Kabanata VIII

24.3K 1K 120
                                    

ELIANA'S POV

"Wag ka na sumimangot dyan, Eliana. Mapagbiro lang talaga si Mang Pacito." Pang-aalo sa akin ni Abe pero inirapan ko lamang siya.

Hindi ko pa rin kinikibo siya kahit kanina niya pa pinapalubag ang loob ko. Magmula kasi ng makaalis kami sa tindahan ng mga armas na iyon ay nawala na ako sa wisyo at gusto ko na lamang sampalin ang matandang iyon.

"Tingin mo ba biro yung mga sinabi niya?" Inis kong tanong sa kanya habang pinanlilisikan ng tingin si Abe dahil natatawa pa rin siya sa naging kaganapan kanina.

Dalawang kahilingan kasi ang ipinakiusap niya sa akin. Una ay ang itrato si Abraham ng maayos at puno ng pagmamahal bilang kaibigan. Huwag ko rin daw sisirain ang tiwala nito at pakaingatan ko ang kanyang puso.

"Hindi naman masama ang mga kahilingan ni Mang Pacito ah?" Natatawang sambit ni Abe kaya siniko ko siya sa sobrang inis dahilan para mapainda siya sa sakit ng pagkakasiko ko.

Pero hindi pa rin ito nakatulong dahil tawa pa rin siya ng tawa. Ang ikalawang kahilingan niya kasi ay ang lubusang nagpa-init ng ulo ko.

"Bastos na matanda." Gigil kong bulong habang inaalala pa ang mga sinabi niya. 'Nais kong maging modelo ka ng mga armas at sandata ko. Ipipinta ka ng aking kakilala ng walang saplot at nakahiga sa mga arnas ko. Maganda ka naman binibini kaya sigurado akong lalong mabebenta ang aking mga armas kapag nakita ang kagandahan mo na ineendorso ito.' Kulang na lang ay itarak ko sa bunbunan niya ang patalim na hawak ko dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay nabastos ako sa sinabi niya. Hindi rin nakatulong si Abraham dahil mukhang sinasakyan niya pa ang kakulitan ng matandang iyon. Kung hindi nga lang iyon uugod ugod ay baka sinipa ko na sa mukha iyon. Mabuti na lamang at ibinigay niya rin sa akin ang patalim kahit na pinagtripan muna niya ako na nagpakulo talaga ng dugo ko. Iyon na ba ang kapalit ng isang libre at kinakalawang na patalim?

"Oh sige na, medyo nakakabastos nga lang yung pangalawa niyang kahilingan. Pero mabait talaga iyon si Mang Pacito at sobrang mapagbiro. Malay mo naman hindi ka talaga nakahubad na ipipinta kaya ayaw mo bang pag-isipan ang alok niya."

Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ang nakakapantig tengang pahayag ni Abraham. Seryoso ba siya? Marahas ko siyang hinarap saka kinurot ang isang pisngi niya dahil sa sobrang inis ko. Malakas naman siyang dumaing sa akin.

"Ah! Aray ko Eliana! Biro lang naman eh!" Bagama't nasasaktan ay bakas pa rin sa mukha niya ang tuwa dahil sa ginagawa kong paghawak at pagkausap sa kanya. Inirapan ko naman siya.

"Parehas kayo ng matandang iyon, Manyak at bastos! Magsama nga kayong dalawa! Buwisit!" Inis kong sita sa kanya saka binitawan na ang pisngi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Tingnan mo itong lalaking ito! Akala ko pa naman ay mabait at maginoo pero may tinatago rin palang kapilyuhan. Ugh!

"Wag ka na magalit, Eliana! Titigil na ako! Pangako!" Natatawang pahayag ni Abe.

Hinabol niya pa ako para masabayan maglakad pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay isang umaatikabong irap ang natanggap niya sa akin saka mas binilisan pa ang lakad ko.

Ilang minuto pa kaming naglakad pabalik sa palasyo. Iginigiya ako ni Abraham tungo sa hindi gaanong kilalang lagusan at medyo tago na magtutungo agad sa bintana ng balkonahe ng aking silid. Naikuwento ko kasi sa kanya ang ginawang pagkulong sa akin ng aking ama at ang paghahatol ng hindi makatarungan na desisyon. Noong una ay pinagsabihan niya ako na masama ang ginawa kong pagtakas pero pinaliwanag ko naman sa kanya na hindi ko na talaga kayang manatili sa aking silid nang walang ibang ginagawa kundi ang magbasa at tumitig sa kawalan. Medyo kinaawaan niya naman ako sa sitwasyon ko kaya pumayag na siya sa akin na ihatid ako sa aking balkonahe para ligtas akong makabalik sa aking silid nang hindi nahuhuli.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon