Chapter II

10.7K 265 7
                                    

Jennie's POV

Naglalakad ako papuntang classroom namin ng may tumawag sakin.

"JENNIE!" Napalingon ako para makita kung sino. Si Irene pala.

"Hey, Irene! Good morning." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Magkaibigan kami simula bata pa kami dahil magkapitbahay lang naman kami. Kaso, mansyon ang bahay nila samantalang kabit-kabit na flywood lang yung samin.

"Have you eaten your breakfast, Bae?" Tanong niya saka sumabay maglakad sa amin. Although, hindi kami magkaklase dahil magkaiba kami ng section. Section A ako, section B naman siya.

"Not yet. Kailangan ko pa kasing ipasa to." Sabay pakita nung folder na hawak ko saka ako nag-sad face sa kanya.

Tumawa siya ng mahina saka ako inakbayan. "Well, my beloved best friend, you're not entering your room unless you will have a breakfast with me at the cafeteria right now." Napatawa nalang ako.

Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan si Irene eh. Dahil karamihan ng mga mayayaman sa lugar namin at sa school na to, puro matapobre. Kailangan kalevel nila yung kakaibiganin nila. Thank God, Irene isn't one of them.

Irene is actually the campus crush. She's so perfect! Beautiful, rich, intelligent, kind and has a loving slash supportive family. Nasa kanya na ang lahat. And to think na in a relationship din siya ngayon at sobrang saya nila together. I'm so beyond happy for my best friend :) she deserves it.

"As if I have a choice, Bae." Natawa nalang kaming dalawa. We're always like this. Alam kong alam niya na nagtitipid ako kaya hindi ako kumakain ng umagahan at kahit tanghalian.

Wala nang halos kumakain sa karinderya na pag-aari namin. Nalulugi na to. Hindi rin naman sapat ang kita ni Papa sa isang buwan para sa amin. Apat kaming magkakapatid at lahat kami nag-aaral. Ako at si Nayeon ay sabay na nag-aaral ng college. Samantalang sabay naman sa highschool sina Chaeyoung at Tzuyu.

Sa edad kong 20, naranasan ko nang magtrabaho. Dahil ako ang panganay, kailangan magtrabaho. Hindi naman full-time dahil nag-aaral ako. Scholar din naman ako katulad ng mga kapatid ko. Malaking tulong yon para sa magulang namin.

Sa ngayon, pinahinto muna ako ni Mama sa pagtatrabaho dahil masyado na raw akong nahihirapan. Tumanggi ako nung una pero napapayag din naman nila ko.

- - -

"Bae, bakit hindi ka nalang sumabay kumain sa girlfriend mo?" Tanong ko kay Irene na ngayon ay kumakain na.

Bae is our endearment. Kahit surname niya yon. Hehe~

Nandito na kami sa cafeteria ngayon. Madalas kasi ay lalabas pa ng campus yan para puntahan yung girlfriend niya sa kabilang school para magsabay silang kumain.

"She has a class right now and besides, you're not going to eat if I didn't force you to." Thankful talaga ako dahil nakatagpo ako ng kaibigang katulad niya :) and yep, she's a lesbian. She has a girlfriend from YG University, the next University near our University which is JYP University. Her name is Seulgi Kang.

"Aw. Sweet naman ng Bebe Irene ko." Tinignan niya ko na parang nandidiri every time na tinatawag ko siyang Bebe. Yun kasi ang tawag sa kanya ng mga nagkakagusto sa kanya rito sa campus. I laughed hard.

"Stop calling me that. Aish!" Iritableng sagot niya pero tinawanan ko lang.

"By the way, Bae. Aren't you tired of being a consistent honor student? I mean, it's so hard to achieve the expectations of those people around you. Especially, your professors." She rolled her eyes. Sobrang naiirita talaga si Irene sa mga professors ko. Lalo na roon sa isa.

Yep, hindi man ako pinepressure ng parents ko about my studies, yung mga professors ko naman ang gumagawa. Simula nung nalaman nila na consistent honor student ako since elementary, lagi na nilang sinasabi na mataas ang expectations nila sakin every time na sumasali kami ng mga contest or quiz bees. And luckily, napapanalo ko naman.

I smiled at her, "Of course, it's hard, Bae. Pero hindi ko naman pwedeng baliwalain yon. Remember, nakasalalay dito ang scholarship ko."

She irritably let out a sighed.

"Why? Because of that Professor?" She's talking about Mr. Kai. He's the son of the owner of this school. The one who gave me the scholarship.

"Come on, Bae! You know he has a thing on you. That's why he's that kind to you." She continued.

We're always arguing about this matter. Ayaw kasi talaga ni Irene sa kanya. Mr. Kai isn't that old. He is 25 years old. A good looking guy. But some says he's a player. Playboy.

"Don't worry, Bae. I know that. And besides, kailangan ko munang magfocus sa studies ko." And I don't want to have a commitment yet. Though, I'm not saying na bet ko rin siya dahil bawal ang teacher-student relationship. Kahit naman pwede yon hindi ko rin naman papatulan yon. Duh! Babae rin naman ang gusto ko. Hehez ~

- - - -

"Good day to my two lovely baes!" That's Sana. My best friend too.

Napatawa nalang kami ni Irene dahil sa energy ni Sana. She's the same year as us, classmate siya ni Irene. At tulad ni Irene, Sana is in a relationship with Dahyun na kaibigan naman ni Seulgi.

Sana came from an average family. Yung tipong may kaya sa buhay. She's the only child kaya spoiled yan.

"Taas ng energy nanaman natin ngayon ah?" Natatawang bati ko sa kanya.

Sumabay siyang maglakad sakin pagkatapos niyang ikawit yung mga braso niya sa magkabilang braso namin ni Irene.

"Well, magkikita kasi kami ngayon ng baby dubu ko." She flashed her brightest smile at saka parang kinikiliti na tumawa.

I laughed softly. "Aish. Landi talaga nito." Pabirong sabi ko.

"At least sa kanya lang ako malandi." Sabay sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Sana.

"Anyway, bakit di nalang kaya kayo sumama sakin? Since wala naman kayong gagawin for sure." Sana offered.

Ayan nanaman. Nakakaamoy na ko na magiging third wheel nanaman ako.

"That's a great idea, Bae! I missed my Kang too." Irene pouted na kinatawa lang naman ni Sana.

Tumingin sila sakin. "Kayo nalang—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng kontrahin na ko nina Irene at Sana.

"Hep! Alam ko na yan. Tatanggi ka nanaman." Pigil ni Sana.

Umikot naman si Irene sa kaliwa ko kaya ngayon, ako ang nakagitna sa kanilang dalawa. "Come on, girl! Loosen up! You should hang out sometimes, too. Hindi yung puro school-house lang ang destination mo everyday." Well, she's right.

I sighed and gave a faint smile. "Alam niyo naman na wala akong panahon sa hang out-hang out na yan. I'd rather help my mother sa karinderya." Paliwanag ko.

Alam ko naman na gusto lang nila akong maglibang since hindi na ko madalas nakakasama pag may hang out kaming tatlo. Mas kailangan ni Mama ng tulong ngayon. Lalo na sa palugi naming business.

"We wouldn't take no for an answer, Bae. I'm sure, Tito and Tita would love to see you happy and enjoying yourself as well." Irene said as she stopped from walking and faced me.

Huminto rin si Sana at humarap sa akin. "Promise, tutulungan namin kayo sa karinderya bukas since maaga lang naman ang uwian natin. Please, Bae?" Sana showed up her puppy eyes and pleaded na ginaya naman ni Irene.

I laughed softly dahil sa kalokohan nung dalawang to. "Fine." I said in defeat na pinagbunyi naman nung dalawa.

- - -

"Okay, so... see you later girls." I bid my goodbye since nasa tapat na kami ng room namin. Nasa kabilang kwarto naman ang room nila.

"Alright! Just wait for us here, okay?" I nodded and smiled at them.

Only You ✔️Where stories live. Discover now