Kabanata XXII

19.2K 971 372
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

Ilang minuto pa kaming nag-ensayo ng sayaw bago mapag-desisyunan ni Maestra na tapusin na ang klase. Kung hindi pa siguro niya tinapos ito agad ay baka ako na mismo ang tinapos ng klaseng ito.

Bukod sa ayaw na ayaw kong isinasayaw ang sayaw na ito ay paulit-ulit naming ginawa ang parte na kung saan kinakailangan mag-dikit ng noo ang magkapareha. Inis na inis na talaga ako habang ginagawa ang mga galaw na iyon at kulang na lamang ay iuntog ko ang sarili ko kay Eryx para makaramdam lamang siya pero hindi man lamang niya iniinda.

Nang muli na naman magtama ang mga noo namin ay hindi na ako pumikit hindi tulad nang ginagawa ko kanina na panay lamang ang pikit ko dahil naaasiwa ako sa pagmumukha ni Eryx ngunit hindi ko rin inaasahan na hindi rin pala siya pipikit at diretso na lamang titingin sa mga mata ko.

Napasinghap na lamang ako ng magtama ang mga mata namin ngunit nakapagtatakang hindi siya umiwas ng tingin o lumayo lamang ng noo. Nanlalaki na lamang ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Dama ko ang biglang paghigpit ng hawak niya sa aking bewang at ang bilis ng kanyang paghinga na tumatama sa aking baba. Anong problema nito?

Nang magkahiwalay na ang aming mga noo ay ibinaba na rin niya ako. Hanggang duon lamang ang itinuro sa amin kaya sabay-sabay na silang nagpalakpakan.

Nilingon ko naman saglit si Eryx at napatakip na lamang ako ng bibig upang magpigil nang tawa dahil napansin ko ang matinding pamumula ng kanyang mga tenga. Possible bang nailang siya kanina? Marahan ko siyang nilapitan saka pumunta sa harap niya. Napakunot naman ang noo niya sa akin at masama akong tiningnan pero hindi pa rin naaalis ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ayos ka lamang ba? Namumula ang tenga mo." At nang dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang mga mata niya at inis na nag-iwas ng tingin. Hindi ko na tuloy napigilan ang muling tumawa dahil sa pang-aasar ko sa kanya.

"Tumigil ka sa panloloko Prinsesa Eliana. Hindi ako natutuwa sa mga pagbibiro mo." Inis niyang sita sa akin pero lalo ko lamang siya inasar sa pamamagitan nang muli na naman paglapit sa kanyang mukha.

"Hindi ako nagbibiro. Totoo naman kasi." Nakangisi kong pahayag saka siya tinalikuran at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanya. Nakinig na lamang ako sa mga paalala ni Maestra.

Nang tuluyang nakapagpaalam si Maestra ay wala na akong lingon na ginawa kay Eryx at dire-diretso na lamang ako naglakad palabas ngunit nagulat ako ng may biglang humawak sa siko ko.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Halos manlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang pumigil sa akin ngayon.

"Z...Zephyr?" Nagkandautal-utal pa ako sa pagbanggit ng pangalan niya. Biglaan naman siya kung makalapit! At isa pa, bakit niya ako kinakausap ngayon? Hindi ko tuloy mapigilan ang puso ko na kumabog ng malakas habang hawak niya pa rin hanggang ngayon ang aking siko.

"Hindi naman matagal ang magiging pag-uusap natin. May nais lamang akong itanong." Hindi siguro agad ako nakasagot kaya inulit niya muli ang paanyaya sa akin. Napalunok naman ako ng sarili kong laway at napatingin sa kamay niya na nakahawak sa siko ko. Napansin niya ata na nakatingin ako dito kaya agad niya rin akong binitawan. Para akong nabunutan ng tinik!

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon