Kabanata LVI

12.4K 714 239
                                    

Super Belated Happy Happy Birthday kay @BeautyK28. 🎉🎉❤ Dapat para sa'yo ang last last chapter kaso nakalimutan ko huhu I'm sorry!😭😭 Para sa'yo na ang kabanatang ito, sana nakabawi ako! Maraming salamat sa suporta at pagbabasa sa RATSP! Sana hanggang dulo magkasama tayo sa kuwentong ito! God Bless you!😘❤

● _____ ●

ELIANA'S POV

MASAKIT ang ulo ko at nanunuot pa rin sa aking ilong ang amoy ng usok na nagmula sa bolang itim ni Namior kanina. Halos hindi ko na nga maalala ang buong pangyayari dahil sa sobrang bilis nito at ngayon eto ako at kagigising lamang mula sa aking bangungot.

_____

MABILIS na nangibabaw ang kaba sa aking puso habang pinagigitnaan kami ngayon ng mga tauhan ni Namior at ni Namior mismo. Wala sa amin ang naia magsalita at halos lahat kami ay nagpapakiramdaman lamang sa isa't isa. Nanatili lamang din ako nakayuko upang hindi makita ni Namior ang aking mukha na pilit niya pa rin sinisilip. Mabuti na lamang at matangkad at malapad ang likod ng estrangherong ito kaya nagagawa niya talaga akong takpan sa gawi ni Namior.

"Saktong-sakto naman ang pagdating ng mga bisita sa kuta namin kung kailan kami aalis." Nakangisi at sarkastikong pahayag ni Namior habang umuusok ang mga kamay tulad noong nakita ko dati. Katulad ng nangyari noong mga oras na iyon ay alam kong hindi na maganda ang mangyayari umalis na magpakawala ang hayop na ito ng isa na namang bolang itim.

"Ngayon lamang kita nakita, Ginoo, nandito ka ba para bumili ng Ether o parte ka rin ng mga tauhan ng bobong prinsipe ng Elior?" Sarkastiko muling pahayag ni Namior saka siya humalakhak ng malakas na sinabayan din naman ng mga tauhan niya. Umalingawngaw tuloy sa buong pasilyo ang halakhakan nila na labis na lamang nagpangiwi sa akin dahil nakakarindi ito pakinggan.

"Hindi na importante kung sino ako." Malamig na pahayag ng estranghero na nagkukubli pa rin sa akin dahilan para matahimik naman ang lahat mula sa kanilang pagkakatawa. Hindi pa siya nakuntento at inilabas pa niya ang espada na nakatago lang pala sa ilalim ng roba niya kaya naalerto silang lahat. "Mas mabuti rin siguro kung ititigil mo na ang satsat dahil mukhang malalaglag na ang panga mo." Sarkastikong saad pa ng estranghero dahilan para lalong umasim ang mukha ni Namior na puro benda at totoo nga na sinusuportahan na lang ng benda ang panga nito. Mukhang masyado ata akong nanggigil noong nilalatayan ko siya.

"Masyado ka rin maraming sinasabi!" Sigaw pa ni Namior at tulad pa ng inaasahan ko ay nagpakawala na naman ito ng itim na bola mula sa kanyang umuusok na palad. Ngunit imbes na idirekta niya ito kung saan ay sa amin niya ito binato.

Mabilis naman ang naging pagkilos ng lalaking maskara at agad niyang iwinasiwas ang kanyamg espada ngunit may kung anong berdeng usok ang lumabas dito. Sabay pa kaming nagulat ng estranghero at balak niya pa sana akong lingunin ngunit mabilis siyang napaluhod sa sahig at parang hinang-hina. Huli kong nakita ay ang nakangising mukha ni Namior at tuluyan na rin akong nawalan ng malay.

_____

SINIKAP kong pakiramdaman ang sarili ko matapos akong balikan ng ulirat. Nakatali ang bibig ko maging ang parehas kong mga kamay sa aking likuran pati mga paa ko. Nakahiga rin ako ngayon sa malamig at matigas na semento. Nasaan ako?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad bumungad sa akin ang kulungan na kinalalagyan namin. Sunod kong inilibot ang aking paningin sa paligid at nakita ko rin na nakahandusay at walang malay sa tabi ko ang estrangherong lalaki ngunit hindi tulad ko ay walang tali ang bibig niya. Bakit naman ganon?! Saglit ko pa siyang pinakatitigan upang siguruhin na humihinga pa siya at mabuti na lamang ay buhay pa ang gago. Wala akong balak manatili sa isang selds kasama ang patay na tao, ano!

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon