Kabanata LIII

11.3K 686 200
                                    

- ERYX -

PATAPOS na halos si Eryx sa pagsusuot ng kanyang maskara nang makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan.

"Pasok..." Malumanay niyang utos habang inaayos pa rin niya ang maskara sa kanyang mukha.

"Naihatid ko na po si Prinsesa Aonani sa kanyang dormitoryo, Prinsipe Eryx." Magalang na bungad ni Estevan pagkabukas pa lamang niya ng pinto.

"Salamat. Kumusta naman?" Makahulugang tanong ni Eryx habang diretso ang tingin sa mga mata ni Estevan. Bigla naman namula ang binata dahil dito.

"Ayos lang, mahal na prinsipe. Hindi naman ako halos kinakausap ni Prinsesa Aonani dahil masama pa rin daw ang loob niya sa'yo." May himig ng lungkot at pagkadismaya na pahayag ni Estevan dahilan para mapabuntong hininga na lang si Eryx.

Inaya kasi siya ni Aonani na mag-aral ngayomg gabi bilang paghahanda sa kanilang darating na mga pagsusulit. Hindi naman pumayag dito si Eryx at matagal ng inabisuhan ang kababata na abala talaga siya at hindi niya ito mapaglalaanan ng oras. Dahil dito ay nagtampo si Aonani at masama ang loob na umalis na lamang. Pinasundan naman niya ito kay Estevan upang ihatid sa dormitoryo.

"Babawi na lang siguro ako. Sinabi ko na rin kasi sa kanya noong nakaraan na hindi kami makakapag-aral ng sabay dahil abala rin ako sa operasyon para sa Ether." Mahinahong paliwanag niya pa habang inaayos na niya ang kanyang guwantes sa kamay.

"Kailangan mo ba talagang personal na tingnan kung nandoon na ang pinuno ng sindikato, mahal na prinsipe? Hindi po ba delikado ang gagawin mo?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Estevan kahit na palagi naman sumusuong si Eryx sa mga delikadong sitwasyon. Pero dahil matalik niya rin itong kaibigan ay hindi maaalis sa kanya ang pag-aalalang nararamdaman para sa amo at palagi niya pa rin ito pinaaalalahanan.

"Sanay na ako dito, Estevan. At isa pa, nahihirapan din makalapit ang mga tauhan natin sa Bar dahil mas lalo raw naging maingat ang kanang kamay ni Orryn. Nagpakalat pa raw ito ng mga tauhan sa paligid. Kailangan kong kahit paano makakalap ng impormasyon sa abot din ng aking makakaya." Napatiim bagang na lamang si Eryx matapos isalaysay ang nakalap na impormasyon mula sa kanyang mga kawal na pinakalat sa palibot ng bar.

Nahihirapan na raw ang mga ito makalapit ng todo dahil marami na rin ang mga nakamatyag at nagbabantay sa buong paligid at lahat ng kahina-hinalang tao ay agad nilang pinupuntirya at dinadakip. Lubos na nabahala si Eryx dito lalo pa at nalalapit na talaga ang paglusob nila sa kuta ng mga sindikato. Tanging hinihintay na lamang nila ay ang pagbabalik ng pinuno ng mga ito na si Orryn na kinakailangan nilang dakpin dahil ito raw ang may pangunahing koneksyon sa mga taga-Maura.

"Kung ganoon ay mas delikado nga talaga ito, mahal na prinsipe! Bakit hindi niyo na lang hayaan na ako ang gumawa nito para---"

"Hindi na, Estevan, alam kong pagod ka rin sa pag-angkat ng mga bomba at armas mula Archelaos kaya kailangan mo rin magpahinga." Paninigurado sa kanya ni Eryx dahilan para wala ng iba pang magawa ang binata kundi ang tumango-tango na lang. Alam naman ni Estevan na hindi magpapapigil sa kanya ang prinsipe kahit ano pang pamimilit ang gawin niya.

"Basta mag-iingat ka, mahal na prinsipe. Kung kailangan mo ng tulong, alam mo naman po ang gagawin di ba?" Makahulugang pahayag pa nito na sinagot naman agad ni Eryx ng isang marahang tango.

"Oo. Salamat, magpahinga ka na rin. Babalik din ako mamayang gabi." Mahinahon na pahayag pa ng binata saka marahang tinapik ang balikat ni Estevan at dire-diretso ng naglakad paalis.

●_____●

- ELIANA -

NANATILI lamang tahimik ang dalaga habang masama pa rin itong nakikipagtitigan sa lalaking nakamaskara na nagdidiin pa rin sa kanya sa pader. Blangko ang isip ni Eliana at nanginginig ang kanyang kalamnan para sugurin ang mga kalalakihan na kanina niya pa binabalak laslasan ng leeg matapos marinig at unti-unti niyang makumpirma na may kinalaman nga ang mga ito sa pagkawala ni Stella at nagbibigay pa ng samu't saring mga komento na lubos talagang nagpakulo ng kanyang dugo.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon