35: counting on you guys

22 0 0
                                    

DEIN'S POV

"Keeeennn!!!!!" Sigaw ko habang nakayakap sa katawan ng walang buhay na si Ken

Umagos ang luha ko habang yakap ko sya....

Bakit? Bakit kailangan mong bumitaw? Bakit kailangang humantong sa ganito?

"Ang daya mo naman eh... Bakit ngayon ka pa bumitaw? Mahal na kita Ken eh... I'm now ready to cross the lines with you... Kaya bakit ngayon ka pa bumitaw?" Umiiyak na sabi ko

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod

"I'm sorry... Sorry nahuli ako, hindi ko nailigtas ang taong mahal mo" narinig ko ang boses ni Ivan sa likod ko

"Kung kaya kong ibalik ang lahat gagawin ko, huwag ka lang makitang nasasaktan.... Pero, imposibleng mangyari iyon" Sabi nya

Nabuhayan ako sa sinabi nya... Ibalik ang lahat.....

"Colleen" kaya nyang ibalik ang lahat!

Agad kong kinalas ang pagkakayakap ni Ivan sa likod ko...

"Babalik ako! Aayusin ko ang lahat!!" Sabi ko habang tumatakbo palabas

Kasabay ng mabibilis kong paghakbang ang pagtulo ng luha ko...

Ikaw ang sagot Colleen... Maibabalik mo ang lahat sa dati...

Dahil sa bilis ng kilos ko ay agad akong nakalabas sa science laboratory at nakita ko ang lahat na nagkakagulo parin.... Agad kong nakita si Colleen na nakaupo habang hawak si Neil....

Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kanya

"Colleen!!" Pagtawag ko sa atensyon nya

Napatingin naman sya sa akin at nakita ko ang namumugto nyang mga mata. Umupo rin ako para magpantay kami

"Colleen magagawa mong maayos ang lahat.... Maibabalik mo ang lahat sa dati..." Sabi ko sa kanya

Natigilan naman sya at agad na umiling

"Hindi... Mapanganib ang kakayahan ko... buong mundo madadamay kapag ginamit ko ito... Mare-rewind ang nangyayari sa buong mundo... Hindi ko pwedeng gawin iyon kung alam kong may madadamay" Sabi nya pero hinawakan ko lang ang magkabila nyang braso

"Colleen kung hindi mo ito gagawin, maaaring mawala sa iyo si Neil... Oo kasalanan ko ito pero matutulungan mo akong maayos ang pagkakamali ko at maibalik ang lahat sa dati" Sabi ko

Sandali syang natahimik pagkatapos ay mariing pumikit

Colleen's POV

Nangyari na ito dati.... Ni-rewind ko ang buong mundo at maraming nagbago...

Umiiyak ako habang nakatingin sa bangkay ng ama kong nakahimlay ngayon sa morgue at natatakluban ng puting tela ang katawan

"Dad, please wake up... Late ka na sa trabaho mo... T-tama na ang tulog... Ang sabi kasi ni mom huwag kang maglalasing eh... Ayan tuloy..." Umiiyak na sabi ko

"I want you back dad" Sabi ko at isang idea ang nag pop up sa utak ko

Napatingin ako sa mga kamay ko.... Nasa akin ang kapalaran ni dad... Muli kong tinignan ang katawan ni dad na nababalutan ng tela

Massaki University Series#1: school for magicOù les histoires vivent. Découvrez maintenant