Kabanata XLIX

13.5K 663 464
                                    

ELIANA'S POV

KATULAD ng madalas na ginagawa ni Zephyr magmula ng siya ay manligaw, hinatid niya rin ako sa aking dormitoryo at agad din umalis ng masigurong nakapasok na ako sa tarangkahan ni Bubba. Pero syempre, inuuto ko lang talaga siya dahil kailangan ko pang pumunta sa lugar kung saan kami madalas mag-ensayo ni Sereia. Ayoko rin kasi ipaalam sa kanya na nag-eensayo ako sa gabi bukod pa sa ensayo namin pagkatapos ng klase. Wala rin naman akong makitang dahilan kung bakit dapat ko pang sabihin kaya huwag na lang talaga.

Magmula ng makauwi ako galing Umoewin ay gabi-gabi na rin naman kami nagkikita ni Sereia para sa ipinangakong pag-eensayo niya kasama ako. Hindi ko rin naman siya hahayaang sumuway sa kasunduan namin dahil talagang gigilitan ko siya ng leeg kapag nagkataon.

Kaswal lang akong naglalakad tungo sa likod ng akademya kung saan mayroon parang bakanteng bungalow na pagmamay-ari mismo ni Sereia. Itinayo niya raw ito para sa mga kapwa niya taga-Archelaos na ang sandigan lamang ay ang pagpapalakas ng pisikal na katawan at bilis ng kilos. Ilang sandali lamang na paglalakad ay narating ko rin ang malubak ma daanan sa likod ng akademya at tanaw ko na mula sa aking puwesto ang maliit na gusali.

Kaswal lang akong naglakad tungo dito habang ang sinag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa aking dinaraanan. Makatapos ng ilang segundong pakikipagsapalaran sa bako-bakong daan ay narating ko na rin ang tapat ng kahoy na pintuan. Anim beses pa akong kumatok dito at siniguro ko talagang anim talaga iyon dahil kung hindi, mag-iinarte pa si Sereia. Iyan daw ang palatandaan na ako ang nandito at hindi kung sinong kakilala niya na bigla na lang siyang dadalawin sa gabi. Praning lang talaga siya kumbaga.

Pumameywang pa ako habang naghihintay na pagbuksan ng pinto. Dinig ko rin naman ang kalumpugan sa loob hudyat na kinakalas na ni Sereia ang sadamukal na kandado na kakabit ng pinto mula taas hanggang ibaba. Inabot na nga siya halos ng trenta segundo maikalas lamang lahat ng kandado at mapagbuksan ako ng pinto.

"Ang kupad mo talaga kahit kailan." Bagot kong bungad habang nananatili pa rin akong nakapameywang sa aking kinatatayuan.

"Matuto ka kasing maghintay." Pagmamaldita niya pa pero inirapan ko lang siya at tumuloy na lang ako sa loob.

Bumungad sa akin ang sandamak-mak na mga armas mula sa mga maliliit na patalim, balisong, itak, hanggang sa mga espada, katana, at iba pang mga armas tulad ng latigo, pana, itak, at kung anu-ano pa. Pero ang pinakanakaagaw ng pansin ko simula noong unang araw na nagsanay kami ay ang pagkakaroon ng baril ni Sereia na sa taningin ko ay iilang modelo lamang ang mayroon siya at lahat ng iyon ay pangsinaunang modelo pa talaga ng mga barili na pangdigmaan tulad ng nasa mortal na mga mundo noon.

Ang sabi niya pa sa akin ay mahigpit na mahigpit daw talaga itong ipinagbabawal sa kahit anong kaharian maliban sa Archelaos kaya naman tinatago lamang ito ni Sereia para sa pansariling proteksyon. Tinanong ko naman ang dahilan kung bakit ito bawal at ang sabi niya ay masyado raw makapangyarihan ang armas na ito at may kakayahan pumatay ng isang aristokratong may kapangyarihan o maging banta sa monarkiya kaya hangga't maaari ay sa Archelaos na lang daw ito gamitin dahil wala naman kapangyarihan ang mga tao doon.

Isa lang naman ang naiintindihan ko sa paliwanag ni Sereia at iyon ay dahil duwag ang mga taga-Elior at hindi nila matatanggap na magagawa silang matalo o mapatay ng mga taga-Archelaos dahil sa simpleng armas na ito na isang bala lang ang kapalit para sa isang buhay.

"Hihimasin mo na lang ba iyang baril ko o magsisimula na tayo? Naiinip na ako."

Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ang nagtataray na tinig ni Sereia na dala na pala ang kanyang katana at hinahasa na ito. Bigla rin akong napabitaw sa baril na hinihimas ko nga dahil kating-kati na talaga ako gamitin ito o ikasa man lang. Pero syempre, pinigilan ko pa rin ang sarili ko at mataray na lang din siyang nilingon.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon