Kabanata X

24.2K 1K 543
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

"Ayokong sumama sa akademya na iyon!" Pabato kong inilagay ang isang damit sa malaking bag na dadalhin nina Leandra at Stella.

Kasalukuyan kami ngayong nag-iimpake para sa maaga kong pag-alis kinabukasan tungo sa Akademia La Mageia. At labag na labag talaga sa kalooban ko iyon kahit na halos patapos na rin sina Leandra at Stella sa pag-iimpake ng mga dadalhin kong damit.

"Pero mahal na prinsesa Eliana, wala ka na pong magagawa pagka't ang hari na rin po mismo ang nagdesisyon dito. Nais niyo na naman po ba suwayin ang iyong ama?" Malungkot na tanong sa akin ni Leandra na ikinaismid ko na lang.

Kasama ko rin sina Leandra at Stella bukas kaya hinahayaan ko silang mag-impake ng mga gamit ko pagka't wala talaga akong balak na ligpitin ang mga iyan dahil ayoko talagang sumama sa lintek na akademyang iyon.

"Oo, bakit? Kung puwede ko nga lang suwayin muli ang hari na iyon ay gagawin ko." Mataray kong sagot sa kanya.

Kaso bakit nga ba hindi ko masuway? Kasi kasabwat na ang pesteng Maestro. Ang sabi sa akin ng hari ay gustuhin niya man daw tumanggi ay hindi niya maaaring suwayin ang Maestro. Masusunod lahat ng iniutos ng matandang iyon kahit hari pa ang tumanggi. Ano ba kasi ang meron sa matandang iyon?

"Mahal na prinsesa..." Napalingon naman ako kay Stella nang bigla niya akong tawagin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay saka hinintay ang sasabihin niya. Ano na naman ang kailangan nito?

"Maraming salamat po." Magalang niyang sagot saka sila sabay na yumuko ni Leandra.

Nagmaang-maangan naman ako kunwari kaya kinunot ko ang noo ko saka sila mataray na tinanong.

"Para saan?" Kunwari'y pagtataray ko pero alam ko naman talaga ang dahilan.

Hindi lang ako sanay maging bait-baitan sa mga muchacha ko kaya dinadaan ko na lang sa ganyan. Nagkatinginan naman sina Stella at Leandra bago si Leandra na mismo ang nag-salita.

"Pinagtanggol mo po kami kanina, mahal na prinsesa. Kahit na halos ibuwis mo na ang buhay mo at kalabanin ang pamilya mo mailigtas mo lamang kami. Kaya maraming salamat po talaga prinsesa Eliana, tanaw po namin ang isang malaking utang na loob sa inyo." Muli silang yumuko sa akin pero inismiran ko na lang sila at naglakad tungo sa bintana.

Alam naman nila ang ibig sabihin ng pag-ismid ko kaya ngumiti sila ng bahagya saka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit namin. Wala naman talaga akong pakialam sa buhay nina Leandra at Stella pero dahil nasa pangangalaga ko sila ay hindi ko hahayaang sa palad ko mismo dumanak ang dugo ng dalawang iyon.

At isa pa, nangako ako sa kanila na hindi sila madadamay sa mga kalokohan ko ngunit may parte duon na nabigo ako dahil nagtamo sila ng ilang pasa at galos sa mukha at katawan. Naikuyom ko tuloy ang aking palad nang maalala ang mga eksena kanina. Gustong-gusto kong patamaan ng patalim ang nakakaasar na mukha ni Sunniva at gusto kong burahin ang nakakabuwisit na ngiti nina Orianna, Neola, at Caitrionna. Pasalamat lamang sila at hindi ko pa hahayaang maparusahan ang aking sarili ng kamatayan kaya hindi ko pa ginalaw ang kabasag-basag nilang pagmumukha.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon