Kabanata XLVIII

13.3K 727 611
                                    

- ERYX -

LINGGO at araw ng pahinga ngunit nagtitipon ngayon sa isang silid ang mga natatanging mag-aaral ng Akademya. Nagpatawag si Eryx ng pagpupulong upang siguruhin ang proteksyon ng mga mag-aaral laban sa droga na kinakaharap na suliranin ng buong kaharian.

Hindi lang naman kasi basta titulo o basta may maipagmayabang ang pagiging parte ng listahan ng mga natatanging nilalang sa buong akademya. Ang ranggo na ito ay may kaakibat na responsibilidad at tungkulin at isa na roon ang pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa lahat ng mag-aaral. Pinipili ang mga natatanging mag-aaral ayon sa ranggo nila sa klase at para pantay-pantay ang pagpili dito, tig-isa sa bawat Kaharian ang kanilang kinukuha maliban na lang kung mayroong kakaibang rason tulad ng kaso nina Mishal.at Aidan.

Kasalukuyang nakaupo si Eryx sa gitnang bahagi ng mahabang lamesa habang ang nasa kanan niya naman ay sina Aidan katabi si Mishal, Caedmon, at Sereia habang nasa kaliwa niya sina Aonani katabi ang isang bakanteng upuan kasunod si Aspen at isa pang bakanteng upuan. Wala ngayon si Maestra Zora dahil may pagpupulong din itong pinuntahan kasama ang iba pang Maestro at Maestra patungkol sa mga parating pang aktibidad ng akademya.

Habang naghihintay sa pagdating ni Maestro at Zephyr ay abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain tulad na lamang nina Mishal at Aidan na nagbabangayan, si Caedmon na nagbabasa ng libro, si Aonani na may sinusulat na kung ano, si Sereia na nakatulala sa kawalan, si Aspen na naghahabi ng gwantes sa kamay, at si Eryx na abala sa pag-aayos ng mga papeles na kanilang pag-uusapan sa pagpupulong ng may bigla siyang maisip.

Naalala ni Eryx ang magandang balita tungkol sa mga batang nasa Elden kaya naman naisipan niya itong ibalita kay Sereia sa harap din ng kanilang mga kaibigan at karanggo. Nais niya rin kasi mapag-usapan ng grupo ang suliranin na kinakaharap ni Sereia dahil sa trauma na mayroon siya sa mga dugong bughaw na may kapangyarihan.

"Prinsesa Sereia..." Pagtawag pansin ni Eryx kay Sereia na nakataas pa ang paa sa lamesa at bagot na nakatingin sa kawalan. Bahagya pa siyang kinalabit ni Mishal para mabalik siya sa reyalidad kaya bagot na niyang nilingon si Eryx na narinig niya naman pala.

"Bakit, Eryx?" Tamad niya pang sagot.

"Iyong tungkol pala sa mga bata na nakatira ngayon sa Elden, nahanapan ko na sila ng panibagong tahanan dito lamang din sa Elior. Isa itong bakanteng lupain na maaari nilang tirhan at taniman ng mga gulay bilang kabuhayan. Maaari na silang lumipat dito sa susunod na buwan." Kaswal na pahayag sa kanya ni Eryx na nakakuha rin naman ng atensyon ng halos lahat ng nasa grupo.

"Talaga?! Maraming salamat, Eryx." Bakas sa mga mata ni Sereia ang matinding tuwa dahil sa narinig.

Iyan lang naman ang hinihintay niyang balita dahil kinakabahan din siya ngayon sa kalagayan ng mga kababaihan na ibinigay niya ang kustodiya sa konseho at kay Eryx mismo. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kaibigan ngunit hindi rin siya mapanatag hangga't hindi pa nakakakuha ng lupain at permanenteng matitirhan ang mga taga Baryo. Nabilib din siya sa bilis kumilos at kakayahan mag-ayos ng gusot ni Eryx dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ay nakakuha na agad ito ng lupain at sa mismong Elior pa kung saan limpak-limpak na ginto ang katumbas para sa isang hektaryang lupain lamang. Sa isip ni Sereia ay talagang maasahan ang kanyang kaibigan at susunod na Emperor ng Elior.

"Salamat din dahil sinabi niyo sa akin ni Prinsesa Eliana ang tungkol dito. Ikaw na lang din siguro ang bahala magbalita sa kanya kung sakali." Mahinahon na pahayag sa kanya ni Eryx dahil hanggang ngayon ay napabilib talaga siya ng dalawang dalaga sa ipinakita ng mga ito na kabutihan at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa sa kabila ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga katulad nila.

Tumango naman si Sereia rito dahil nais niya rin naman ibalita ito kay Eliana kasabay ng unang araw ng pag-eensayo nila na si Sereia na mismo ang magtuturo.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon