20: suspended

40 1 2
                                    

DEIN'S POV

Lunes na ngayon at nandito kami sa room, nagsusulat lang kami ngayon.

"Talaga bang suspended sila Ken at Ivan?" Tanong ni Kim sa akin

Napalingon ako sa kanya at napabuntong hininga

"Oo, suspended si Ken dahil nanuntok at si Ivan naman dahil amoy alak" Sabi ko

Nasuspend tuloy sila ng dahil sa akin... Bakit ba kasi sya sinuntok ni Ken eh... Kaya ko naman si Ivan, at saka... Lasing sya, hindi nya alam yung ginagawa nya ..

"Alam mo ba? Si Lei at Corbyn yung nagpuslit ng alak..." Bulong ni Kim

"Ano?! Humanda talaga sila sa akin!! Dahil sa kanila nalasing si Ivan..." At nagsimula ang gulo...

"Pero, tatlong canned beer lang naman daw 'yon... Pinakita pa nga nila sa akin yung lata, dalawa na lang yun kasi nakay Ivan ang isa. Kaya nagtataka ako kung paano nalasing si Ivan sa ganon kaunting alak" Sabi ni Kim na ikinakunot ng noo ko

Imposible, lasing na lasing kaya si Ivan kagabi... Pero sa totoo lang, mahirap nga namang magpuslit ng alak dito... Kaya kung magpupuslit man sila hindi 'yon makakalasing dahil siguradong konti lang 'yon....

Hindi nila alam yung totoong nangyari, hindi nila alam na hinalikan ako ni Ivan kaya sya sinuntok ni Ken... At wala akong planong sabihin iyon... Hinding hindi lalo na dahil iniisue nila kaming dalawa ni Ken....

Nandito kami sa cafeteria at kumakain... Nagtatago ako dahil sariwa pa yung nangyari nung nakaraan... Kaya si Kim ang bumili ng pagkain ko..

Naalala ko si Ken, pagkatapos naming manggulo dito noon, palagi kaming nagpapabili kay Ivan ng pagkain, kahit ayaw ni Ken ay nagpapabili parin sya.. tapos doon kami sa bench kung saan kami napadpad ni Ken nung hinahabol kami ng staffs ng cafeteria tumatambay...

Napangiti ako nung maalala yung mga 'yon, nakakatawa kasi si Ken palagi eh... Pero minsan sakit rin sa ulo..

"Ano yang ngiting yan ha? Si Ken ba?" Biglang tanong ni Kim

"H-ha?! A-ano, wala may naisip lang!" Sabi ko

"Sus, dedeny mo pa... Alam kong si Ken ang iniisip mo" Sabi ni Colleen

"Kumusta na pala kayo? Turuan mo nga yang si Ken, nagiging basagulero eh... Kamakailan lang may binugbog sya dito tapos kahapon binugbog nya rin si Ivan!" Sabi ni Kim

"Kaya nga, palaging nandyan si Ken para iligtas si Dein" Sabi ni Colleen kaya napalingon ako sa kanya

"Kailan kaya kayo aamin sa amin? Come on Dein, alam na namin kaya there's no need to hide it!" Sabi ni Kim

"A-ano ba?! Wala nga kaming aaminin, ang kulit nyo talaga..." Sabi ko at muling sumulyap kay Colleen.

Posible kayang nakita nya yung nangyari sa party?

*Kinabukasan*

Holiday ngayon at walang pasok. Agad akong nagbihis dahil uuwi ako.

"Magkikita kayo ni Ken?" Tanong ni Colleen na basta basta na lang pumapasok sa kwarto ko

"H-hindi noh, Tama na nga yang issue na yan" Sabi ko

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now