43: The real enemy

21 0 0
                                    

KEN'S POV

"Sorry I'm late, bukas ganitong oras na kayo pumunta rito" Sabi ko sa harapan ng mahabang mesa kung saan nakaupo ang mga kasapi ng black magicians..

Mga sirang upuan ang nandito ngunit magagamit pa naman yung iba, dito nilalagay ang mga sirang lamesa at upuan ng building ng Military.

Tama, ako ang pinuno ng grupong ito... Ako ang bagong pinuno ng dating grupong kinamumuhian ko.

Hindi ito mangyayari kung hindi ako iminulat ni Mr. Williams sa katotohanan...

Nagulat ako nung makitang nakatali na naman ako

Teka... Buhay ako?! Paano nangyari ito?

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang walang nangyayaring gulo, wala si Dein... Nabalik sa dati ang lahat....

Agad na sumulpot si Mr. Williams sa harap ko.

"Ken makinig ka, kailangan mong malaman ito bago pa sila makakilos..." Sabi nya kaya agad na kumunot ang noo ko

"Hindi ako makikinig–" naputol ang sinabi ko

"Ang Dean at ang may ari ng paaralang ito ang tunay na kalaban" natigilan ako sa sinabi nya

Hindi ko alam kung dapat ko ba syang paniwalaan... Muntik na nyang ipapatay si Dein kanina!

"Hindi mo ako maloloko!" Sigaw ko sa kanya

Inilabas nyang muli ang picture ng anak nya...

"Binuo ko ang black magicians para sa kanya, para sa hustisya ng pagkamatay nya" naglandas ang luha sa mata ni sir

"They raped her.... Pero dahil sa kapangyarihan nila ay hindi nakamit ng anak ko ang hustisya! She's a former student here, marami syang pangarap... Pero, lahat ng iyon gumuho nung makarating sa akin ang balitang patay na ang anak ko...." Tumutulo ang luha sa mga mata nya at ramdam ko ang galit sa boses nya

"Ang buong akala ko ay masaya ang anak ko sa school na ito, pero dumating na lang sa akin ang sulat... sulat nya iyon para sa akin. Sinabi nyang ni-rape sya ng Dean at owner ng school, hindi lang isang beses kung hindi paulit ulit... Sinulat nya iyon bago sya mamatay, at kitang kita ko sa paraan nya ng pagsulat na nanghihina na sya at hindi na nya kaya..." Sabi nya habang nakatungo

"Humingi ako ng tulong sa lawyer ko para mapakulong sila, pero hindi iyon nangyari dahil makapangyarihan sila... Kaya pinili kong pumasok dito, nag-apply ako bilang isang guro... At sinumulang buuin ang plano ko, na mapabagsak sila at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko..." Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan nya.

"Ken!" Napatingin ako kay Neil na bigla na lang sumulpot at kasama nya si Jirou

Pumadyak si Neil kaya–

Alam ko na ang mangyayari....

At tama nga ako, dala dala na ako ni Neil at hinawakan agad kami ni Jirou.

Bago pa kami maka-alis ay sumulyap ako kay Mr. Williams, nakatingin lang sya sa akin na nakikiusap ang mata, wala syang ginawa upang mapigilan kami. Hinayaan nya kaming makaalis...

Tuluyan na kaming naka-alis doon at sa isang iglap lang ay narito na kami sa dorm namin.

Yun ang nangyari, at pagkatapos non, pinag-isipan ko nang mabuti kung sasama ba ako sa kanila... At nabalitaan ko na lang na naaresto si Mr. Williams, kaya nag-isip ako ng plano kung paano ko mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng anak nya.

Bilang isang military student hindi ko hahayaang may mamatay na walang nakakamit na hustisya... Kaya ito ang naisip kong paraan, ang pumalit sa kanya...

Nagsimula na kami sa meeting namin... Pinag-usapan namin ang tungkol sa owner at Dean at kinilalang mabuti ang makakalaban namin...

Pinag-usapan rin namin kung paano namin mapapabagsak ang owner at Dean at kung paano sila maipapakulong. Dahil makapangyarihan sila, kailangan namin ng matinding plano...

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now