37: night sky

24 1 0
                                    

Neil's POV

Nakasalubong namin si Kim at Colleen na nagtataka ang mukha. Tapos ay parang kinakabahan din sila dahil makakasalubong nila si Ken.

Haay nako, Sino ba naman ang hindi matatakot kay Ken? Kahit ako nga minsan takot rin sa kanya, para kasi syang dragon na kayang magbuga ng apoy at kaya kang tustahin kapag hindi ka nagustuhan....

Nginitian ko silang dalawa, gusto ko sana silang samahan pero mas okay na kausapin ko si Ken ngayon. Beast mode na naman kasi...

Nung makalagpas kami sa kanila ay agad akong tumabi kay Ken... Nasa likod nya kasi ako kanina.

"Bro, bakit mo naman ginawa yon kay Dein? Ang tamis pa naman ng ngiti nya" Sabi ko kaya tinignan nya ako ng masama.

Napabuntong hininga sya kaya alam kong magsasalita na sya.

"I feel embarrassed" Sabi nya at nag-iwas ng tingin

Natawa ako sa palusot nya

"You know me. I hate it when someone saves me... I only need myself. I don't need anyone especially their help. That's why I'm embarrassed because a girl like her saved me" Sabi nya

"Ganon ka pala mahiya? Manung mag thank you ka na lang eh... At hindi halatang napapahiya ka" Sabi ko

"I feel tensed! I don't know what to do... Kaya ayun na lang ang ginawa ko... And also, my heart beats rapidly nung nginitian nya ako ng ganon... Para akong matutunaw" Sabi nya

"Ano sa tingin mo ang nararamdaman nya ngayon? Bro, you need to talk to her... Malamang nasaktan sya" Sabi ko para matauhan sya

Sandali syang natigilan pero agad ring naglakad at nauna na sa akin.

Napaka attitude talaga nitong lalaking 'to... Sya lang ang kilala kong lalaking tinotoyo. Kala mo naman chix...

Buti na lang hindi mind reading ang magic nya, dahil alam kong patay ako sa kanya kapag nabasa nya ang isip ko...

DEIN'S POV

Dinner na ngayon at magkakasama kaming 11 sa isang mahabang mesa habang kumakain. Wala akong gana pero pinipilit kong kumain. Pagkatapos nung nangyari kanina nawalan na ako ng gana sa lahat.

Imaginine mo yon, nag-ipon ka ng lakas ng loob, muntik ka pang atakihin sa sobrang kaba, tapos nanginginig na yung mga binti mo pero ganon pala yung mangyayari...

Edi sana hindi ko na lang ginawa yon... Ang sakit kasi eh...

Heto na naman kami sa walang pansinan... Nakakapagod na, ayoko na, pero kahit ganon hindi ko alam kung bakit sya parin ang gusto ko. Handa akong intindihin sya sa lahat ng oras. Sya lang ang gusto ko.

Good thing hindi sya ang katapat ko. Si Lei kasi ang katapat ko ngayon, magkatabi sila ni Corbyn at katabi naman ni Corbyn si Lester..

Si Lester yung kaklase naming introvert, hindi sya masyadong nakikipag socialize pero palagi naman syang kinakausap ni Corbyn at Lei.

Nagulat ako nung biglang mag stretch ng braso si Lei para maabot yung gusto nyang ulam.

"Mukhang busy kayo eh... Ako na mag-a adjust" Sabi nya na binalewala nilang lahat

"Lester paabot naman ako nung paminta, lalagay ko lang dito" Sabi naman ni Corbyn

"I can't" Sabi ni Lester

"Kaya mo yan magnet ka naman eh..." Sabi ni Corbyn at sinumulang kapkapan si Lester

Nagulat pa si Lester sa ginawa nya...

Massaki University Series#1: school for magicNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ