Kabanata XVIII

24K 1.1K 524
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

Tahimik lamang akong naglalakad sa likod nina Maestro at Cainon habang patungo kami sa kuwadra ng mga Centaur. Isa na namang kakaibang nilalang na makikilala ko sa mundong ito.

Magmula kasi nang ipaliwanag niya sa akin ang sitwasyon ni Cainon na hindi pala nakapagsasalita ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

Pero kahit pumayag na ako ay hindi ko pa rin maisip kung bakit nga ba magiging unang pagsasanay ko ito sa kamay ni Maestro? Sa totoo lamang ay ang akala kong una kong magiging pagsubok sa kanya ay ang katulad ng mga ginagawa sa mga sundalo na matinding pagsasanay ngunit nagkamali ako. Sa tingin ko pa nga ay iniisahan lamang ako ni Maestro para may kasama itong si Cainon mamili.

Nang marating namin ang may kalakihang kuwadra ay nagkalat ang mga kabayong kalahating tao ang pangangatawan. Tao ang kanilang itaas na bahagi ng katawan at kabayo naman ang ibaba. Gusto ko na ngang magtatakbo palayo dahil sa sobrang paninibago na naman sa mga nakikita ko pero pinanatili kong kalmado ang sarili ko lalo na ngayong nakatingin halos lahat ng Centaur sa amin nina Maestro.

"Dito talaga kami sasakay? Wala bang Athenatoi dito o di kaya yung leon na sinakyan mo noong nakaraan?" Mataray kong bulong sa kanya habang sinasadya ko talagang hinaan ang boses ko dahil baka marinig ng mga nilalang sa paligid.

Ayon kasi sa narinig kong dahilan sa kanya kanina kung bakit kami magtutungo dito ay ito raw ang gagamitin naming transportasyon sa pagpunta sa bayan. May kalayuan daw kasi ito mula sa akademya kaya ito ang naging suhestyon ni Maestro. Isa pa sa dahilan ay babae ako at mahigpit talagang ipinagbabawal dito ang pagsakay sa Athenatoi o di kaya'y sa Chepirah sa mga katulad ko.

Nainis nga ako ng bahagya sa panibago na namang diskriminasyon sa mundong ito. Porke't babae talaga ay hindi nila hinahayaang makaranas ng mga malalakas at mahiwagang bagay. Ibig sabihin din ba ay nilalakad ng mga kababaihan mula sa akademya ang bayan?! Grabe talaga!

"Eliana, huwag mong maliitin ang mga Centaur. Kahit wala silang mga pakpak ay singtulin naman sila ng isang mabangis na Athenatoi kung tumakbo. At isa pa, mababait sila!" Natawa pa si Maestro habang nagpapaliwanag pero napangiwi naman ako.

May mga Centaur na kalalakihan pa kasing kinikindatan ako o di kaya'y sisitsitan ako. Grabe, hindi sila nagkalayo sa mga kalalakihan sa mundo ko noon. Ang sarap tusukin ng mga mata at sungalngalin ng mga nguso.

Naglakad pa kami ng konti tungo sa isang babaeng Centaur na may hawak na pana.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon