52: Doomed

23 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nakahiga ako ngayon katabi si Monique. Hindi parin ako makaalis rito, puno ng mga armado ang paligid at kapag namukhaan nila ako ay lagot ako... Kaya hindi ako makalabas dito sa kwarto nila...

Sinabi naman ni Monique na tutulungan nya akong makalabas... May tiwala ako sa kanya dahil mabuti syang tao...

Umiiyak lang ako ngayon habang nakatalikod kay Monique... Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak... Lalo na tuwing pumapasok sa isipan ko si Ken...

Naramdaman kong gumalaw si Monique kaya pinigilan kong humikbi at pinunasan ko ang luha ko.

Bumangon si Monique at hinawi ang buhok ko kaya natigilan ako... 

"Umiiyak ka na naman? Palagi ka na lang umiiyak... Ganyan ka ba kahina? Diba sabi ko sayo tutulungan naman kitang makalabas dito?" Sabi nya, bumangon ako at inalalayan naman nya ako

"Pasensya na... Alam ko namang makakalabas ako rito... May tiwala ako sayo" Sabi ko

"Eh bakit ka umiiyak? Lalaki ba?" Natigilan ako sa sinabi nya at napaiwas ng tingin

She chuckled "lalaki nga... Kung ganon lahat ng niluha mo dahil sa kanya?" Sabi nya na puno ng panunuya

"Grabe ka... Alam mo ang ganda mo pero ang tanga mo..." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya

"Sorry to offend you pero, ang tanga mo talaga... Dahil lang sa lalaki papapangitin mo ang sarili mo? Tignan mo nga yan, paga na mata mo..." Sabi nya

Bumuntong hininga sya "dumaan na rin ako sa ganyan... Oo masakit yan sobra, pero kung paulit ulit ka na lang umiiyak diba tamang putulin na? Kagaya ngayon, palagi kang umiiyak ng dahil sa kanya... Panahon na siguro para kalimutan mo sya, break na ba kayo?" Tanong nya

Napatitig ako sa kanya "y-yeah, nakipag break sya..." Sabi ko

"Tignan mo... Sya pa ang nakipag-break! Kapal talaga ng mga mukha ng mga lalaking iyan..." Sabi nya

Hindi nya ba kami kilala? Pwede, kasi kung kilala nya kami hindi na sya magtatanong...

"Alam mo tigilan mo na yang pag-iyak iyak mo dyan! Gawain lang yan ng mga marupok... Tayong my babae hindi dapat tayo umiiyak! Kung ayaw na nya sayo edi go! Paalisin mo! Huwag kang iiyak, ipakita mo sa kanya kung ano yung binitawan nya... Kapag umiyak ka lang ng umiyak wala kang mapapala, tataas lang ang ego nung gagong yon dahil alam nyang malaking kawalan sya sa buhay mo" Sabi nya

Sandali akong natahimik sa sinabi nya... Bawat salita nya ay tumatak sa isip ko...

Na-realize kong tama nga sya... Palagi na lang akong umiiyak dahil kay Ken, parati na lang akong nasasaktan ng dahil sa kanya. Siguro panahon narin para piliin ko naman ang sarili ko, pero...

"Pero paano kung makipagbalikan sya? Paano kung mahal nya pa ako? Sayang kung–" pinigil nya ako sa pagsasalita

"Ikaaaaw na talaga ang marupok ng taon! Nakipag-break na sya diba? Nasa kanya ang choice... Pwede syang manatili pero nakipag hiwalay sya... Kasalanan nya na yon! Dapat syang magsisi na pinakawalan ka nya... Stop being marupok, kasi kung ganyan ka hindi na sya matatakot na gumawa ng kasalanan dahil alam nyang tatanggapin mo parin naman sya... Tama na pagiging tanga teh, it's 2020 hindi na uso tanga... Mahal mahal, kung mahal ka nya talaga mananatili sya..." Sabi nya

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon