo po ang sinasabi ni Stella. Ito pa po ang sulat." Biglang singit pa ni Leandra sabay hablot ng sulat na nasa lamesa at inilahad sa akin. Nataranta naman si Stella dito ngunit mabilis ko rin 'to hinablot kay sa kamay ni Leandra dahilan para wala ng magawa pa si Stella at napasimangot na lang.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon