22: exam

36 1 0
                                    

DEIN'S POV

Ngayon ang unang araw ng exam. Nakaupo na kaming lahat sa kanya kanyang upuan at nagsisimula nang ipamigay ni sir ang test questionnaires...

"You may start answering now, good luck" Sabi ni sir at naupo sa unahan habang binabantayan kami

Huminga ako ng malalim.... Ito na 'to.... Sana lang makapasa kaming lahat sa exam....

Sinimulan ko nang sagutan ang test... Tahimik ang lahat at seryosong nagsasagot... Nakapagreview naman na ako kaya hindi na ito masyadong mahirap sa akin...

"Haaaayyy!!!!! Salamat nakaraos na rin!!" Sabi ni Kim habang nag-uunat unat pa

"Grabe parang dudugo na ang utak ko... Pagsunudin ba naman yung bio at math!" Sabi naman ni Colleen at biglang tumungo sa lamesa

Nandito na kami ngayon sa cafeteria, tapos na ang exam kaya nagpahinga muna kami dito.

Hindi ko na natiis ang sarili ko

"Grabeeee!!!! Sobrang hirap ng exam! Parang babagsak pa yata ako nito!!" Nasabi ko na lang habang nagta-tantrums pa sa upuan

Sobrang hirap naman kasi talaga, math at bio pinagsunod nila... Tapos hindi ko pa kabisado yung mga formulas.... Eh napakaraming formulas non... Hinulaan ko na lang yung iba dahil pinapapasa na ni sir sa unahan...

Grabe naman kase.... Sana pinaghiwalay nila yung math at science para nakapagpahinga naman kahit papaano yung utak namin... Lalo na yung math, napakaraming formulas na kailangang kabisaduhin... Halo halo na lahat sa utak ko... Sabi ko pa kanina hindi na yon mahirap sa akin pero balewala yung mga nireview ko! Kasi hindi ko na kinabisado yung formulas akala ko kasi hindi kami masyadong magco-compute doon kasi akala ko puro identification lang at multiple choices.... Pero kailangan parin talagang magcompute sa napakaraming items, tapos minsan yung computation ko wala pa sa choices!! Ganon ako nagdusa kanina....

Pwede kaming umuwi ngayon sa bahay namin dahil exam lang naman... Wala masyadong gagawin sa school kaya pwedeng umuwi.

Kaya naisip kong umuwi ngayon. Mas gugustuhing ko sa bahay kesa naman makita si Ken na syang nagpapahirap sa akin...

"Hwwwaaaaaaaaa!!!!"
Napasigaw si Kim kaya nagtinginan kaming lahat sa kanya. Lahat ng tao dito sa cafeteria ay napatingin sa kanya

"Ano bang nangyari ang ingay mo" Sabi ko kay Kim

Napatingin sya sa akin habang nanlalaki pa ang mata nya.

"Nag text si Jin" pabulong na Sabi nya sa amin

Napakunot ang noo ko

"Ano naman ngayon?" Tanong ni Colleen

"Kasi.... Simula nung halikan nya ako sa dance drama, hindi na kami masyadong nakakapag-usap.. tapos, hindi na rin kami nag te-text.... Kaya..." Binitin nya pa ang sasabihin nya

"Kaya baka magco-confess na sya sa akin ngayon!!! Anong gagawin ko? Hindi pa ako handa! Masyadong mabilis ang mga pangyayari ayokong dumating agad-" napatigil sya sa pagsasalita nung may humawak sa balikat nya

Nakatingin kami ngayon kay Jin na tinapik si Kim sa balikat habang natatawa.... Si Kim naman hindi alam ang gagawin at hiyang hiya sa mga pinagsasabi nya...

"Sino kaya sa atin ang mabilis? Tinext kita para makipagkita dahil gusto ko ring mag open up tungkol doon sa nangyari sa dance drama, baka kasi hindi mo iyon nagustuhan... Pero mukhang iba ang pagkakaintindi mo sa nangyari.... Sorry to offend you but I'm just in character..." Sabi ni Jin at umalis na

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now