42: A responsible partner

18 0 0
                                    

DEIN'S POV

Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko. Agad akong bumangon at kinusot kusot ang mata ko. Inabot ko ang alarm clock habang nakapikit at nagtaka nung maramdamang iba ang alarm clock ko.

My alarm clock is round, pero bakit pahaba ito?

Iminulat ko ang mata ko at nagulat nung makitang wala ako sa kwarto ko. Inilibot ko ang paningin, puno ng libro at gitara ang kwartong ito at kulay brown ang kurtina... Knowing me, I love white, kaya nakakapagtaka nga talaga kung maging kulay brown ang kurtina ko...

Patay na ang alarm clock at napatingin ako sa picture na malapit doon.

Me and Ken...

Agad akong napangiti... At least alam kong safe ako dito sa kwartong ito... kwarto ito ni Ken.

Agad akong suminghot at inamoy ang amoy ni Ken...

So manly...

Biglang bumukas ang pinto at napatingin ako kay Ken na sumilip mula rito...

"You're awake..." Tuluyan syang pumasok

Simpleng black T-shirt at white na short ang suot nya. Napatitig ako doon sa short na yon dahil pamilyar at agad akong napangiti nung makita ang panda na design nito sa gilid

"Sinusuot mo pala yung binili ko sayo? I thought you didn't like it..." Sabi ko na may halong pang-aasar

Agad syang namula at kumunot ang noo nya...

"I don't have any choice! Nasa laundry pa lahat ng mga short ko! By the way nandyan na ang mga damit mo kaya hindi mo na kailangang magmadali pabalik sa dorm mo, breakfast is ready kaya tumayo ka na dyan!" He said then slammed the door out of embarrassment

Natawa na lang ko. Naalala nyo ba yung sinabi kong nag mature sya? You better bury that to the core of hell... Ken is Ken and will always be...

Napatingin ako sa gilid ng kama at nakita ko ang uniform ko, napangiti na lang ako... Kahit ganoon si Ken, napaka considerate naman nya at sweet in his own way...

Nakabihis na kami ni Ken at naglalakad na kami papunta sa classroom... Magkalayo ang  room namin, nasa baba yung sa kanila at nasa taas naman yung sa amin...

"See you later...." Sabi ko nung nasa tapat na sya ng room nya at umalis na

Nakatapak na ang isa kong paa sa unang baitang nung mapatigil ako dahil may paang sumabay sa aking hakbang. Napataas ako ng tingin sa nagmamay-ari ng paang iyon at nakita ko si Ken na nakatingin din sa akin

"Ihahatid kita" Sabi nya at inakbayan ako at humakbang na pataas...

Lihim akong napangiti... Considerate, sweet, at possessive...

Tapos na ang klase kaya tumayo na kami ni Colleen at Kim. Biglang lumapit si Jin kay Kim at kinuha ang bag nito.

"Guys sa susunod na lang ah... Mauuna na kami bye!!" Magiliw na sabi ni Kim at naglakad na sila paalis

Napatingin ako kay Colleen na nakatingin sa phone nito...

"Ahh... Dein, kita na lang tayo sa dorm ah... May pupuntahan kasi kami ni Neil..." Sabi ni Colleen kaya ngumiti ako sa kanya

"Sige bye" Sabi ko kaya tumango sya at umalis na.

Napabuga na lang ako ng hangin. Okay lang, palagi naman kaming nagkikita kita kaya okay lang na wala sila ngayon...

Nakatungo akong naglakad palabas ng room namin. Dire-dretso lang ako at napatigil nung biglang may humila sa hand bag ko. Napa-angat ako sa lalaking ngayon ay isinakbit na ang bag ko sa balikat nya...

My face enlightened when I saw Ken seriously staring at me...

"Tara, cafeteria tayo" Sabi nya at nagsimula nang maglakad habang dala dala ang bag ko

Muli na naman akong napangiti ng palihim... A considererate, sweet, possessive and always-there partner....

Pagkatapos naming mag cafeteria ay hinatid nya ako sa dorm ko. Kahit gabi na at alam kong marami pang mas mahalagang bagay na dapat gawin ngayon ay mas pinili nya paring isantabi iyon at ihatid ako dito sa dorm namin.

Nandito na kami sa tapat ng dorm namin. Tumigil kami sa paglalakad at dahan dahan nyang tinanggal ang bag ko sa balikat nya. Tinitigan nya ako at napabuga sya ng hangin saka dahan dahang ibinigay sa akin ang bag ko na parang ayaw nya pang ibigay...

"Salamat" Sabi ko kaya napangiti sya

He pat my head.

"Magpahinga ka na... huwag kang magpupuyat, kumain ka ng marami" Sabi nya kaya nakangiti akong tumango

Ibinaba na nya ang kamay nya at ngumiti sa akin, sabay dahan dahang tumalikod.

Tumalikod na rin ako habang nakangiti... Ang oa nito pero ayoko pang mahiwalay sa kanya, siguro dahil palagi kong nililimitahan ang pagkikita namin kaya ganito; sabik na sabik akong makasama sya...

Mas okay naman ito kaysa sa unti unti kaming magsawa sa isa't isa...

Pero, kung dumating man ang panahong iyon, na magsawa kami sa isa't isa, hindi ko parin sya iiwan... Kahit pagod na ako hindi ako bibitaw... Dahil alam kong mas maraming paraan para maayos ang isang relasyon, na hindi ito tinatapos...

"Ahh... Dein" napatigil ako sa pagtulak ng pinto nung magsalita si Ken.

Nilingon ko sya at nakita kong nandoon na sya sa baba ng dalawang baitang na hagdan.

Agad na kumunot ang noo ko

"May kailangan ka?" Tanong ko

Sandali syang natahimik at nakatitig lang sa akin, pagkatapos ay dali dali syang humakbang palapit sa akin at bago pa ako makapag react ay nailapat na nya ang labi nya sa labi ko.

Gulat ako at hindi agad nakagalaw, nakamulat pa ako kaya kitang kita ko ang nakapikit nyang mga mata.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ito nawawala tuwing hinahalikan nya ako... Lalo na kung unexpected ang halik na iyon...

Pinutol na nya ang halik naming dalawa at matiim syang tumitig sa akin.

"I can't help it... Your kiss is my reliever... Just one kiss from you blow all my worries away..." Sabi nya

Nakatitig lang ako sa mga mata nya. Nababasa ko ang mga nasa isip nya... There's no new, still me in his mind... But, there's something....

Bago ko pa mabasa ang tinatago ng kanyang isip ay nag-iwas na sya ng tingin.

"I have to go now... Magpahinga ka na" Sabi nya at tuluyan nang umalis

Napatitig na lang ako sa likod nyang naglalakad na palayo...

were you hiding something from me?

KEN'S POV

Nang makalayo na ako sa dorm nila Dein at nasiguro kong hindi na nya ako matatanaw, dali dali akong tumakbo.

Shit I'm late! I'm very late!

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, gustong gusto ko syang makasama... Hindi kami masyadong nagkikita at kagabi lang sana kami magkakaroon ng tsansa na magkasama at magkausap ngunit nakatulog pa sya...

Now I'm late on my meeting... Siguro ganitong oras ko na lang sila papapuntahin bukas...

Massaki University Series#1: school for magicOnde histórias criam vida. Descubra agora