4: solve the case

116 2 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito kami sa training area at pumasok kami sa isang kwarto kung saan may pekeng krimen ang nangyari..

"Kailangan nyong i-solve ang kaso at kailangan nyong alamin kung sino ang may sala" Sabi ni sir

Simula kanina hindi pa nya ako tinapunan ng tingin. Naalala ko yung ginawa ni sir kahapon... Kung umasta sya ngayon, parang walang nangyari...

Napag-alaman ko na ang magic pala ni sir Williams ay black dragon. Kaya pala may pakpak sya at bumubuga ng apoy...

"Mahahati kayo sa dalawang grupo, ang unang makasolve ng kaso ang panalo at may dagdag na points sa activity"

Napatango kami sa sinabi ni sir. Tinignan ko ang lahat ng kaklase ko. Lahat sila walang alam na may tinatago itong si sir... Lahat sila ay inosente at walang alam...

"First group will be, Lewis, Shigaraki, Kaminari, Samson, Morgan, Hernandez, Choi and Utsushimi" Sabi ni sir

Kung ganon ka grupo ko ang magagaling sa amin, si Ivan, si Dianne, si Neil, ang leader ng klase na si Jin at ka-grupo ko rin ang dalawa kong kaibigan pero mukhang minalas ako sa Isa kong ka-grupo, si Ken...

Nagtipon tipon na kaming magkakagrupo

"And the rest of you will be the second group" Sabi ni sir at naglakad sa pagitan naming dalawang grupo

"You can start now" Sabi ni sir

"What?! We don't even know what crime has happened!" Reklamo ko

"You wouldn't be great if you'll just complain there! All we have to do is do our best and show him that we can do things without his guide!!!" Sigaw sa akin ni Ken

Nagsisimula na akong mainis sa kanya, palagi na lang syang nagagalit sa akin... Nakakapuro na sya!!!

"Magsimula na tayo, tignan mo sila" Sabi ni Ivan at itinuro ang kalabang grupo na nagsisimula nang mag-imbestiga

"This is all Dein's fault!!! She's acting immature!!" Sabi ni Ken at naglakad na papunta sa krimen

Padabog akong sumunod sa kanya. Kunyaring Cafe ang pinangyarihan ng krimen. Sa kabilang grupo ay ganito din ang scenario, pareho lang ng sa amin at paunahan kaming mag-iimbestiga

Nakita kong may nakahandusay na bangkay sa sahig at may dugo sa ulo nya. 

Acting lang ito at may mga gumaganap na tao.. kunyari sila ang nasa krimen

"Tignan nyo 'to guys!" Sigaw ni Kim at tinuro ang lamesa sa tapat ng ulo ng nakahandusay na bangkay

Lumapit si Ivan at tinignan mabuti ang corner ng lamesa

"May dugo... Ibig sabihin, tumama ang ulo ng biktima dito" Sabi ni Ivan

"May balat din ng saging dito oh" Sabi naman ni Colleen na nakaturo sa may paanan ng bangkay

May balat nga ng saging...

"Posible kayang naaksidente lang sya at wala talagang krimen dito?" Tanong ni Neil

"Of course not you idiot!!" Napatingin kami kay Ken na  nakatayo sa tapat ko, sa pagitan namin ay ang nakahandusay na bangkay

"Look, lahat ng lamesa dito ay naka-ayos, bukod don sa lamesang 'yon" turo nya sa lamesang may bakas ng dugo

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now