Prolouge

474 14 3
                                    

DEIN'S POV

Naglalakad ako ngayon sa pavement ng pinaka prestihiyosong paaralan sa mundo, ang MASSAKI UNIVERSITY.

Totoo ngang napaka laki nitong paaralan na ito! Napakalawak ng open space, sa tingin ko ay mas malawak pa ito sa soccer field!

Ilang napakalaking hakbang sa tapat ko ay ang napakalaking building ng paaralan namin.

Nalulula ako sa pagtingin palang sa paaralang papasukan ko, paano pa kaya kung makapasok na ako...

Bukod doon, napapatingin din ako sa iba't ibang uri ng estudyante, may normal ang itsura, may iba ang kulay ng katawan, may kakaiba ang itsura at marami pang iba...

Muntik na akong matumba nung may bumangga sa akin. Tinignan ko sya at nag dire-diretso lang sya habang nakasakbit sa isang balikat nya ang bag nya.

Ang astig nyang maglakad, halatang hindi sya kayang patumbahin agad... Ano kaya ang magic nya? Cool rin ba ito kagaya ng sa iba?

Napatungo na lang ako at sinimulan nang maglakad.

Simula nung bata pa ako naiinggit na ako sa mga kasabayan kong may cool na magic. Buti pa sila, nagagamit yung magic nila sa pakikipaglaban. Gusto ko kasing maging sundalo, gusto kong makipaglaban pero yung magic ko... Parang mas bagay sa basurahan...

Ang magic ko kasi ay mind reading. Kaya kong basahin ang nasa isip ng bawat tao basta't nakatitig ako sa mata nila. Hindi ko naman 'yon magagamit sa pakikipaglaban... Pero kahit ganon, tinuloy ko parin ang kursong military.

Ang mga kurso dito sa paaralang ito ay iba sa mga kurso sa pangkaraniwang paaralan. Ganon din ang paraan ng pagtuturo... At ang mga nakakapasok lang dito ay ang mga may magic at makapangyarihan.... Dahil sa ito ang pinaka prestihiyoso at sikat sa buong mundo, hindi ka magkakaroon ng pag-asang makapasok kung wala kang magic at wala kang pera...

Kakaiba rin ang paraan nila ng pagtuturo dito...

Kapag dito ka galing, sure na ang future mo, dahil ang mga estudyanteng dito galing ay tanggap agad sa kahit na anong pasukan mong trabaho kahit na ikaw pa ang pinakakulelat dito sa school matatanggap ka sa kahit na anong trabaho ang gustuhin mo.

Ginawa ang paaralang ito upang hasain ang mga kakayahan namin at magamit sa pag-papaunlad ng bansa... Kaya sa mundong ito, kami ang tunay na pag-asa ng bayan... kami ang magpapabago sa mundo... Ang dating mundo na malapit nang gumuho, ngayon ay nababalik na ang sigla... Dahil sa aming mga magicians...

kaya masasabing maswerte nga kaming mga nakakapasok dito...

Ako si Dein Utsushimi... Mind reader, 18 years old, born on December 8, 19** at isang Japanese...

Huminga ako ng malalim bago itinaas ang noo at naglakad ng buong tapang

Japanese ako pero dito ako lumaki sa Pilipinas, kung saan nakatayo ang pinaka prestihiyosong paaralan sa buong mundo. Hindi dapat ako kabahan ng ganito!!

Kaya mo yan Dein! Magiging sundalo ka!

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now